Kabanata 28

1K 40 1
                                    

(This chapter ay bago mangyari yung audition nina Manuella at Jewel para di kayo malito)

Keiron

Nasa canteen kami ngayon at iniintay sina Joshua at Andrea dahil sila nalang ang kulang..

Maliban kay Cheena na ilang araw ng nasa kaharian nila dahil kailangan ng isang Sandiwa roon para ayusin ang di naman kalakihan na problema..

Eh dahil sa si Stacey ay busy dahil may kakaiba siyang nararamdaman sa Academy at kay Prof Oviad.

Kaya siya ang nag-iimbestiga rito katulong niya si Drake para di mahalata ng Prof ang pagiimbestiga namin sakanya.

Maya-maya lang dumating na rin ang dalawa na magkahawak ang kamay.

Yeah alam naming sila na..

Ewan kolang sa Kuya niya. Kasi ngayon lang ulit bumalik ang kuya niya dahil naghihinala ito dahil ilang araw na niyang di nakikita ang kanyang Ina at kapatid na si Ate Mika.

Napatingin kami Andrei na nagtataasan ang kilay. Winawari kung bakit dikit na dikit ang dalawa?

Shit umayos ka Joshua maano ka ni Andrei diyan.

Paglapit nila.

"What the hell are you doing the both of you?" mahina pero galit na sabi ni Andrei.

Kaya parehong napabitaw ang dalawa at tumingin sa ibang direksyon ang mga mukha nila.

Ginalit niyo ang dragon.

"Ah K-kuya?" utal na utas ni Andrea.

Tsk.

"Andrea tell me the truth?" nakataas na kilay na sabi ni Andrei at deretsong nakatingin kay Joshua. Oo kay Joshua..

"Pre wag mong sigawan si Andrea ako na ang magsasabi sayo ng totoo." sabat sakanya ni Joshua.

Kaya nagsalubong ang kilay ni Andrei.

Naagaw na namin ang halos lahat ng atensyon ng mga estudyante rito sa cafeteria dahil sa eksena at sigaw ni Andrei.

Bakit ba sigaw ng sigaw to?

Aamin naman yung dalawa sakanya.

Napakapossesive na kuya tsk. Buti di ako ganyan kay Serena.

"So anong totoo?" ngayon ay seryosong sabi ni Andrei habang nakatingin sa dalawa.

Nakita namin kung paano hawakan ni Joshua ang kamay ni Andrea. Nakita pa namin ang gulat sa mukha ni Andrea pero agad din siyang naliwanagan dahil para silang nag-usap gamit ang mata.

Tsaka humarap sila parehas kay Andrei..

"Tol. Kami na ng kapatid mo. Sinagot na niya ko." bakas sa mukha ni Joshua ang takot dahil kilala niya magalit si Andrei.

"At kailan pa?" tanong ni Andrei sakanila.

Sasagot na sana si Joshua ng unahan sila ni Christian.

"Pre hayaan mo na sila. Halos isang taon na nanliligaw si Joshua kay Andrea. Siguro naman oras na para maging official sila. Di naman kasi panliligaw ang pinapatagal kundi ang relasyon. Kaya chill ka lang di naman sasaktan ni Joshua yan." nakangiting sabi ni Christian tsaka bumaling kay Joshua. "Diba Joshua?" usal ni Christian sakanya.

Bahagya pang nagulat si Joshua sa pagbaling ni Christian sakanya.

"Oo naman. Mahal na Mahal ko si Andrea para saktan ko siya. Pinapangako ko sayo Andrei na hinding-hindi ko sasaktan ang aking prinsesa. Because she deserve to be happy. Ipaglalaban at aalagaan ko siya no matter what. Iingatan ko ang prinsesa niyo." nakangiting sabi ni Joshua.

Sandiwa Jewel is BackWhere stories live. Discover now