Dapat na ba akong matakot. Hell no. Hindi ako nag-aral sa Ainabridge ng ilang taon para lang matakot sa walang modong Nathan na to.

Kung iniisip niyong nababasa niya pa iniisip ko. Nagkakamali kayo. Dahil blinocked ko isip ko para di niya mabasa. Para di niya malaman ang ginagawa kong pagpatay sakanya sa isip ko.

"I don't care your existed anyway. Btw I'm Alyana Bronsas. I have a mafi of ice." sabi ko nalang at tinalikuran siya di ko nga alam kuny saan ko nakuha yung gantong kalakas ng loob eh.

"Same. I don't care your existed too." rinig kong sigaw niya. At naramdaman konalang ang paglayo niya.

Peste di tuloy ako nakapagjogging dahil sa peste na yun.

Nakakainis. Patuloy lang ako sa pagpatay sakanya sa isip ng makasalubong ko si Matt.

"Oh Yana bakit di maipinta yang mukha mo." natatawang panunukso niya.

Badtrip hawang-hawa na talaga to kay Catana. Parehong ako ang pinagtritripan pagmagkakasama kami.

"Wala ka na dun alis diyan." sigaw ko sakanya at tinalikuran siya.

"Hey ang pikunin naman nito." rinig kong sigaw ni Matt. Pero di ko siya nilingon bahala siya diyan.

Badtrip na nga ako. Dinagdagdagan pa niya.

Kainis.

Dahil nga lutang ako habang naglalakad.

*blag*

May nakabangga ako?

Ansakit sa noo shit. At napapikit nalang ako sa sakit. Hanggang sa..

"Miss are you okay?" malumanay na tanong nung boses. Pero di ko maimulat mata ko. Nahihilo kasi talaga ako. Ang lakas nung impact eh.

"Anong nangyari sakanya?" rinig kong sabi ni Matt. Mukhang nakita niya ang nangyari.

Nagpaikot-ikot kasi ako bago ako tuluyang bumagsak sa sahig.

"Nabangga ko siya bro." sagot nung boses.

Nakakainis bakit di ko maimulat mata ko.

Naramdaman ko nalang na may bumuhat sakin.

"Dalhin mo siya bro sa clinic ako sunod nalang ako. Hingi ako tuloy sa isang healer mukhang ang lakas nung impact at pati pagmulat niya ay di niya magawa." sabi ni Matt.

Anong ibig sabihin niya? Iiwan niya ako sa lalaking di ko kilala.

Oo lalaki. Pero di ko alam kung anong mukha niya dahil di ko mabuksan ang mata ko. Ang sakit sakit pa rin kasi. Parang hanggang ngayon kasi nahihilo pa ako.

Naramdaman ko nalang na inihihiga na ako sa kama.

"Anong nangyari sakanya?" rinig kong tanong ni Nurse Romina.

"Mukhang nagamitan ko siya ng di sinasadya." rinig kong sagot nung lalaki.

Ano naman nagamit niya sakin?

"Kung ganun ano bang taglay mo? Ngayon lang kita nakita dito iho." rinig kong tanong ni Nurse Romina.

"Transcendent Force Manipulation po Nurse." sagot nung lalaki.

Manipulation?

So isa din siya sa mga rare na mayroon ng Manipulation. Sino ba kasi siya bakit di ko maimulat ko nakakainis.

Parang kanina lang yung walang modong Nathan ang nameet ko na may Aura Manipulation.

Tapos eto namang unknown guy ang nakita ko. At may Trascendent Force Manipulation.

Sandiwa Jewel is BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon