- Chapter 29

217 3 2
                                    

UPDATE ALERT! Sorry kung naging inactive ako sa story na 'to. Mas napagtuunan ko ng pinsan yung Love Is... Sacrifice? eh. Sana mabasa nyo ang iba ko pang stories. ^__^

Malapit na matapos ang story na 'to. Bare with me please! Pasensya naman kung hindi kagandahan ang stories ko ha? I lack experience eh. Osha, ComVo please? Thank you!

// DEDICATED TO YOU! THANKS FOR FOLLOWING :) ENJOY ^__^

Xander's POV

Friday na ngayon. Ilang linggo na rin ang nakalipas simula nang maospital si Xavier. Nagkamalay na rin siya after a week na mai-admit siya sa ospital. We were all shocked dahil ang unang bukambibig niya ay si Chance. That means mahal niya pa rin talaga si Chance.

Every after school, sabay-sabay kami nina Chance, Ericah at Fionna na pumupunta sa ospital para bumisita sa kaniya. He seems to be doing well pero alam namin na may limitasyon ang pagiging okay niya. Ngayon, nagiisip pa rin ako kung... kung itutuloy ko pa rin ba ang pagdodonate ng puso. Sa totoo lang, just by thinking about it, natatakot na ako. Natatakot ako sa mga consequences sa side ko. Kung sa kaniya ay maging successful at sakin ay hindi, maaari akong mawala ng tuluyan sa buhay ni Fionna. Parang... Parang ang sakit at hindi ko matanggap ang kaisipan na iwanan siya.

1 and a half months nalang ang natitira bago kami magtapos ng high school. Super busy na rin kami sa mga preparations for the exams and sa graduation ball namin. Pero hindi ako masyadong nakakapag-participate dahil sobrang nagaalala ako sa mga iniisip ko. Alam nyo na kung ano yun dahil kakasabi ko lang.

Magisa ako ngayon dito sa likod ng school. Lunch time pa naman namin eh. Mamayang 1:15pm ang start ng klase ko.

"Uy!", napalingon naman ako sa tumawag sakin. Si Fionna pala. Ngumiti ako sa kaniya and she did the same. Tapos umupo siya sa tabi ko. "Napapansin ko lang ha, madalas ata ay parang may malalim kang iniisip. Care to share?"

Hindi ko alam kung dapat bang sabihin ko sa kaniya na pinagiisipan kong mag-donate ng puso para kay Xavier. Utang ko sa kaniya ang pagaalaga niya kay Fionna nung mga panahong nawala ako sa tabi niya pero nasasaktan ako sa kaisipan na mapunta si Fionna sa iba. Hay, lagi nalang kontra ang pagiging selfish ko tuwing gusto kong maging mapagbigay.

"Xander?"

"Uh-- Eh-- Ano, wala 'to. Hehe! Ikaw naman, masyado kang nagiisip. Okay lang ako ^_^", tapos tinitigan niya lang ako ng seryoso. She knows me so well na hindi ko kayang magsinungaling sa kaniya pero... pero hindi pa 'ko handa na magsabi sa kaniya.

"Xander... Kung anuman yan, pwede ka naman magsabi sakin eh. Kilala na kita kaya wag kang magsinungaling pero kung di mo pa kayang sabihin, edi next time. Okay? Wag mong sarilinin ang problema mo. Handa naman akong damayan ka anytime", nakangiting tugon ni Fionna sakin. Ughhh! Mas lalo akong inaatake ng selfishness tuwing nakikita ko siyang ngumingiti. Parang ayaw ko na dumaan ang isang araw na hindi sya nakikitang ngumingiti. Shet! Nahihirapan ako... :(

FAST FORWARD >>>

Uwian na kami at pupunta na ulit kami sa hospital. Nauna na pala si Chance doon. Excited masyado na makita ang mahal niya. Pshhh! Haha!

"Uy daan muna tayo sa Tim Hortons. Bibili lang ako ng pagkain natin." -- Ericah

"Sige sige" -- Fionna

Naiwan kami ni Fionna. Ang tahimik namin. Gustong gusto kong hawakan ang mga kamay niya. Pero hindi ko magawa. Baka pag ginawa ko yun ay tuluyan na akong talunin ng selfishness ko.

I'll Never Stop Falling For YouOnde as histórias ganham vida. Descobre agora