Kabanata 46

1K 36 3
                                    

Chariz

Ang Nawawalang Sandiwa ng Kaharian Ovianad.

Basa ko sa dyaryo na nadampot ko mula sa kwarto nila Ama at Ina. Kaya napakunot ang noo ko. Nawawalang Sandiwa. Sino naman kaya ito? Seryoso may nageexist pang kaharian sa panahon na to.

Wtf?

Pinapatawa ata ako nito eh.

"Chariz nandiyan ka lang pala sa sala." sulpot ni Ina.

Ng mapatingin siya sa hawak kong dyaryo agad niya itong inaagaw sakin.

"Cha bakit pinakialaman mo to?" galit na singhal ni Ina. Na naging dahilan para maguluhan ako.

Bakit nagagalit siya?

"Nakita kolang po yan sa ilalim ng kama niyo. Kaya kinuha ko. Ano po bang meron diyan Ina?" sabi ko at umupo sa sofa sa sala.

"Wag ka ng magtanong pa. Wag mo na ulit tong papakialaman pa." sabi niya at tinalikuran na ako.

Sandiwa ano yun? Sa tingin ko prinsesa yun or reyna. Kaharian daw eh..

Nasa ganun akong sitwasyon ng biglang marinig ko ang pagtatalo ni Ama at Ina mula sa kwarto nila.

"Gerald naman bakit ba pinababayaan mong pakalat-kalat yang pesteng dyaryo na yan." rinig kong sigaw ni Ina kay Ama.

"Di ko naman alam na nasa ilalim pala ng kama natin Julia." sigaw din ni Ama. Nalungkot nalang ako bigla. Dahil eto na naman sila at nag-aaway na naman.

Lagi nalang silang ganto.

Habang patuloy silang nagtatalo. Chineck at kinalikot konalang phone ko at chineck ang mga social media apps ko.

Chineck ko ang messages. At eto pa rin si Bryce patuloy na nakikipagbalikan sakin.

Neknek niya utot niya.

Di ko pinansin ang messages niya na umabot na sa 100+ ganun siya kakulit.

Siya tong nagloko tapos gaganyan-ganyan siya. Edi doon siya sa Abby niya bakit ba ako ginugulo niya?

Hanggang sa nagring ang phone ko senyales na may tumatawag.

"Cha nasaan inyo kaba?" bungad ni Xhaina.

"Yes why? Isn't obvious naririnig mo naman ata ang sigawan nila Ina at Ama." sarkastikong sabi ko sakanya.

"Nag-aaway na naman ba sila?" tanong niya ko.

"Wag kang bobo Xhai naririnig mo naman diba." sabi ko at napairap nalang.

"Yayain sana kita sa isang bar. Nandoon raw si Abby at yung hayop na alipores niya na naging dahilan para masuspended ka ng dalawang linggo." sabi niya naman.

Oh anong gagawin ko sa mga yun?

"Oh anong gagawin ko? Pake ko sakanila." sabi ko at inis na umirap.

Oo suspended ako dahil sa bruha na yun. Dahil nagself defense lang naman ako pero yung self defense ko naging dahilan para tatlong araw siyang walang malay.

Aba malay ko bang napalakas pala ako.

At eto nakakagulat sis. Di nagalit parents ko na para bang alam nila na kaya kong gawin yun..

Well sila rin naman nagturo sakin noon. Since I was a child.

Ni di ko nga naexperience maglaro o makipaglaro. Dahil ako yung bata na imbes na laruan ang hawak or manika. Ako naman ay arnis. Kung yung iba ay sa playground. Ako naman ay sa nasa training ground. Ganun kalupit ang childhood ko.

Sandiwa Jewel is BackWhere stories live. Discover now