Chapter Seven

52K 950 25
                                    

First day ng paghahanap namin kay Ian. James called me that morning to say that he's gonna pick me up at exactly 10 am. So here I am, standing in the middle of my walk in closet, thinking... what to wear?

Should I wear a dress? But I don't wanna look to formal and overdressed. As far as I know, maglalakad kami ni James... iikutin namin ang buong Madrid, makita lang si Ian, so wearing a dress is not really an option. But I wanna look good. Robi said that I look good on dresses... bigla ay napabuntong hininga ako. 

Bakit nasama na naman si Robi? Sinabi ko na noon na susubukan ko ng ibaon sa limot ang lahat ng bagay na may kinalaman sa kanya. So I shouldn't be thinking about him. I shook my head. 

Ang gulo ko talaga, pero mas naguguluhan ako sa isa pang ideyang pumasok sa isipan ko. I wanna look good. Para kanino? Para saan? Para kay James? Pero bakit? 

Dahil gusto kong sabihan niya ako ng maganda...

Iyon ang unang dahilan na pumasok sa utak ko. Pero bakit ko naman gustong marinig sa kanya na maganda ako? Yesterday when he saw me on the dress shop, he told me that I am the most beautiful bride.... kahit na pilit kong itanggi sa sarili ko, nakadama ako ng kaunting kilig. Kaunti lang naman.... at agad ko ring kinalimutan iyon dahil alam kong hindi tama na makadama ako ng kahit na ano para sa kanya. 

He said that he likes me... pero like niya daw ako dahil magkaibigan kami. Tama naman iyon, wala amang taong makikipagkaibigan sa taong hindi niya gusto. Pero noong sinabi niya sa akin iyon, parang huminto ang pagtibok ng puso ko. Akala ko kasi kung ano na ang sasabihin niya, iyon pala, iyon lang. Nakakadismaya.. nakakainis, nakakalungkot...

Pero ang mas nakakainis sa lahat ay iyong katotohanan na hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit kapag nandyan si James, para kong kiti-kiting hindi mapakali? Hindi ko alam kung ano ang dapat kong ikilos, hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Pati nga paghinga ko binibilang ko kasi nag-aalala ako na baka mamaya, magkamali ako. 

And I'd give up forever to touch you... 

Tinakbo ko ang kinaroroonan ang cellphone ko. Alam ko agad, kahit hindi ko pa nakikita na si James ang tumatawag sa akin. Pero bakit parang napaaga yata? Usapan namin 10 am.. pero 9:15 pa lang...

"Hello?" humahangos na sagot ko. 

"Kanina pa ako tawag ng tawag ang tagal mong sagutin." tila inip na inip na wika niya. Huminga pa siya ng malalim. 

"Sorry, nagbibihis kasi ako. Nandyan ka na sa baba?" tanong ko. Bakit ganito? Bakit parang... excited ako...

"Oo... bumaba ka na dito..." utos niya. I know I should be pissed cause I don't like someone tell me what I should do, pero bakit parang maluwag na maluwag sa dibdib ko ang pagsunod sa kanya?

"Sige, I'll be there in five minutes..." agad na tinapos ko ang tawag at muli ay bumalik ako sa harap ng salamin para ayusin ang sarili ko. I don't have time to fix my make up, so i just put some blush on, pagkatapos ay kinagat-kagat ko na lang ang labi ko. Hindi ko na rin maaayos ang buhok ko kaya hinayaan ko na lang na nakaladlad iyon. Nang tingnan ko ang sarili ko, napangiwi ako. I look so untidy. 

Pero mas okay na siguro iyon kaysa ang maging overdressed ako. I grabbed my coat and left the room. Bahala na kung iisipin ni James na ako na ang pinakapangit na tao ngayong araw na ito. At least kahapon, sinabihan niya ako ng beautiful. 

Nang makababa ako sa lobby ng hotel, iginala ko ang mga mata ko upang hanapin si Jaime, agad ko naman siyang nakita. I waved at him. Mukhang inip na inip na siya. 

"Sorry..." wika ko ng makalapit ako sa kanya. 

"You said five minutes, your two minutes late." nakasimangot na pahayag niya. 

"Grabe ka naman, para two minutes lang..." napailing si James. 

"Mahalaga ang oras, Irish. Pano kung sa dalawang minutong nasayang sa paghihintay ko sa'yo, eh sumakay na pala si Ian sa eroplano patungo kung saan? Eh di mawawalan ng saysay ang ipinunta ko dito?" angil niya. Tumaas ang kilay ko. Someone woke up on the wrong side of his bed. 

"Iyon naman pala eh. Eh di ikaw ang maghanap sa kanya. Adios, Jaime..." tatalikod na ako nang bigla niyang hawakan ang braso ko. 

"Sorry... hindi ko naman sinasadya na pagtaasan ka ng boses." kunot noong binalingan ko siya. 

"Ewan ko sa'yo. Bakit kaya hindi ka na lang magpasalamat dahil tutulungan kitang hanapain si Ian?" naiinis na ako. To think na excited pa naman talaga ako na makita siya ngayon. 

"Sorry na nga eh. Saka kailangan ko bang maging thankful sa'yo eh may kondisyon ka naman?" balik tanong niya. 

"Ah... so ayaw mo pala ng kondisyon ko? Oh eh di bahala ka..." I turned my back on him. He again caught my arm. 

"Fine.. I'm sorry.. It's just that I'm worried about her..." malungkot na sabi niya. 

"And I'm worried about you..." gusto kong sabihin iyon pero sa huli naisip ko na para saan? Eh wala naman akong karapatang mag-alala..

"Okay lang... halika na." nagpatiuna akong lumabas ng hotel. Outside, I saw Andres standing near his limo...

"Buenas diaz, mi señora..." nakangiting bati niya sa akin. "El hombre alquiló una limusina para usted, mi señora."

"Realmente?" natatawang tanong ko. Alam kong binibiro lang ako ni Andres. James rented the limo for Ian. Kung sakaling mahahanap namin siya ngayong araw, he wanted Ian to feel comfortable. Maybe they'll end up in this limo together, and I'll end up walking home. 

"Él es un tirón usted sabe que el infierno ... nunca hace esto para mí.." pagkasabi niyon ay tumingin ako kay James, kunot na kunot ang noo niya habang si Andres naman ay natatawa.

"Are you two, talking about me?" naguguluhang tanong niya. Natawa ako. 

"Hindi. Bakit ka naman namin pag-uusapan?" I looked at Andres, he opened the door for me, sa loob ng limo, mayroong apat na pirasong dilaw na rosas.... Napangiti ako...

"Para la señora más hermosa en cara de Madrid..." nakangiting iniabot sa akin ni Andres iyon. 

"Gracias, Andres.. El Youre tan el dulce .. sóloespero Jaimeparecería a usted.." nakangiting inabot ko iyon... 

"Okay, I heard my name. You two are talking about me..." inis na sabi niya. 

"Ewan ko sa'yo..."I stuck out my tounge... then I laughed. Gumaganda na ang araw ko... sana gumanda pa lalo ito.. sana hindi muna maging Jerk si James... 

"Donde están nosotros yendo, hermoso.." tanong ni Andres sa akin. Tumitig sa akin si James.

"Anong sabi niya?" kunot na kunot ang noo niya. 

"Tintanong niya kung saan daw tayo pupunta.." nakangiting sagot ko. Inamoy ko muna ang mga baluklak na hawak ko bago ako sumagot. I last saw Ian on Puerta del Sol... siguro doon na lang muna kami pupunta, may posibilidad kasi na baka bumalik siya roon. 

"Perta del Sol, Andres..." ilang sagit lang ay tinatahak na namin ang daan. Nagtatanong-tanong si Andres sa akin... magalang naman na sinasagot ko siya, at sa tuwing gagawin ko iyon ay hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa hitsura ni James. Clueless na clueless siya sa mga nangyayaring pag-uusap. 

"Okay... from this moment on.. no one will talk in Spanish..." naiinis na pahayag niya. 

"Now where's the fun on that?" kunot noong tanong ko. Pinanlakihan niya ako ng mata. Napailing ako. Ang sungiot talaga, mas masungit pa kay Robi kapag may topak. 

Pagkatapos ng ilang saglit ay narating na namin ang Puerta del Sol. Tulad ng araw-araw na scenario, marami na namang turistang umiikot roon. Natutuwa talaga ako kapag nakakakita ako ng maraming tao. 

"Dito ko nakita si Ian, noon.." sabi ko kay James habang umiibis kami ng sasakyan. 

"Dito? You saw her here? Sa gitna ng maraning tao?" tanong niya. Tumango ako. Dito ko siya sinundan...

"And she went there..." tinuro ko ang kanang direksyon, patungo iyon sa Real Casa de Correos, ang gusaling noon ay post office pero headquarters na ngayon ng Madrid's Autonomous Community. James sighed. 

"Usted puede abandonarnos ahora, pero estar seguro para regresar antes de los juegos de sol.." ngumiti naman si Andres at saka muling pumasok sa sasakyan. 

"Anong sabi mo sa kanya?" tanong ni James.

"Sabi ko balikan na lang niya tayo bago magsun-set." nakalabing sagot ko. "Halika na... kung tatayo tayo rito, hindi natin makikita iyang hinahanap mo..." nagpatiuna na akong maglakad. Sumonod naman siya sa akin, nakihalubilo kami sa mga turistang naglalakad sa gitna ng square na iyon. James started asking some tourists, while I stand there and watch him.

Naisip ko, napaka-swerte pala ni Ian. Too great men were ready to give everything up just to be with her... Hindi na niya kailangan pang maghintay, dahil siya na ang hinihintay at hinahanap. Hindi na niya kailangang umiyak, masaktan o makipag-agawan sa isang babaeng tulad ko na nakikiamot lang ng kaunting pagmamahal. 

I am envious... Nakakinggit naman talaga. 

"Hey..." I called him. "What? Any developments?" umiling siya. Bagsak ang balikat niya. 

"Okay lang iyan. Sa dami ng taong araw-araw na naglalakad rito at namamasyal, malamang kahit isa, may nakakita kay Ian. Halika, doon tayo..." hinatak ko ang suot na coat ni James. Hindi pa rin siya kumikibo, tahimik kaming naglakad. 

"Sorry, Irish..." mahinang sabi niya. Napatingin ako. 

"Sorry? Para saan?"

"Imbes na mamasyal ka, tinutulungan mo akong maghanap." natawa ako ng pagak. Ang drama ni James...

"OKay lang. I've walked on this park a hundred times..." naiilang ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin, gusto kong umiwas, pero paano? Napaka-awkward kasi ng pagkakatitig niya... 

"Señora!" tinawag ko ang isang babaeng nakasuot ng pulang coat. She looked native. She smiled at me.. 

"Tengo que preguntarle algo, usted ve que mi amigo aquí busca el amor de su vida...Entonces soy sólo gona le preguntan, ha visto usted a esta señora?" ipinakita ko sa kanya ang larawang kanina ay hawak ni James. Tiningnan iyon ng babae.. masusing sinisino niya ang nasa larawan... matagal.. parang pinag-aaralan niya ang bawat anggulo ng mukha ni Ian..

"Sí! Ella estaba aquí sólo hace un momento, pidiendo direcciones."

"Realmente?" binalingan ko si James. "Ang sabi niya nandito daw kanina si Ian, nagtatanong ng direksyon." bigla ay lumiwanag ang mukha ni James. 

"Talaga? papunta saan?" muli ay binalingan ko ang babae.

"Direcciones a dónde?" she pointed to her left.

"Ella quiso ir a Peunte de Segovia" napatango ako at muling binalingan si James. 

"Ian wanted to go to Peunte de Segovia.." binalingan ko ang babae. "Gracias, Señora.." agad na hinatak ko si James papalayo sa lugar na iyon. 

"Saan iyon?" nagtatakang tanong niya. 

"Uhmm we have to ride a train or a taxi para makapunta doon. Peunte de Segovia is a famous bridge. Maganda doon." nakangiting sabi ko. 

"Aano naman si Ian sa bridge?" tanong niya sa akin.

"Aba malay ko. Basta sabi ng babae, doon siya pupunta, itinuro naman daw niya kay Ian. Now we have to go to the train station fast, baka sakaling maabutan natin si Ian.."

"Ano bang mas mabilis, train or taxi?" impatient na pagtatanong niya. Natigilan ako. 

"Taxi..." mahinang sagot ko. Muntik na akong mapapikit sa ginawa ko. I cannot believe I lied to him. Siyempre mas mabilis ang train, walang traffic doon.

"Okay, so halika na.." tumakbo si James sakalumingon sa akin. "Tumawag tayo ng taxi."

"It's just around the corner, didiretso tayo tapos kaunting lakad, then liliko tapos andun na..." tumakbo na rin ako. I still cannot believe that I lied. I don't even know why I did that. Pakiramdam ko masama akong tao pero naisip ko, hindi namn masamang maging selfish kahit minsan lang. 

Gusto kong mahanap ni James si Ian, pero bakit parang hindi pa ako handa sa magaganap na iyon? Bakit parang... bakit parang gusto ko munang makasama si James, bakit parang gusto ko siyang makapiling kahit man lang saglit, kahit man lang panakaw... 

Bakit?

Tumingin ako sa kanya. He was smiling again... alam ko sa isip niya, na makikita na niya si Ian... Iyon din ang nasa isip ko... but why am I silently praying na sana bago kami makarating sa Peunte de Segovia, nakaalis na si Ian...

Bakit? Bakit nga ba, Irish?

__________

"She's not here..." dismayadong-dismayado ang hitsura ni James. Mukha siyang pinagbagsakan ng langit at lupa, sa tingin ko kahit si Da Vinci, hindi kayang ipinta ang kanyang mukha. 

"We'll did you asked around?" nagi-guilty na tanong ko. Napangiwi ako. Ngayon ko lang nakikita ang konsekwensiya ng ginawa ko. Naiinis ako sa sarili ko, hindi ko alam na ganito magiging kalungkot si Jaime, mukha siyang namatayan, mukhang gumuho ang mundo niya. 

"Baka naman hindi kayo masyadong nagkaintindihan.." mahinang bulong ko. Looking at James right now makes me feel bad about what I did. Ngayon ko lang naiisip ang ginawa ko. I felt so evil. Pero kanina, habang nasa byahe kami, habang tumatakbo ang train, James, I felt so happy. James and I talked. It was the first time, he and I had a real conversation. Isang pag-uusap na walang halong inis, galit o paghihinagpis. I found out na napakasarap niya pa lang kausap... 

"They speak english, Irish. And they didn't see any girl..." malungkot na sabi niya. Napakagat-labi ako. Gustung-gusto kong sabunutan ang sarili ko. Napatitig ako kay James. Nag-iisip. Ano bang tama at dapat kong sabihin?

"James..." mahinang usal ko.... what should I say.

"Alam mo, naisip ko. Bakit sa dami-dami ng bansa sa mundo, dito pa niya naisip magpunta? Sa Spain pa, ang lugar na kumupkop at nagmahal kay Robi sa loob ng mahabang panahon. Bakit? At bakit siya nagpunta dito... dito... sa lugar na ito.." tukoy niya s akinatatayuan naming tulay. Wala masyadong sasakyan noon, palibhasa'y maghahapon na...

"Peunte de Segovia.." I smiled. Bigla ay may naalala ako. "This is Robi's favorite place..." wala sa loob na sabi ko. Napatingin sa akin si James.

"I see..." mapait ang ngiting sumilay sa kanyang labi. "I should've seen that one coming..." mahinang sabi niya. 

"I didn't mean to..." nakangiwing paghingi ko ng paumanhin. Ano bang pumasok sa isipan ko at bigla kong nasabi iyon? Pwede ko namang hindi sabihin iyon, pwedeng itago ko na lang sa aking sarili, pero hindi, kailangan talaga na ipagsigawan ko pa sa harapan ni James na itong tulay na ito ang paboritong lugar ni Robi. Ang tanga. Ngayon kitang-kita ko na naman sa mukha niya ang sakit...

"Halika na. Kailangan na nating bumalik..." nagpatiuna siya sa paglalakad. Hindi siya nagsasalita, habang ako, nakikiramdam. Ano ba Irish? Hindi ka ba talaga titigil? Hindi ko man lang naisip na magkakaganito siya. Kung sana hindi ako naging selfish, sana nagkita sila ni Ian. 

"James...." tawag ko sa kanya.. hindi siya sumagot.. "James..." 

"What?" tila naiinis na sagot niya. Napamulagat ako. Bigla siyang napabuntong hininga. "I'm sorry..."

"Naku.. wag ka magsorry..." kung alam niya lang... Masama man sabihin pero parang ganoon na din, sinabotahe ko ang dapat sana ay magiging pagkikita nilang dalawa ni Ian. 

"What is it?" he asked it a light tone. Sinabayan niya ako sa pagalalakad. Ngumiti ako. Ipinalupot ko ang kamay ko sa braso niya. 

"Huwag kang mag-alala, naniniwala akong magkikita rin kayo ni Ian. Hindi man ngayon, malamang sa mga susunod na araw. At least nalaman natin ngayon na nandito nga siya..." masayang sabi ko. I was trying to make him feel better. I wanna see him smile again. 

"Yeah... maybe.... matyaga akong tao. Hindi ako babalik ng Manila ng hindi ko siya nakikita.." napapangiti na siya. Nabagabag ako... ngumiti man siya ngayon, ang dahilan noon ay si Ian at hindi ako.

"Oh bakit?" nagtatakang tanong niya. 

"Wala... laro tayo..." sabi ko bigla. Natawa si James.

"Anong laro? Para kang bata..."nakangiting sabi niya. 

"Step No, step Yes. English version..." 

"Paano iyon?" kumunot ang noo niya. "Saka english naman iyon..."

"Hindi. Ang ibig kong sabihin iyong american version, kasi may pinoy version din noon. Nakita kong nilalaro iyon ng mga bata sa Manila noong namasyal kami ni Robi." lumayo ako ng kaunti sa kanya. 

"You see this lines? Kapag tumalon ako at nagsabi ng step... kapag natapakan ko ung lines na iyon or hindi sumakto iyong paa ko, sasabihin mo NO, pero kapag pumasok ang paa ko sa square, sasabihin mo yes...Best of five ito ah... Then you're going to stay at the end of the bridge..." tinuro ko ang other end ng tulay. "Doon ka sisigaw ng YES or NO. Gets?" 

"Sure... paano kapag nanalo ako?" tanong niya. 

"Lilibre kita ng red wine saka tapas... " 

"Paano kapag ikaw ang nanalo?" muling tanong niya. 

"Ililibre mo ako ng red wine saka tapas..." nakangising sagot ko. "Deal?" 

"Deal..." lumakad si James patungo sa dulo ng tuloy... Kumaway pa siya sa akin ng makarating roon. Sa tingin ko sa ngayon, medyo limot na niya ang dapat sanang pagkikita nila ni Ian... 

"Okay... " tumingila ako at saka tumalon. "Step!"

"NO!" dumadagundong ang tinig niya. Natawa ako. Parang kaboses niya si Damulag. Binusinahan pa kami ng mga sasakyan roon., pero wala akong pakialam. Ang sarap maglaro... ang sarap kalaro ni James...

"Step!" muling sigaw ko.

"NO..." napapadyak pa ako. Muli ay tumalon at sumigaw ako. NO pa rin ang sinasabi ni James... natatawa ako. 

"Taasan mo kasi ang talon mo! Para kang babae eh.." tatawa-tawang biro niya. 

"Heh! Babae nga ako! Nakakainis toh! Step!" 

"NO!" tumingin ako sa ibaba. 

"Yes eh! pasok ung paa ko sa square!" umaangal na sagot ko. 

"Hindi! Madaya! Bakita ka tumingin? Hindi counted iyan!" balik sigaw niya. Nakakainis naman ito eh. Muli ay pumwesto ako. Tumingala at saka tumalon. Sisigaw sana ako ng step ng biglanf maramdaman ko ang kung anong matigas na bagay na natapakan ko. The next thing I knew, napasadlak ako sa lupa. Umaaray... namali ako ng tapak...

"Ouch..." napasinghap ako. Agad na tumakbo si James sa direksyon ko. 

"Are you alright?" nag-aalalang tanong niya. Hinaplos niya ang sakong ko. "Masakit ba?" marahan niyang iginalaw iyon. 

"Aray!" napasigaw ako. "Aaray ba ako kung hindi masakit?" naiinis na sigaw ko sa kanya. Bigla ay tumawa siya. 

May nalalaman ka pa kasing step no.. ayan na-step no ka tuloy.." nakatawang sabi niya. To my surprise, nadama ko ang pag-angat ng katawan ko sa lupa. James carried me. 

"Ibaba mo kaya ako.." naiilang na sabi ko. Mariing tumitig siya sa akin. 

"Kung ibaba kita, makakapagakad ka?" nanghahaming sabi niya. "Huwag ka ng maarte. Nagpapaka-gentle man na nga ako eh. Misan lang ito, samantalahin mo na..." paglilitanya niya. 

"Baka kasi nabibigatan ka.." mahinang sabi ko. 

"Are you kidding me? You're as light as a feather." bigla ay namula ang mga pisngi ko. Why would he tell me that? Kahit si Robi ay hindi pa ako sinabihan ng ganoon. 

"Whatever, James." nakarating kami sa dulo ng tulay. I told James to turn right para matunton namin ang mga benches. 

"Ibaba mo na lang ako doon..." turo ko sa isa sa mga bench. Sinunod naman niya ako. Nang tuluyan na niya akong maibaba ay muli niyang sinipat ang sakong ko. 

"na-sprain ka nga yata... Lagyan natin ng yelo. teka bibili ako..." tumayo siya at pumasok sa isa sa mga coffee shop sa tapat ng hilera ng mga benches. Napangiti ako. He's sweet... too sweet... After a while, he came back. 

"Wala silang cube ice kaya bumili na lang ako ng suoper duper cold chocolate shake..." idinaiti niya ang tumbler sa sakong ko. Napaigik ako. 

"Ang lamig..." muli niyang kinuha ang paa ko at hinawakan ako sa tuhod.

"Kaya ng super duper cold eh.. Wag kang magulo." I just sat there, looking at him. Madilim na pero sapat naman ang liwanag na nagmumula sa ilaw ng mga lamp posts para makita ko ag kabuuan ni James. Nakakunot ang noo niya at tila ba nag-iisip kung anong gagawin niya sa paa ko. 

"Ang gwapo mo pala sa dilim..." humahagikgik na sabi ko. Tumitig siya sa akin, nagsalubong ang mga kilay niya. 

"Ganoon?" naaasar na sagot niya. Itinaas ko ang kamay ko at bumuo ng peace sign... Napailing naman siya, panaka-naka ay minamasahe niya ang paa ko. 

"James..." I called him. "Sorry.. Kung inagahan ko lang sana, sana naabutan mo si Ian..." sinserong sabi ko. Nagkibit balikat siya. 

"Remember what I told you on my Island?" he asked me... 

"You said na makakahanap ako ng iba.." naguguluhang sabi ko. 

"Hindi, sabi ko, may mga bagay na hindi pa meant to be. Malamang isa iying pagkikita namin ni Ian doon. Siguro hindi pa panahon, siguro, hindi pa kami handa para sa isa't-isa." makahulugang sabi niya. 

"Hindi ka pa ba handa na makausap siya?" 

"handang-handa na.. pero hindi pa ako handa sa maaari niyang sabihin kapag nakita niya ako dito." napangiti siya. "masakit pa?" pinisil niya ang sakong ko... napangiwi ako. 

"Medyo..." he smiled again. natahimik naman ako, nag-iisip kung anong susunod na sasabihin ko. Huiminga ako ng malalim. Bigla ay may naalala ako.

"Do you still remember what you told me sa isla mo?" biglang tanong ko. "You said that in your entire life, you only loved two women. Dalawang babaeng parehong hindi pwede noong minahal mo sila... The other one is Ian... but..." bumuwelo ako... Wala pa akong nasasabi ay bigla na siyang sumagot. 

"I met her when I was in College. Her name's Wyeth McNally..." sagot niya. 

"Wyeth? Nice name..." natatawang sabi ko. "What's the catch?"

"Noong makilala ko siya, girlfriend na siya ni Ali. Pero noong makita ko siya noong araw na iyon, alam ko na na tinamaan ako. Love at first sight kumabaga..." napabuntong-hininga ako. Kung sino man ang Wyeth McNally na iyon, naiinggit ako sa kanya ngayon... 

"So you feel for her... What happened? Did you had an affair with her?"

"I almost did... pero ipinaalala ko sa sarili ko na hindi ko kayang ipagpalit ang pinagsamahan namin ni Ali para lang sa isang babae. I love Wyeth pero mas importante sa akin ang pagkakaibigan namin ni Ali." nakangiting sabi niya. 

"So what happened to her? I mean obviously, hindi sila nagkatuluyan ni Ali." interesadong-interesado ako sa pinag-uusapan namin. This was the other side of James na hindi ko pa nakikita noon. 

"Wyeth left Ali. She said she needed space. Ali was so broken hearted back then. Cause you know, he used to refer to Wyeth as his soulmate. Pero hindi rin niya napigilan ang pag-alis ni Wyeth. When Wyeth McNally left, she took my heart with her... But...." he took a deep breath... 

"But what? nambibitin ka pa eh..." natatawang angil ko. 

"Wyeth took my heart with her, but Ian brought it back. Ian was the one who taught me to love again. Noong nakilala ko kasi si Wyeth, bigla kong nakalimutan si Ian... na okay lang naman dahil I was trying to forget her din... Pero noong wala si Wyeth, Ian cameback to my life and colored it again." he gave me a mysterious smile. 

"I fell in love with Ian for the second time..." pagak akong ngumiti, balik na naman kami kay Ian. Siyempre pa, si Ian ang dahilan ng lahat ng ito, siya lang at wala ng iba...

Bigla ay kumunot ang noo ko. Am I actually jealous of Ian and Wyeth? Pero bakit? 

"So you see.. ngayon alam mo na kung bakit mahirap para sa akin ang kalimutan si Ian..." kunwa'y tumango na lamang ako. 

"You'll see her again..." pilit akong ngumiti. 

"I know..." he looked at me. "You know, when I told the guys that I'm in love with Ian again, they started calling me Mr. It's Complicated.." kumunot ang noo ko. 

"MR. What?" nagkibit balikat siya. 

"You know, It's complicated. Relationship status... Iyong tipong hindi mo alam kung may boyfriend ka ba o hindi, iyong isang relasyong hindi maipaliwanag dahil sobrang gulo. Iyon ang mga babaeng minahal ko. Wyeth was with Ali that time, tapos Ian's in love with Robi..." he tried expalining.. napailing ako. 

"Parang lalo akong naguluhan..." natatawang sabi ko. 

"Ganito. A guy... a single guy.. that's me, falls in love with a girl who's in a relationship, iyong relationship na hindi mo malaman kung meron ba o wala kasi magulo." he stared at me as if he was waiting for me to absorb the things that he jut said..

"Okay.. are you trying to tell me that you always fall in love with the un-available person?" 

"Parang ganoon..." napangiti ako. 

"Nakakatuwa talaga si Anton.." natatawang sabi ko. He smiled at me. 

"I love those guys..." dagdag ko pa. Tumitig sa akin si James.

"Pati ako?" tila nanunuksong tanong niya... 

"Anong pati ikaw?" he grinned. 

"Do you love me, Irish?" lahat yata ng dugo ko sa katawan ay umakyat sa aking ulo. Bigla akong nagkaroon ng maigraine. Bakit niya ako tinatanong ng ganito?

"N-no.... " biglay ay iling ako ng iling. Natawa naman si James. 

"Grabe ka naman umiling, baka mamaya maalis yang leeg mo. Baka ma-snatch." nag-init talaga ang mukha ko.

"Dapat kasi hindi mo ko tinatanong ng ganyan!" biglaang kinuha ko sa mga kamay niya ang super duper cold chocolate shake. Ininom ko iyon, wala akong pakialam kung magka-brain freeze man ako. Ang gusto ko lang ay umiwas sa mapanuring mga mata niya. 

ka-boom

Parang nakikisama naman ang Madrid sa akin. Bigla ay lumiwanag ang kalangitan dahil samga fireworks... Tumingala si James.

"Para saan iyan?" tanong niya. 

"Maybe someone got married at the san Francisco Church..." nakatingala rin ako. 

Kung naiba-iba kang ang sitwsayon, iisipin ko na ito na uata ang pinaka-romantic na date na napuntahan ko. Ang problema lang hindi ito date, at mas lalong hindi ko dapat iniisip na romantioc ito dahil unang-una kaya kami napadpad ni James sa lugar na ito ay dahil kay Ian. Pangalawa, na-sprain ako, pangatlo.... 

Ano nga ba ang pangatlo? Nakalimutan ko na. Bakit ba sa tuwing nakikita ko siya ay nakakalimutan ko ang lahat ng dapat kong isipin?

I just found myself staring intently at him. Nagre-reflect sa mukha ni James na ang liwanag na dala ng mga fireworks...

Wala na akong pakialam... This night, is romantic. 

Si Ian man o si Robi ang dahilan, wala na akong pakialam. Basta ang alam ko masaya ako. 

"Hey..." bigla siyang tumingin sa akin. He smiled. "Nasabi ko na ba?" tanong pa niya.,..

"Ano ba iyon?" kinakabahang tanong ko. 

"You look pretty today, Irish... kahit na mukha ka ng haggard." napangiti ako. Just that plus his boyish smile, it was enough to melt all my inihibitions and doubts... 

Napabuntong hininga ako.

Kailangan ko na yatang kabahan... parang-parang...

Am I screwed?

Mr. It's Complicated (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon