Prologue

170K 2.6K 114
                                    

PS: Contains matured scenes... ingat sa pagbabasa.

Prologue

            "You have an ovarian cancer Miss Monterde, kailangan nating kuhanin ang mga ovaries mo and sorry to tell you, hindi ka na pwedeng magkaanak kapag natanggal na ang mga ovaries mo."

Napakurap siya sa sinabi ng doctor na tumingin sa kanya hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Impossible iyon dahil kung hindi siya nahimatay hindi naman siya masusugod sa hospital na ito. Dehydration lang ang sakit niya kaya impossible ang sinasabi nitong may ovarian cancer siya, is it even possible? It can't be true!

"You are joking me right?" tanong niya sa may edad na doctor. Seryosong umiling ang doctor niya. "How is it even possible?"

Tumingin sa kanya ang doctor mukhang sanay na sanay na ito sa mga reaksyon na ipinakita niya.

"I know mahirap tanggapin Miss Monterde, you are still single I guess. Alam-."

"Pero paano nga nangyari iyon wala sa pamilya namin ang may ovarian cancer, icheck niyo uli ako doc. Baka nagkakamali lang kayo I mean there should have..." tuluyan na siyang naupos sa kinauupuan niya. Alam kasi niyang walang kwentang makipagtalo dito.

"If you insist Miss Monterde we can conduct another test but I assure you my test is accurate."

"But I am still twenty five." Parang tangang sabi niya. Ganito pala iyon ano? Iyong akala mo lahat ng bagay ay nasa iyo na. May mga bagay pa rin palang hindi mo nakukuha.

"I know you are still young pero walang sinasanto ang ganitong klaseng sakit Miss. We need to remove your ovaries as soon as possible or else you will experience abdominal pain most of the time."

Napatingin siya sa result na nasa kamay niya ni isa doon ay wala siyang maintindihan. Ang naiintindihan lang niya ay may sakit siya at hindi na siya pwedeng magkaanak.

"But if you want you can bear a child as soon as possible at kapag nanganak ka na isasabay nalang natin ang pagtanggal ng mga ovaries mo." Nagtagis ang bagang niya sa sinabi ng doctor para kasing inuutusan siya nito ng ganoon kadaling bagay. Akala naman siguro nito isa siyang malanding babae na pumapatol sa kung sinu-sino. Akala ba nito ganoon kadali ang gusto nito. "It's up to you it's your decision." Sabi nalang nito.

Hindi niya alam kung ano ang ginawa niya at siya pa ang nabigyan ng ganitong klaseng sakit. Bakit siya pa? Bakit hindi nalang iyong mga babaeng ayaw magkaanak? Bakit hindi nalang iyong mga babaeng ilang beses ng nagpa-abort.

Ang bata pa niya, ni hindi pa pumasok sa isip niya na magkaroon ng pamilya. Hindi rin pumasok sa isip niya na magkaroon ng anak.. Mukhang hindi na matutuloy ang mga plano niya. Para bang sa isang iglap lang ay nawala ang dapat ay para sa kanya. She felt so down and right now hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa pamilya niya ang balitang iyon. She needs someone to lean on right now. Sino ang lalapitan niya?

Tulala lang siya ng makabalik sa bahay ng kanyang mga magulang, agad niyang nadatnan ang kapatid niyang si Dane katabi ang girlfriend nito at si Damon. Pinilit niyang pinasigla ang hitsura niya.

"Damon!" tawag niya sa bata, tumingin ito sa kanya at itinaas nito ang mga braso nito. Kaagad niya itong nilapitan at kinarga at hinalikan. She wants to have a little angel of her own too, pero mukhang impossible ng makamit niya iyon.

Marked Series 7: Fall for Him (COMPLETED)Where stories live. Discover now