Chapter 10: Sirendepity

Beginne am Anfang
                                    

Napalinga linga ako hanggang sa nakita ko ang matandang lalaking nakahalandusay sa lupa.

"No." bulong ko.

Ramdam ko ang paghihirap niya. Napahawak naman ako sa aking dibdib na tila nasasaktan ako kahit hindi ko siya kilala.

Napasinghap naman ako ng tingnan ako ng matanda sa mga mata. Nakikita niya ba ako?

Tumingin ako sa likuran ko ngunit wala akong ibang nakikita. Tiningnan kong muli ang matanda at naawa sa kalagayan niya.

"Tu-makbo ka." mahirap na wika niya na parang ako 'yong sinasabihan niyang tumakbo.

"Siren-de-pity," tawag ng matandang lalaki hanggang sa binawian na siya ng buhay

Napatingin naman ako sa taong karga karga ang batang babae. Hindi ko maaniag ang kanyan mukha dahil naka cloak siya.

Tiningnan ko ang mga mata ng batang babae. Nakikita kong nasasaktan siya.

Aaaaaah ano ba 'tong nakikita ko? Napahawak naman ako sa pisngi ko. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.

Napayuko ako habang hawak hawak ang ulo ko. Ang gulo gulo!

"Please, a-yoko na! Ta-ma na! Nagu-gulohan na ta-laga ako!" hikbi ko.

Hindi ko alam kung ba't nakikita ko ang mga pangyayaring iyon. Hindi ko alam!

Ba't nakita ko si Troy? Rain? Pati ang batang babae na si Sirendepity? Sino ba siya? Ang matanda? Ang taong naka cloak? Sino sila?

I sob. "A-yo-ko na, Ayoko na!"

Napadaing naman ako ng maramdaman ulit ang sakit ng ulo ko. Na para bang binibiak ang ulo ko. Ang sakit! Sobra sobra!

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" malakas na sigaw ko.

Ang sakit! Aaaah!

Napapikit ako at pilit na kinakaya ang sakit ng ulo ko. Pero hindi talaga!

"Aaaaaaah!" sigaw kong muli.

"Nasa-saktan ako. Tigil na. Hin-de ko na ka-ya." pilit na wika ko hanggang sa dahan-dahan na akong nawalan ng ulirat.

"Gisingan mo 'yan!" rinig kong utos ng isang maskuladong tinig 'di kalayuan sa pwesto ko.

Nasaan ako?

Totoo na ba ito?

Ramdam ko ring hindi na gaanong masakit ang ulo ko. Ano ba 'yong mga nakita ko kanina?

"Hoy! Gising!" malakas na tapik ng isang babae sa balikat ko kaya dahan-dahan ko namang binuksan ang mga mata ko at nasilaw agad sa malakas na ilaw.

"Sino ka-yo? Nasan a-ko?" unang tanong ko sakanila hanggang sa nakita ko na ang mga pagmumukha nila.

Inilibot ko agad ang paningin ko at nakita ang isang malaking espasyo.

Napadaing naman ako ng maramdaman ang malakas na kadena sa buong katawan ko. Teka! What the!

"Alisin niyo 'to! Ano ba!" malakas na sigaw ko at pilit na umaalis sa upoan kung san ako nakagapos ngunit mas nasasaktan ako pag nagpupumilit akong umalis.

"Sirene! Sirene! Sirene!" tawag ng isang matandang lalaki sa akin at nginitian ako.

"Or shall I say sirendepity?" wika niya na ikina gulo ng aking isipan.

"Ano?" malakas na tanong ko.

Anong pinagsasabi niya?

Napatingin naman ako sa babaeng nasa tabi niya. Ka edad ko lang yata ang baabeng 'to. At ang matandang lalaking nasa harapan ko ngayon ay ang lalaking nagpanggap na Dastan ang pangalan.

"Alam mo. Nakakaawa ka. Dahil hindi mo kilala ang sarili mo." mapanuksong wika ng matanda sa akin ngunit inirapan ko lang siya.

Ano? Papaikutin niya na naman ako? Tsk.

Napatingin naman ako sa kanya ng makita ang matutulis nitong ngipin. Bampira rin siya?

Naalala ko naman bigla ang sinabi ni Troy na Tito niya ang matandang 'to. Tsk. Kamag anak niya pero ito ang ginagawa.

"Sirendepity." tawag ng matanda sa akin ngunit pinandilatan ko naman agad siya.

"Ba't mo ba ako tinatawag na sirendepity? Sino ba 'yan? At sirene ang pangalan ko! Sirene!" bulyaw ko at nagpupumiglas muli ngunit nasasaktan lamang ako sa ginagawa ko.

"Hinding hindi ka makaka alis sa kadenang 'yan sirendepity." tawa ng matanda.

"Walang bampirang nakaka alis sa kadenang 'yan!" wika ng matanda na ikinagulat ko.

"What! Eh tanga hindi ako bampira kaya makakalaya rin ako rito!" sigaw ko.

Nabigla naman ang babaeng katabi ng matanda sa sinabi ko.

"See? Hindi mo kilala ang sarili mo." ani ng matanda na ikinatahimik ko.

Ano bang ibig niyang sabihin?

"Kilala mo ba kung sino ang tunay mong mga magulang? Alam mo ba ang iyong mga nakaraan? Kilala mob a ang iyong sarili, Sirene?" tusong tanong ng matanda sa akin ngunit hindi ko na lamang siya sinagot.

Napabuntong hininga ako. Tama nga siya. Hindi ko alam kung sino nga talaga ako. Dahil ang naalala ko. Isa akong batang orphan. At anim na taon lamang ako ng iniwan ako sa orphanage. Ni hindi ko nga alam kung sino ang nag-iwan sa akin doon eh.

"Marami ka pang hindi nalalaman Sirene." ani ng matanda.

"Kaya nga lang hindi mo na malalaman ang iyong nakaraan dahil maya maya lang ay papatayin kana namin." patuloy nito na ikinagalit ko.

"Walang hiya ka! Ano bang kailangan mo! Ni hindi nga kita kilala eh!" nangagalaiti kong wika sakanya.

"Rash tawagin mo na silang lahat. Sisimulan na natin ang ritwal." ani ng matanda sa babae at tumango naman ang babae sa aknya.

Ritwal? Anong gagawin nila?

Mangiyak ngiyak na ako dahil sa sobrang sakit ng kadenang nakagapos sa katawan ko ngunit pinapakita ko pa rin sa matandang 'to na matapang ako. Na kaya ko.

"Huwag kang mag-alala sirene. Madali lamang ito. Atsaka sinigurado na naming hindi ka na nila maililigtas dahil hindi pa nga sila nakakatapak sa lugar na 'to eh patay na sila." wika ng matanda dahilan upang mabahala ako.

Ano? Patay? Sino ang papatayin nila?

Si Troy? No no!

Pero ililigtas niya ba ako?

I sob. Paniguradong walang magliligtas sa akin. Dahil wala naman akong ibang kakilala. At lumayas na nga ako sa puder ni Inay. At si Troy.

Ba't niya naman ako ililigtas diba?

Napayuko ako at kinagat ang labi ko upang mapigilan ko ang sarili kong humikbi.

"Ayo-ko na.."  Hirap na hirap na wika ko sa aking isipan.

***

Fact:

Sirene is pronounced as See-reen. Not Sai-reen. Not sai-ree-nee nor See-ree-nee.

The Vampire King's Beloved Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt