"Oh... Laki ng ngiti mo ha. Nagkabalikan na kayo?"

Anak ng! Nagulat naman ako kay ate. Bigla nalang susulpot tapos magsasalita. Tch! Pero hindi talaga matanggal ang ngiti ko. Gusto kong tumakbo at habulin siya tapos yakapin siya at ipagsigawan na mahal na mahal ko siya!

"Hindi pa ate. Pero alam kong magkakabalikan din kami.", sagot ko habang nakangiti pa din.

"Aba! At saan galing ang confidence na yan?", sagot ni ate na nakangiti ng nakakaloko sakin. Inaasar na naman ako nito. -____-

"Kasi ate.. Kani-kanina lang, papasok na sana ako sa kwarto ko tapos narinig ko ang boses niya. Naglalakad siya. Tapos kinakanta nya yung chorus part ng 'Baby I love you' by Tiffany Alvord. Tapos nung sasabihin niya na yung 'Baby I love you', tumigil siya at tumingin dito sa balcony ko. Eh nagtatago ako nun para hindi niya ako mapansin. Kaya ate! Gagawin ko na lahat ng makakaya ko!"

"Hahaha! Ayos yan, Alex. Kung may chansa ka, wag mong sasayangin yon. Grab the opportunity to prove her how much you love her. Okay? I'm always here for you."

"Salamat ate.", tapos niyakap ko siya.

"Osha osha! Halika na at kakaen na tayo ng lunch. Kanina ka pa tinatawag ni mama eh. Hindi ka naman nasagot."

"Ay sorry. Nasa balcony siguro ako nun."

"Asuuus! Stalker ka ha!"

"Hindi noh!"

"Wooshoo!"

Tapos nagkulitan lang kami ni ate hanggang makababa kami sa dining area. Masaya akong kumaen at nakipagusap sa pamilya ko. Nabuhayan talaga ang loob ko. Kuya Alex, salamat sa sign. Don't stop showing signs kuya, please. Ito lang ang makakatulong sakin.

.

.

.

.

.

Napagisipan namin ni ate na pumunta sa park. Wala. Brother and sister bonding muna kami. Parang mga bata lang. Ang sarap balikan ang mga childhood times namin ni ate. Madalas kasi kaming maglaro sa playground ni ate. Wala kaming ibang inaalala kundi ang happiness namin sa mga pagkakataong yon. At ganito ulit ang ginagawa namin ngayon.

Nakaramdam na kami ng pagod kaya naman nang may dumaan na nagtitinda ng ice cream, bumili kami at saka umupo sa isang bench. Nagpicturan kaming dalawa, tapos nagkwentuhan, tawanan, lokohan at kung ano ano pa. Nagpunta din kami sa may tabi ng lake. Nagpapahangin.

"Alex... Salamat."

"For what ate?"

"For making me happy. Naalala ko lahat ng childhood times nating dalawa. How we spent our childhood times were the best part of my life.", tapos lumingon sya sakin at ngumiti. Ngayon ko nalang ulit nakita ang ngiti na yan. Huli kong nakita yan nung sila pa ni kuya Alex. I smiled in return.

"Salamat din, ate. Gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko. Kung wala ang suporta mo, ninyo ng mga kaibigan ko, baka sinira ko na ang buhay ko at tuluyan ng nawalan ng pag-asa."

"Subukan mo. Bago mo pa sirain buhay ko, sisirain ko muka mo."

"Brutal mo naman ate.", tapos nagtawanan kami.

"Alam mo ate... Humingi ako ng signs kay kuya Alex.", napalingon naman siya sakin bigla. "Humingi ako ng signs para malaman kong may nararamdaman pa rin sakin si Fionna. Humingi ako ng signs para malaman kung ano ang dapat kong gawin. At ayun! Lumabas na ang isa. Nagpapasalamat talaga ako kay kuya Alex."

Nilingon ko si ate at nakita kong tumulo ang luha nya. Niyakap ko siya at saka naman siya humagulgol.

"Shhhh... It's okay ate. Iiyak mo lang. I know how much you loved him. And I know that no one can ever change that. Pero ate...", humiwalay ako sa yakap at hinarap sya. "Please, try your best na buksan ang puso sa iba at hayaang umibig muli ito. Okay? I want you to keep living in present."

She wiped her tears off and smiled at me. "I'll do my best. Thank you, bro.", she hugged me once again and so did I. I heard her whisper: "thank you, Alex". She loved him dearly. But it's time to let go of the past and let her heart love once again.

Di nagtagal eh umuwe na din kami ni ate. Nang makauwe na kami, nagpahinga muna kami tapos kumaen. Pagkatapos, nag-shower muna kami. Huy! May sari-sarili kaming banyo ha. Shempre, meron sa kwarto ko at sa kwarto ni ate. Pero same time kaming nagshower okay?

Maya-maya, may kumatok sa kwarto ko.

*tok tok tok*

"Pasok."

"Movie marathon tayo."

"Sige ba.", si ate pala. Bored yan kapag ganiyan. Pero parang ewan lang kasi movie marathon diba? Dalawang movies palang, tulog na siya. Haha! Pero ako naman, walang tigil sa panonood. Adik ako sa movies eh. Ganiyan talaga.

Fionna's POV

Lumipas ang araw na ito ng wala akong ginagawa. Dumaan ako sa may bahay ni Alex this morning. Haaay... Wala lang. Namimiss ko siya, like always. Bored na bored ako, promise! Naghahalungkat lang ako sa laptop ko nang mabuksan ko ang folder ng mga pictures namin ni Alex. A tear immediately fell streamed down my cheeks. Malakas ang impact ng lalaking 'to sakin. At talagang apektado ako sa paghihiwalay namin.

I loved him so much... Yet, I let him go. It was really stupid pero ito lang ang naiisip ko. Space. We both need space. Alam kong may chansa pa kaming dalawa. Tiwala lang. Mahal na mahal ko siya. Hinding hindi ko hahayaan na masayang ang pagsasama namin ng ganon-ganon lang. Hinding hindi ako susuko. Sa pagkakaalam na may ipaglalaban pa din ako. Fionna, fighting!

---------

YEY! Updated na. Haha. Ohhh.. Kumusta ang update ko? Ayos po ba? Hehe. Kung oo, edi oo. LOL. Vote and comment kayo. That's all. Gumawo. ~ :)

I'll Never Stop Falling For YouWhere stories live. Discover now