Alam ko na mabuting tao si Chuck at sa loob ng maraming taon, napatunayan niya na iyon sa’kin. Hindi ko po alam kung bakit nagdadalawang isip pa ako na sagutin siya.

 

Dahil po ba takot ako na masaktan?

 

Dahil po ba natatakot pa rin ako hanggang ngayon para sa sarili ko dahil sa nangyari sa mga magulang ko?

 

Alam ko po na kakabit ng pagmamahal ang salitang sakit. Matagal ko na pong natanggap sa sarili ko kung ano man iyong nangyari kay Mom at Dad. At ngayon po, natuto na ako.. Handa po ako sa mga consequences kung sakaling masaktan man ako sa mga desisyon ko. Lakas ng loob. Iyon lang po talaga ang kailangan ko ngayon. Alam ko at sigurado na po ako kay Chuck. Ngayon po kaya ko ng aminin sa sarili ko ang totoo.

 

Gusto ko siya.

 

Mahal ko siya.

 

Kaya sana po, God, kayo na ang bahala sa’kin sa desisyon na gagawin ko.

 

Napatingin ako muli kay Chuck. Nakita kong nag-sign of the cross na siya, tanda ng tapos na siyang magdasal. Tumayo na siya mula sa pagkakaluhod at tumingin sa’kin.

“Tara na?”, yaya niya. “Kain tayo? Tapos tambay?”, saad niyang agad kong tinanguan.

Sabay kaming naglakad palabas ng simbahan. Nang malapit na kami sa pinto ay tumigil ako at hinarap ang altar.

‘Handa na po ako’ bulong ko sa sarili ko at nilingon si Chuck.

“Anong dinasal mo?”, tanong ko ng hindi pa rin nagsisimulang maglakad.

“Ikaw.”, aniya. “Dinasal ko na sana sagutin mo na ako.”, saad niyang parang nagbibiro at tumawa.

Agad ko siyang sinimangutan at pabirong sinuntok sa braso.

“Ano nga?”, tanong kong muli. Seryoso siyang tumingin sa’kin, dinilaan niya ang kanyang labi at marahang ngumiti.

“Pinagdasal ko na sana bigyan mo ako ng chance.”, aniya. “Sasabihin ko sa harap mo at harap ni God. Sobrang mahal kita Aiza. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag di mo ako sagutin.”

Lumakas ang tibok ng puso ko at pilit kong tinago ang pagkakilig ko. Oo naman syempre, kahit na minsan ay mas lalaki pa akong gumalaw kay Chuck ay nakakaramdam din naman ako ng kilig.

“Oh de sige. Yes na.”, hindi makatingin ng diretso na saad ko.

“What?”, mahinang saad niya. “Yes?”

Napatingin ako sa kanya. Malakas ang tibok ng puso at nag-iinit ang mukha. Nakangiti ako samantalang siya ay hindi maipinta ang mukha.

“Oo, yes.”, ulit ko at kinagat ang ibabang labi ko para mapigilan ng pagngiti ng todo ng makita ko ang panlalaki ng mata niya.

“Yes?”, ulit niyang muli. “Yes as in, yes tayo na? Yes sinasagot mo na ko?”, this time ay mas lumawak na ang ngiti niya at kitang-kita ko ang excitement at tuwa sa mukha niya.

Kung lokohin ko kaya to?

Umiling ako. “Yes, as in yes naman! Tara na nga at kumain.”, ani ko at mabilis na tinalikuran siya. Napatawa ako pero pinilit ko na pigilan iyon ng marinig ko ang pigil niyang sigaw.

“Aiza! Ano nga? Seryoso ka ba?”, aniya at mabilis ako na sinundan palabas. “Asar ka naman!”, gigil na saad niya na mas lalong ikinatawa ko.

Hinablot niya ang braso ko at hinarap ako sa kanya. Magkasalubong na ang kilay niya at medyo pinagpapawisan na din ang noo niya, pero kahit na ganoon ay ang gwapo pa rin niya at ang bango pa rin niyang tignan.

“Ano ba?”, nakangiting saad ko sa kanya. Inirapan niya ako pero mabilis din na ibinalik ang tingin sa’kin.

“Yes ano nga?”, makulit na sabi niya.

Alam ko na hindi ako titigilan nito sa pangungulit kaya sumagot na ako.

“Yes na nga. As in tayo na.”, saad ko. Kita ko ang pagkakagulat niya sa sinabi ko. “Ang slooow!”, pang-aasar ko at inagaw ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. Mabilis akong naglakad papunta sa kung saan naka-park ang kotse niya.

“TAYO NA? TAYO NA? SINASAGOT MO NA KO?”, malakas na sigaw niya. Agad akong natigilan at lumingon sa paligid. Namilog ang mata ko at pakiramdam ko’y umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ng makitang nakuha niya ang ilang atensyon ng mga taong nandoon.

“Hoy! Ang ingay mo! Tara na!!”, mariing sigaw ko sa kanya. Imbis na sagutin ako ay nakita ko ang malawak na ngiti niya.

“Tayo na. Sabi mo! Walang bawian.”, aniya at sumigaw. “Thanks God! Bawing-bawi!”, saad niya at mabilis na naglakad palapit sa kinatatayuan ko.

Napaatras ako ng sa wakas ay nasa harap ko na siya. Naglakad naman ulit siya palapit sa’kin kaya muli akong umatras hanggang sa naramdaman ko na, na hinapit niya ang bewang ko.

“Tayo na. Akin ka na. Akin na ang lahat sayo.”, mahinang bulong niya. “Sana alam mo na dahil nagdesisyon ka na sagutin na ako, sana alam mo na kahit kailan, hindi ka na makakawala pa sa’kin. “

Nanatili akong hindi nagsasalita doon at nakatingin lang sa paligid at doon sa mga taong nanonood sa’ming dalawa.

“Chuck, mahiya ka naman. Public place to!”, mariing bulong ko sa kanya na hindi niya pinansin.

“Hihingi ako ng advance sorry dahil sa gagawin ko.”, at ayon ang nakapagpalingon sa’kin sa kanya. Agad naningkit ang mata ko at nainis sa kanya.

“Sinasabi ko na nga ba! Sasaktan mo lang ako! Tingnan mo ngayon, nag-a-advance sorry ka na!”, sigaw ko at tinulak siya palayo. “Bwisit ka. Binabawi ko na—“

Natigilan ako at nanlaki ang mata ko ng maramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa pisngi ko.

“Walang bawian sabi ko, diba?”, marahang bulong niya. Ilang sandali akong hindi nakasagot bago muli bumalik sa’kin ang inis ko sa pag-a-advance sorry niya.

“Walang bawian pero merong hiwalayan.”, saad ko. “Break na tayo—“

Sa pangalawang pagkakataon ay nanlaki ang mata ko at sobrang uminit ang mukha ko ng maramdaman ko ang pagdampi ng labi niya. Hindi sa pisngi. Hindi sa noo… Kung hindi sa labi..

 

Nanigas ako ng husto sa kinatatayuan ko. Ang first kiss ko… Ang first kiss ko...

ANG FIRST KISS KO!!!!!!

 

Sa inis ko sa kanya ay mabilis ko siyang tinulak palayo sa’kin at sinapok siya. Agad siyang dumaing dahil doon pero kitang-kita ko ang ngiti sa labi niya.

“WALANG HIYA KA JIMENEZ!”, sigaw ko sa kanya. “HALIKA AT LUMAPIT KA DITO MAKAKATIKIM KA TALAGA SA’KIN WALANG HIYA KA!”

Imbis na magsisi sa ginawa niya ay muli siyang naglakad palapit sa’kin. Agad ko naman tinaas ang kamao ko.

“Wag ka talagang magkakamali!”, mangiyak-ngiyak ko na sabi. Nakita ko naman ang pagpapanic sa mukha ni Chuck. Mabilis niyang hinawakan ang kamao kong nakataas at lumapit sa’kin.

“Kaya nga ako nag-advance sorry e, diba? Alam ko na magagalit ka kapag hinalikan kita.”, aniya at marahang hinimas ang buhok ko.

“Bakit ka kasi nanghahalik dyan!”, sigaw ko.

“Masaya lang naman ako. Saka ayokong makipagbreak ka sa’kin o kaya bawiin mo yung pagsagot mo sa’kin.”, saad niya. “At least ngayon, wala ka ng kawala. Asa akin na ang first kiss mo, e.”, aniya at ngumiti na naman. Sa sobrang inis ko sa kanya ay mabilis ko siyang sinuntok sa braso niya. Pero mahina lang naman.

“Asar ka. Kapag inulit mo ‘yun. Di lang sapok ang aabutin mo sa’kin!”

One of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon