Kabanata 9

1.2K 45 3
                                    

Pambungad ng Nakaraan

Enzo

Pagkagising ko naisipan kong maglibot muna sa campus.

Napakaganda namang tunay ng academy.

Wala kang ibang masasabi kundi papuri.

Habang nasa daan may narinig akong nag-aaway sa isang sulok. Kaya di ako dumeretso at tumigil.

"Mercedes layuan mo na ko please." rinig kong tinig ng lalaki.

Galit ito base sa boses niya.

"But I love you." umiiyak na sigaw nung babae.

"Fuck that love ilang beses ko bang uulitin sayo na di kita gusto." sigaw nung lalaki sakanya.

Ganitong oras nagsisigawan sila seriously? It's 4 am in the morning..

"Kieron please wala na si Criszette pwede naman sigurong ako naman. I'm begging you." garalgal na sabi nung babae.

Kaya bahagya ko na silang sinilip. Halos manlaki mata ko sa nakita ko.

Paanong nandito siya? Oo ilang beses ko na siyang nakikita pero ngayon ko lang siya nakita ng lubusan.

Anong ginagawa nan dito?

Bakit kailangang dito ko pa siya makita sa Academy?

Masaya na ko kay Jewel.

Alam kong mahal ko si Jewel.

Pero bakit? Kailangang bigla akong maguluhan sa nararamdaman ko.

Nakita ko kung paano siya magmakaawa kay Kieron.

Nakita ko lahat kung paano siya pagtabuyan ni Kieron.

Natulala ako sa nakikita ko.

Alam niyo kung bakit?

Dahil ganyan ako noon sakanya. Ako yung nagmamakaawa.

Ako yung naghahabol sakanya.

Ako yung pinagsisiksikan ang sarili sakanya.

Di ko alam kung maaawa ba ako sakanya o matatawa.

Diko alam kung anong dapat kong maramdaman.

Isa lang alam ko.

Mahal ko pa rin siya pero tama na.

Nakita ko ang pag-alis ni Kieron at naiwan siyang umiiyak.

Kaya lumapit ako sakanya at halos manlaki mata niya.

Napatayo siya at inayos ang sarili.

"Bakit ka nandito?" garalgal na tanong niya.

"Nakita mo naman sigurong nandito si Jewel kaya nandito rin ako." seryosong sambit ko sakanya.

"Bakit kailangang dito pa? Alam mo ba mas lalo akong inayawan ni Kieron simula ng dumating yang Jewel na yan. Pwede bang umalis na lang kayo." galit na galit na sabi niya.

"Napakaselfish mo naman Mercedes." inis na sabi ko sakanya.

"Ah alam ko na kung bakit nandito ka. Para habulin ulit ako at ipakitang masaya ka na sa bago mo." natatawang sabi niya.

Baliw na siya.

"Tama ako diba? Kung iniisip mong babalik pa ko sayo nagkakamali ka." hagalpak niyang muli.

Ibang-iba na siya. Na parang di ko na siya kilala.

Na parang ibang tao na ang nasa harap ko.

"Nagbago ka na talaga." maikli kong sambit sakanya.

"Di ako nagbago Enzo sadyang di mo lang ako kilala." nakangising sabi niya.

Natulala na lang ako dahil sa nakikita ko hindi ito ang Mercedes na alam ko.

Hindi to ang Mercedes na minahal ko noon.

Hindi ito ang babaeng nakilala ko.

Nasaan na ang dating Mercedes?

Anong nangyare?

"Anong nangyare at nagkaganyan ka." concern na tanong ko sakanya.

"Wala ka ng paki dun." sabi niya tsaka umalis.

Naiwan akong tulala at maraming tanong..

Marami akong gustong itanong sakanya.

Pero alam kong wala akong maririnig na sagot sakanya.

Nagkibit-balikat nalang ako tsaka umalis na rin at napagpasiyahan ko ng bumalik sa dorm ko.

Pero tulala pa din ako sa daan at tila biglang di ko namalayan ang paligid.

At tila nagbalik ang lahat ng alaala.

"Enzo tara sa bayan." bigla-biglang sulpot niya sa tabi ko.

"Ano na naman gagawin natin dun?" tanong ko sakanya.

"Basta may mga cute na magician dun dali." parang bata na sabi niya.

"Sige na tara na bago pa bumalik si Ama sa palasyo. Alam mo namang ayaw nila sayo." usal ko sakanya.

Oo masakit ang kapalaran dahil di tanggap ni Ama at Ina ang relasyon namin kaya palihim kaming nagkikita noon..

"Enzo." biglang sambit ng isang tinig.

Di ko namalayang nasa pinto na pala ako ng dorm namin.

Si Akiel lang pala yung kadormate ko.

Di ko na siya pinansin nagdere-deretso na ko sa banyo.

Tulala pa rin ako.

Dahil di ko alam kung sasabihin ko ba kay Jewel ang tungkol dito.

Naguguluhan na rin ako sa nararamdaman ko simula ng makita kong muli si Mercedes.

Di ko alam kung saan ko ilalagay ang puso ko.

Sa nakaraan ba o sa kasalukuyan?

A/N:

Mabilisang update muna hihi. Sorry kung bitin gusto lang makilala niyo ng lubusan si Mercedes at Enzo. And yes there's a twist may nakaraan sila.

At paano nangyari? At anong nangyari?

Kayo anong pipiliin niyo nakaraan o kasalukuyan?

Malalaman niyo sa mga susunod na kabanata. 

Thankyouuu ♡

Don't forget to vote and follow.

-paraiso_neo ❤


Sandiwa Jewel is BackOù les histoires vivent. Découvrez maintenant