IKA-APATNAPU'T DALAWANG KABANATA

Start from the beginning
                                    

"Believe me, I didn't do anything to her! Siya ang kusang umalis!" Halos mapangiwi si Priscilla dahil sa sakit na nararamdaman sa kaniyang braso.



"No, no! Don't you fucking fool me, Priscilla! Cassandra wasn't going to leave this goddamn office if you didn't do anything to her! Did you fucking hurt her?!"



"I'm telling you the truth--- ano ba, Lorenzo! Nakakasakit ka na! It's just Cassandra! Why do you care so much about her?!" Sigaw ni Priscilla bago buong lakas na itinulak ng libreng kamay niya ang dibdib ng alkalde. Nag-igting ang panga ni Lorenzo at mas lalo hinigpitan ang pagkakahawak sa braso niya. Kahit na anong pagtitimpi ang gawin niya'y hindi umuubra lalo na kapag dinadamay na ng dalagang modelo si Cassandra.



"I fucking swear, Priscilla. Kapag nalaman kong may ginawa kang hindi maganda kay Cassandra... I fucking swear..." He said while clenching his teeth together tightly. "I fucking swear... Pagsisisihan mong bumalik ka pa rito sa Pilipinas." Ayon na lang ang sinabi niyang at pabalang na binitiwan ang braso ng dalaga. Mabilis siyang tumalikod kay Priscilla at agad na tinipa ang numero ni Cassandra sa kaniyang phone.



Halos mapasinghap si Priscilla nang makitang namumula na ang parte ng kaniyang braso kung saan siya hinawakan nang mahigpit ng alkalde. She just can't believe it! Talagang nagagawa siyang saktan ng dating nobyo dahil lang sa babaeng  squatter na 'yon! Nanlilisik ang mga mata ng dalaga nang tingnan niya ang likod ni Lorenzo. Aktong ilalagay na sana nito ang phone sa tainga nang mabilis na inagaw ni Priscilla iyon mula sa palad. Nang tingnan niya ito, hindi nga siya nabigo sa hinala. May gana pa talaga si Lorenzo na tawagan ang babaeng iyon. Kaagad niyang in-end ang tawag nang marinig ang pag ring ng kabilang linya.



Halos sumabog sa galit ang itsura ng alkalde nang harapin niya ang dating nobya. "What the fuck is wrong with you?!"



Halos umurong si Priscilla nang bahagyang makaramdam ng takot sa naging tono ni Lorenzo, but there's no way na hahayaan niyang tawagan ng dating kasintahan si Cassandra. "No! It is you who have a problem here! What's happening to you?!"



"Give me my goddamn phone, Priscilla!"



Umiling iling ang dalaga habang nagpapakawala ng sarkastikong tawa. "Look at you, Lorenzo! You are acting like a fool in love! Ganiyan ka na ba kahulog kay Cassandra at nagagawa mo na akong saktan dahil lang sa fact na umalis siya ng opisinang ito kahit wala akong ginagawa sa kaniya?! You are insane!"



"No, shut up! You are the one who's insane here, Priscilla! Hindi ko alam kung kailan papasok sa kokote mo na tapos na tayo! 'Di ako magpapakasal sa iyo at wala kang karapatan na pakielamanan ang buhay ko! Isa pa, dapat nga magpasalamat ka at 'yan lang ang inaabot mo sa akin kahit na nararapat talaga sa'yo 'yan dahil lagi mo na lang inuubos ang pasensya ko para sa mga pansariling interes mo! Putangina naman, Priscilla! Kailan ka ba mapapagod?!" Halos magtaas baba ang dibdib ni Lorenzo dahil sa matinding inis na nararamdaman. Saglit siyang napapikit nang mariin sabay tahimik na napabuga ng hangin. Ilang segundong katahimikan ang pumagitna sa kanilang dalawa. Nang dumilat siya upang muling tingnan ang dalaga, bakas na sa mga mata niya ang pagkokontrol.



"Be honest, Lorenzo. Are you in love with Cassandra? Kaya ba ganito na lang kung saktan mo ako sa tuwing may sinasabi akong masama tungkol sa kaniya?"



"Give me my phone, Priscilla." Nagtitimping hayag ni Lorenzo at saka ibinuka ang palad niya sa pagitan nila ng modelo.



"Answer me, Lorenzo!"



"I want my phone back now."


"Nagbago ka na. You are no longer the Lorenzo I used to know."


Alluring The Fire [Under Revision]Where stories live. Discover now