Chapter Three

60.3K 1.1K 26
                                    

It's been three months and since then may things have changed. It was like someone pushed the fast forward button dahil sa isang iglap, lahat ng bagay ay tila nagbago na. 

Maraming nagbago, may mga nawala, may mga umalis, may mga nasaktan, may mga naiwan. But one thing remains the same, hanggang ngayon, may mga naghihintay pa rin. 

After the tour, Ian left. I don't know kung saan siya nagpunta. After our last gig, she just left, wala siyang pinagsabihan kung saan siya pupunta. I guess that's what she meant when she said that she's gonna leave everything behind. 

Iniwan na naman ako ni Ian at hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin ang paghihintay na ito. Marahil tatanga-tanga pa rin ako. Naghihintay sa wala. But that's just how it goes. Kapag nagmamahal ka daw, kailangan mong sumugal. Kahit di mo alam kung may makukuha ka o wala, kailangan mong magbigay ng taya.

Ganoon ang sitwasyon ko kay Ian. Hindi ko alam kung sa pagbabalik niya, handa na siyang buksan ang puso niya para sa akin, o sa pagbabalik niya, si Robi pa rin ang nasa puso niya. 

Bahala na. 

Naisip ko na kinain ko rin lahat ng salitang binitiwan ko kay Irish. I kidnapped her and took her to my island so that I can teach her how to let go. Pero sa huli ako ang hindi maka-let go. Ako ang hindi maka-move on. Ako pa rin ang naiiwang talunan. 

"Dude." Ali tapped my shoulder. Nilingon ko siya. We were in the studio that day, fixing some tracks for his wedding. I smiled at that thought. Iyon din kasi ang isa sa mga bagay na nabago sa nakaraang tatlong buwan. Ali and my sister Rapunzel are about to get married.... 

I'm excited but it i'm also bothered.

I cannot believe that Ali is going to be my brother in law. 

"What's on your mind?" itinaas baba pa niya ang kilay niya, Napailing ako at saka marahang tinabig ang kamay niya. 

" Ano ka? Facebook?" natatawang sabi ko. Tumayo ako at lumabas ng recording studio. Sumunod si Ali sa akin. 

"C'mon bro! Since we came back from the tour, you've been acting wierd. Kung hindi nagbabago ang sitwasyon, sasabihin ko na isa lang ang dahilan niyan." napatigil ako sa paglalakad. Muli ay binalingan ko si Ali. 

"What the hell are you talking about?" nahihiwagaan ako kay Ali. It was as if he knew something that I don't know. Nagkibit balikat siya. 

"Ikaw ang weird mo. Nag-aalala na nga si Rapah sa'yo. Lagi ka daw tahimik." bigla ay ngumisi siya. "Sino ba kasing iniisip mo? The girl who can't be moved na missing in action ngayon, or that sophisticated crying lady na dinala mo sa isla mo?" naiinis na binatukan ko si Ali.

"Wala akong iniisip. And I'm not acting weird." napapailing na sabi ko. Muli ay nagsimula akong maglakad. I could still hear Ali behind me. 

"Jaime!" he called out. I raised my right hand.

"Do not follow me. And you can tell Rapah to not worry about me. I'm a big guy." 

The truth is, I've been thinking about Ian since we came back from the tour. Hindi ko siya maintindihan. Bakit kailangan niya pang umalis. Bakit kailangan niyang umalis ng hindi nagpapaalam. I thought were bestfriend. Pero bakit hindi niya sinabi sa akin na aalis siya at bakit hindi niya sinabi sa akin kung saan siya pupunta?

Maybe she needed to go away for a while in order for her to forget about Robi. Pero hindi niya ba naisip na maari niya akong patayin sa pag-aalala? I've been trying to contact her, pero hindi niya sinasagot ang kahit alin sa mga tawag, text message at mga e-mails ko. That gave me the impression that she wanted to spend time with herself. 

Siguro, okay na rin na hindi ko alam kung nasaan siya. Kasi kung alam ko kung nasaan siya, hindi ako makakatiis na hindi siya sundan. Susundan ko siya, kahit nasaang sulok man siya ng mundo. I want to make sure that she's in a good place, I want to make sure that she's not crying. I want to protect her...

Siguro alam ni Ian na gagawin ko ang mga bagay na iyon kaya hindi niya sinabi sa akin kung nasaan siya. Gusto niya lang din siguro akong protektahan, tulad ng ginawa ko para kay Irish. 

The truth is, I kidnapped Irish so Robi will realize how much Ian means to him, inalis ko lang ang pinakamalaking hadlang na nasa pagitan nilang dalawa. I took Irish on that island to isolate her form everyone, at para na rin hindi siya ahanap ni Robi. 

My plan was going so well. Pero noong makita ko na unti-unting nasasaktan si Irish sa ginawa ko, suddenly, I felt the guilt. Hindi ko alam kung saan nanggaling iyon. Halos araw-araw, habang nasa isla siya, wala sing ginawa kundi ang umupo sa may baybayin at mag-iiyak. She kept saying Robi's name. She kept telling me that she wants to come back to the civilization because she want to talk to Robi, to make sure that she still owns a part of Robi's heart. 

And God knows how much I wanted to take her back but I just couldn't. Kahit naaawa na ako kay Irish, mas lamang pa rin sa puso ko ang kalungkutan at sakit na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ako ang pagpatak ng luha ni Adrianne. Ibabalik ko rin naman si Irish, pero gusto ko munang siguraduhin na sa oras na ibalik ko siya, iyon na rin ang oras na handa niya pakawalan si Robi. 

And then that fateful day happened. Dumating ang araw na pagkatapos niyang umiyak ng umiyak, she finally said that she's gonna break up with Robi. Nakadama ako ng saya noon, pero nangibabaw sa akin ang kalungkutan, dahil alam kong sa oras na pakawalan ni Irish si Robi, ma-re-realize na ni Robi kung gaano kahalaga sa kanya si Ian. 

Martir, iyon ang tawag ni Irish sa akin. Noong araw na nilisan namin ang isla, iyon ang unang katagang binitiwan niya...

"Martir ka, Jaime." seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin. Walang ngiti sa mga labi. Ngunit alam kong hindi siya galit. 

"Hindi ako martir." nakangiting sabi ko. "Nagkataon lang na hindi ko kayang makitang nasasaktan ang taong mahal ko habang ako masayang kasama siya."

"You're really making me do this?" she asked me in a low voice. i smiled and turned to her. 

"It's your choice, Irish. It's either your gonna step out of the car and break up with Robi or I'm gonna turn around and take you back to my island." napaismid siya. Natawa naman ako. Hindi ko naman siya pinipilit na gawin ang isang bagay na alam kong hindi niya kaya. Gusto ko lang na habang maaga, habang mababaw pa lang ang sakita na naararamdaman niya ay pakawalan niya na si Robi. Mas mahirap kasi kung lalalim ang sakit na nadarama niya ngayon, mas mahirap na mag-let go. 

Kaya niyang pakawalan si Robi, ang problema lang ni Irish, hindi pa siya handa. 

Pero sa ngayon, alam kong handa na siya. She was ready to let go. 

Inihinto ko ang sasakyan sa tapat ng bahay ni Robi. Irish looked at me then she took a deep breath. 

"Ill be here..." I said to her. Tumango lamang siya. I watched her as she walk inside Robi's house. Kinakabahan ako. Natatakot. Natatakot na baka kapag lumabas si Irish ay mas lalong dumoble ang sakit na nararamdaman niya.

Alam ko matatagalan. Siguro aabot ng kalahating araw pero maghihintay ako. I want to be with her kapag umiyak siya. Gusto ko ako ang unang taong yayakap sa kanya sa oras na lumabas siya mula sa bahay ni Robi. 

I couldn't breathe. I felt so anxious. Nang muli akong tumingin sa bahay ni Robi, naaninag ko na palabas na mula sa front door si Irish. Bumaba ako ng sasakyan. Sinalubong ko siya. She smiled at me. Then she said...

"I found him watching Ian's video on youtube. Tapos sabi niya, he was looking for me daw..." pagkatapos noon ay bigla na lang siyang umiyak. She looked so helpless. She looked so hurt. Hindi ko na pinigilan ang sarili ko, bigla ay niyakap ko siya. 

"Por qué tiene que doler tan malo?" it was her Spanish version talking. 

"Come lets go inside the car..." niyakag ko siya papasok sa sasakyan. 

"He didn't love me..." humihikbing sabi niya. 

"He did love you, Irish. Nagkataon lang na...." hindi ko maituloy ang sinabi ko.

"Mas mahal niya si Ian?" parang batang pahayag niya. Wala akong nasabi. Muli ay niyakap ko siya.

"What do you want me to do?" mahinang tanong ko? Hindi siya sumagot. Marahang itinulak niya ako. 

"Take me to my hotel.." marahang sabi niya. And I did. I drove the car. Tinahak namin ang daan patungo sa hotel na tinutuluyan niya. I looked at her. Hindi naman na siya umiiyak pero bakas pa rin sa mukha niya ang hapdi. Gustong-gusto kong itanong kung anong plano niya pagkatapos ng gabing ito, pero hindi ko magawa. Parang hindi ko siya matingnan. I couldn't bear to look at her. 

"Here we are...." I told her. Tumingin siya sa labas ng bintana. Then she looked at me. 

"This might be the last time you'll see me..." marahang sabi niya. Inaasahan ko na iyon. Aano pa naman kasi siya sa Pilipinas kung wala na sila ni Robi?

She took my hand. 

"Gracias, Jaime. Thank you for making me realize that there's still life outside Robi's world." She pulled me closer, and then she kissed my cheeks. 

"Someday, you're going to find your own happy ending, James." she smiled at me. Bumaba siya ng sasakyan at saka tuluyan ng tumalikod. She didn't even stayed to wave goodbye.

That's just how life goes. You win some, you lose some. And in our case, we both lost some. Pero alam ko, darating ang panahon, darating ang kapalit ng mga bagay na nawala sa amin ni Irish.... 

That was the last time I saw Irish. Wala na akong naging balita sa kanya pagkatapos noon. I guess bumalik siya ng Spain after that day o kung anupaman. Minsan napapaisip ako, paano kaya kung nakilala ko si Irish sa ibang panahon at sa ibang pagkakataon. I might like her more. 

"James!" napapalatak ako ng muli akong marinig si Ali. Hinarap ko siya. 

"Ano?!" naiinis na tanong ko. "Diba sabi ko huwag mo kong sundan?"

"Eh paano ko uuwi, wala akong dalang sasakyan?" natawa ako. 

"Tado ka kasi eh." natatawang sabi ko. Binuksan ko ang pintuan ng kotse at sabay kaming pumasok ni Ali. Again he gave me that ridiculous look. Hindi na ako nakatiis. "What the hell is wrong with you?"

"Atin-atin lang naman, dude. Sa dalawang linggong inilagi mo sa isala kasama ni Irish, wala ka bang naramdamang chubachuchu para sa kanya?"

Chubachuchu? Ano ba itong kausap ko, retarded na teenager? Sa inis ko ay hinampas ko ng binilot na papel si Ali nsa mukha.

"Anong feeling mo? High School ka pa?" nakakabwisit na talaga itong mokong na ito. Minsan nagtataka ako, ano kayang nakita ng kapatid ko dito?

"Nagtatanong lang. So ibig bang sabihin ng sagot mo na iyan, si Ian pa rin ang hinihintay mo? Tsk. Para kang si Robi." napapailing na pahayag niya. 

"Ano naman ang kinalaman ni Robi sa usapang ito?" nagkibit balikat lamang si Ali. 

"Wala naman. Wala ngang ginagawa si Robi. According to Rapah my love, Robi has done nothing for the past three months, but to sit in front of Ian's house, waiting for her. So patatagan na lang kayo. Unahan kung sinong unang makikita ni Adrianne. Rapah's rooting for Robi, siyempre ako rin." Muli ay hinampas ko ng binilot na papel sa mukha si Ali. 

"And you call yourself my bestfriend." matalim na baling ko sa kanya. Sa sobrang inis ko ay bigla kong binuksan ang radio. In my mind, I could see Robi's image, sitting on that pavement, waiting for Ian. Suddenly, a familiar song popped out of the radio...

"Cause if one day you wake up and found out you're missing me, and your heart starts to wonder where in this earth I could be, thinking maybe you'll comeback into the place where will meet... and you'll see me waiting for you on the corner of the street... "

"Uy pare, yan iyong original version diba? The man who can't be moved?" matalim ang mga tingin ibinigay ko kay Ali. The man who can't be move. Robi was waiting for Ian in front of her house, I'm guessing on that same spot where he left Ian years ago. Napailing ako. Ian got the tiltle the girl who can't be moved, and now Robi's acting like he was the man who can't be moved.

There an then I realized something.

Mukhang mauuwi na naman sa wala ang paghihintay ko para kay Ian.

---------------------------------------------------------------------------------

"Irish, c'mon dear. Let's have some fun!" I waved at them and smiled. I don't have any plans of joining them. Ayokong mahawa sila ng kamiserablehan ng buhay ko. 

It's been three months since I got back from the Philippines, three months since I broke things off with Robi. At hindi na ako magpapaka-plastic pa. I missed him. I missed every little thing about him. I even missed the way he held my hand. Ang hirap. Nangungulila ako sa isang taong hindi ko na pwedeng makasama pa muli. 

Robi was still in the Philippines. Siguro sa ngayon, kasama na niya si Ian. Siguro sa ngayon masaya na sila ulit. Minsan, hinihiling ko na sana ako na lang si Ian. Minsan naiisip ko sana ibang tao na lang ako, para naman magawa rin akong mahalin ng mahal ko. Lagi kong tinatanong, kung ako ba si Ian, mamahalin kaya ako ni Robi? Siguro. Pero bigla kong naisip na kung mahal talaga ako ni Robi, mamahalin niya ako bilang ako, bilang si Irish Navarro, mamahalin niya kahit na ang pinaka-maliit na kapintasan sa katawan ko. 

But I guess that's not possible because of the fact that he was in love with Adrianne. 

"Where's Robi?" a bitter smile formed on my face. I looked at Jimena. I smiled at her.

"Oh, we're thru." naiilang na sabi ko. her eyes widened with shock. 

"But you're still wearing his ring!" tila di makapaniwalang sabi niya. I looked at my left hand. Yes, I am still wearing Robi's ring. Wala naman sigurong masama kung itatago ko iyon as remembrance. Hindi naman siguro masama kung hindi ko na iyon binalik sa kanya. As far as I know, Robi bought that ring for me. Not for Ian or anyone else. Para sa akin. 

Kung meron man na talagang para sa akin na galing kay Robi, iyon ay ang alok niyang kasal at ang singsing na kasama niyon. 

"Yeah, but that doesn't mean were still together. I broke up with him before I came back. Unfortunately, he's in love with someone else."

"That's just..." Jimena sighed. I tapped her shoulders.

"Ow c'mon. Its not that bad. I still love Robi. We're still friends." nakangiting sabi ko. 

"But I was rooting for you two." nanlulumong sabi niya. 

"I know. I was too. But things changes." kininditan ko siya. Nakipagkwentuhan pa ako sa kanya saglit, pagkatapos ay nagpaalam na akong aakyat sa suite ko. Habang naglalakad patungo ng elevator, pinipilit kong iwaglit sa isipan ko si Robi. Ayoko na siyang maisip. 

"Buenas tardes, senora" the hotel staff greeted me. Ngumiti at tumango lamang ako. Every body in this hotel knew me. Ganoon siguro talaga dahil halos dito na ako lumaki. My father owns the hotel. And now, dito na ako nakatira. Noong bumalik ako galing Pilipjnas, hindi na ako umuwi sa bahay. Kung doon kasi, mas lalo ko lang maaalala si Robi. At may nakapagsabi sa akin noon, na kung gsuto kong lumimot, iiwan ko lahat ng bagay na makapagpapaalala sa akin sa kanya. 

Narating ko ang suite ko. I settled on the bed. Still trying to exorcise Robi's thought. I took a deep breathe. I miss him. Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Bigla ay napailing ako. I turned the T.V. on, maybe that will distarct me. 

Pero parang nagkamali ako dahil pagbukas ko ng T.V. nasa isang Filipino Channel pala iyon, and guess who's on the T.V. screen. It was the NEON guys. 

"F*cK..." natatawang sabi ko. Zach was singing his lungs out. They were singing The Script's Breakeven. It was a break up song. Alam kaya nila na mapapanuod ko sila kaya ganoon? Bigla ay napahalakhak ako. Ano naman ang kinalaman nila sa akin? Siguro ngayon ni hindi na nila ako naaalala.

Kumunot ang noo ko nang mapansin na hindi si Ian ang nasa likod ng drums, kundi si Robi.

"What am I suppose to do when the best part of me was always you...What am I suppose to say when I'm all choked up and your okay ...I'm falling to pieces ....I'm falling to pieces..." 

Zach has a great voice, no wonder girls were going crazy over him. If there's one thing I like about this guys, they sing and play with all their hearts. Hindi nila ginagawa ang ginagawa nila para kumita ng pera kundi para maramdaman ang saya ng pagtugtog. I smiled. I really admire them. Pero minsan, maypagka-jerk din sila. Isang bagay na namana ni Robi.

"Robi na naman..." natatawang sabi ko. I was about to turn of the t.v. when suddenly, I saw James' face on the screen. Suddenly, I find it hard to breathe. Parang huminto ang paggalaw ng mundo ko. Parang lahat sa paligid ko, black and white, tapos siya lang ang may kulay, parang naging slow motion ang paligid ko. Parang, parang.. he took my breathe away. 

It was as if he's the most gorgeous thing I've ever laid eyes on. Him holding his guitar, playing with all his heart, it was the most beautiful thing for me. 

"Oh god..." I mumbled when I realized something. Dali-dali kong pinatay ang t.v. Tumayo ako at nagpalakad-lakad sa loob ng silid na iyon. 

"God, Irish! What just happen?" kinakabahang tanong ko sa aking sarili. "He took you're breath away?! He's inside the freaking television set! He's not even here!" napahawak ako sa aking leeg. Natetensyon ako. Why the hell am I acting like this?!

"Everything turned black and white except him... nag-slomo lahat... dammit! You're not suppose to act like this! James is in love with Ian!" muli sigaw ko. This was excruciating. Why am I acting like this?

Please.. I don't want to feel like this. I don't want to be like this. 

My phone rang. Agad na hinanap ko iyon. I found it somewhere under my pillows. It was an unknown number. Kunot na kunot ang noong sinagot ko ang tawag.

"Hello?" I said after I pressed the answer button. 

"Irish? Is this you?" pamilyar ang tinig na iyon pero hindi ko masiguro kung saan ko narinig ang boses ng kausap ko ngayon.

"Yes, who is this?" nagtatakang tanong ko. 

"It's James." nakadama ako ng panginginig ng tuhod. James? As in Jaime Valer Maxcardo? Robi's friend who kidnapped me and took me to that friggin' island to convince me to break up with my fiancé? 

"James Maxcardo?" tanong ko, kasabay niyon ay ang tahimik na hiling na sana ibang James ang kausap ko.

"Yes, who else?" parang naaasar na sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko at bigla ay naibato ko kung saan ang cellphone na nakadikit sa tainga ko. 

It was him. James Maxcardo. The jerk who put me through all this pain.     Pero... why would he call me? Alam kong alam niyang wala ako sa Pilipinas.     Why would he call me?      

Mr. It's Complicated (COMPLETED)Where stories live. Discover now