Kabanata 22

1.1K 43 1
                                    

Jasmine

Busy akong isinasaayos ang mga bagay na bagay sa opisina ko ng biglang..

"Jasmine?" tawag nito kaya napalingon ako.

Magkahalong saya at gulat dahil di akalaing narito si Ina mula sa mahabang panahon na di ko siya nakita.

"Ina." nakangiting sabi ko sakanya at lumapit sakanya at niyakap siya.

"Ikaw bata ka di dapat ikaw naglilinis ng opisina mo para saan pa mga alipin rito sa kaharian." natatawang sabi ni Ina tsaka binatukan ako.

Kaya napanguso ako.

"Eh Ina bakit di ko gawin yung bagay na pwede naman ako ang gumawa kaysa iuutos ko diba." nakangiting sabi ko sakanya.

Ngumiti lang siya at umupo sa malapit na sofa.

"Bakit nga po pala kayo naparito?" usisa ko dahil napakaimposibleng trip lang ni Ina pumunta rito ng walang dahilan alam kong merong dahilan at kinakabahan ako para doon.

Di kasi ugali ni Ina ang pumunta sa isang lugar kung wala namang importanteng gagawin dun.

"May nais sana ako sayong sabihin tungkol ito sa panganay mong anak." seryosong sabi ni Ina habang nakacross-arm at nakasandal sa sofa.

At kinabahan ako ng todo.

"Si Jewel?" kinakabahang ani ko.

"Bakit may iba ka pa bang anak na panganay jusq ka Jasmine." nakataas na kilay na sabi ni Ina.

Kaya napailing nalang ako.

Oo nga naman.

Di na ako umimik pa at inintay nalang ang sunod niyang sasabihin.

"Naalala mo ba yung nakatakas sila mula sa Zaynadarks." panimula niya.

I remember that. Nagulat na nga lang ako kasi nakatakas sila..

"Anong meron dun Ina?"

Huminga ng malalim si Ina at tsaka tumingin sakin.

"Ang totoo yan eh. Nung araw na yun ay patay na dapat siya. Ngunit nakiusap siya sakin na kahit hanggang war lang ay maisaayos niya ang lahat. Gusto niyang iwan ang mundong ito na payapa." nakangiting ani ni Ina.

Kaya nagulantang ako.

Anak!

Di ko akalaing ganto nalang ang pagmamahal sa mundong ito.

Gustong gusto siyang yakapin ngayon dahil sa katapangan niya.

"At nais rin daw niya kahit saglit ay makilala niya kayo ni Renxo at maging si Jenica ay nais niyang makilala." dagdag ni Ina sakin. "Di biro ang pinagdaanan ng anak mo Jasmine isa siyang napakagiting at napakatapang na bata. Bagay na di ko alam kung saan siya kumukuha ng tapang. Nasaksihan ko mula sa taas ang pagdurusa niya. Dahil ang anak mong yun ay umibig sa anak na lalaki ng Aegisfling. At nasaksihan ko rin kung paano nila sinaktan ang isa't isa para sa ikabubuti ng lahat. Nagparaya ang anak mo Jasmine mo. Hinayaan niya na siya ang masaktan hanggang sa dulo." kwento ni Ina.

Si Keiron ba ang tinutukoy niya?

Kaya pala eto yung sobrang nasaktan ng malaman niyang wala na ang anak ko..

"Si Sandiwu Keiron ba ang iyong tinutukoy Ina?" tanong ko kay Ina.

"Oo siya nga. Ilang gabi ko siyang nakitang umiiyak at halos maghinagpis dahil nasaktan na naman niya ang lalaking yun ng di niya sinasadya." dagdag pa ni Ina.

Sandiwa Jewel is BackWhere stories live. Discover now