Chapter 4

1.6K 76 15
                                    

Chapter 4

(Eleazer's POV)

"Are you ok?" Puno ng pag-aalala kong tanong kay Yerese habang dahan-dahan kong nilalagyan ng ointment ang mga pasa niya sa mukha. Naka-upo siya sa gilid ng kama habang nakaluhod naman ako sa sahig.

"I'm ok. Don't worry malayo to sa bituka." Ngiti niyang sagot.

"Fck. That brat!" hindi ko maiwasang mainis sa kapatid ko dahil sa ginawa niya sa kanya. "I'm sorry about my sister. Warfreak kasi ang Mannequin na yun. Mahilig makipagbasag ulo. Kahit lalake pinapatulan non."

"No worries. Kasalan ko naman. Kaagad ko siyang inatake ng magulat ako sa paghawak niya sa likod ko. Ako dapat ang humingi ng paumanhin.."

"Ano ba kasi ang puno't dulo nito?" Tanong ko habang marahang hinahaplos ang gilid ng labi niya na may pasa. Damn it. I always have an urge to kiss her everytime i see her kissable and loucious lips.

Sandali siyang natahimik na ipinagtaka ko. Kitang kita ko sa mata niya ang parang takot? Hindi ko alam pero parang nakakaramdam siya ng takot at pagkabalisa.

"I uhmm.." nagdadalawang isip ata siya kung sasabihin ba niya o hindi.
"Nagising kasi ako na wala ka sa tabi ko--"

"Damn! I forgot na may Monophobia ka pala." Pakshet! Dire-diretso pala ang pag-alis ko kanina. Nawala sa isip ko na kasama ko pala siya. "I'm Sorry Baby.. nagkaroon kasi ng emergency kaya bigla akong umalis.."

"It's ok. I understand. Nagigising talaga ako pag wala na akong katabi. Lumabas ako ng kwarto para sana hanapin ka. Pero hindi kita mahanap kaya dumiretso muna ako sa kusina  at binuksan ang Refrigerator. Naghanap ako kung may Chuckie at Spaghetti ba kayo--"

"Chuckie? Yung chocolate milk na nasa karton? And Spaghetti? Gutom ka ba?" pagputol ko sa sinasabi niya.

Napakagat labi siya at parang nahihiyang nakatingin sa akin. "Chuckie and Spaghetti are my only pill para maiwasan kahit sandali ang takot ko."

Nanlambot ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Naiimagine ko tuloy ang takot na naramdaman niya kanina. I'm such an idiot! There's no cure in any kind of phobia. Well depende siguro sa taong nakakaranas nito. Pero mostly, pag may phobia ang isang tao, dadalhin ang takot na yon sa kanya sa mahabang panahon. Ano kayang naging dahilan ng pagkakaroon nito? Paniguradong masamang bangungot ang nangyari sa kanya. Naiisip ko pa lang na natatakot siya, parang may pumipiga sa puso ko. Madami pa akong dapat alamin tungkol sa kanya.

"Then?" Pagpapatuloy ko sa kwento niya habang hinahaplos ko na ang buhok niya. Nakakakonsensya ang pag-iwan ko sa kanya. Damn it!

"Disappointed ako dahil wala akong makita. Kaya ng maramdaman kong may humawak sa likod ko, naalerto ako at awtomatikong sinunggaban ko siya. Hanggang sa nagkagulo na nga kami. Masyado akong nagulat sa pangyayari kaya hindi ko nagawang huminto. I didn't stop attacking her even she begged at me to stop. But she was also fighting me back. I'm really sorry for causing trouble and mess in your house and hurting your sister. " Nakatungo siya habang nagsasalita.

Hinaplos ko ang pisngi niya at marahang inangat ang mukha niya paharap sa akin.

"No need to say sorry. I understand you. It was all my fault in the first place for leaving you alone here. Sa susunod, hindi ko na kakalimutang iwan ka ng mag isa tuwing gabi." Puno ng sinseridad na sabi ko. Bumaba ang tingin ko sa napunit niyang damit at sa bandang dibdib niya kung saan kitang kita ang apat na mahabang guhit ng kalmot sa ibabang bahagi ng collarbone niya na dumudugo pa. Damn it! Eleeze' killer nails did it! Agad kong pinunit ang damit niya para makita ng buong buo ang sugat niya.

Mr & Mrs KimWhere stories live. Discover now