Miles: Oh kamusta naman LQ niyo?

Kath: Wala pa teh. Hindi pa ayos.

Miles: Masyado ka naman yata kasing matigas teh! Sa next na punta niya dapat tanggapin mo na yung sorry.

Kath: Depende.

Miles: Hoy anong depende ang sinasabi mo diyan?! Ayusin niyo na yan nang hindi kayo parehong nahihirapan.

Kath: Titignan ko effort niya.

Miles: Hay Kathryn. Hindi ko alam kung anong effort pa ang hinahanap mo. Siguro yung effort na landingan na ng eroplano.

Kath: *breathe deep*

Miles: Hoy grabe ka! Joke yun! Bakit hindi ka tumatawa?

Kath: Huh? Yung alin?

Miles: Haaay. Wala na sa sarili.

Kath: Pero namimiss ko na talaga siya.. parang ikaw.

Miles: Salamat naman at nadamay ako! 

Kath: *smile*

Miles: Alam mo Kath para matapos na yang malalalim na paghingang yan, ayusin niyo na. Tanggapin mo na yung sorry. Sabi mo mukhang sincere naman diba? Edi give another chance.

Kath: Last chance.

Miles: Bakit last? Paano kapag pumalya pa siya? Edi hindi na ako magiging ninang ng baby Padilla?

Kath: Miles!

Miles: Diba sabi mo sa akin magkakambal pa kayo?

Kath: Miles wala akong sinabi!

Miles: Ay si DJ pala yun. Basketball team daw.

Kath: Miiiiles! 

Miles: *giggling* Joke lang! O sige na teh. Good night na ha? Maaga pa call time ko bukas eh.

Kath: Okay sige.

Miles: I love you teh! Alam kong maayos yan. Konting-konting hintay nalang.

Kath: Thank you. I love you!

After naming mag-usap ni Miles. Humiga na ako sa bed. Magpapahinga na ako. May rehearsal na kami para sa Naked Truth bukas. Malakas ang kutob ko na maayos na to bukas. Maayos na to sa pagkikita namin. Kailangan ko na siya. Ang hirap ng hindi kami ayos. Magtatalukbong na sana ako ng kumot nung biglang may lumabas na notification sa phone ko. May sinend na link sa akin yung kaibigan DAW ni DJ.

 

From: Kelv Kobe

-Panoorin mo yan! Ay pakinggan pala.

-Sige na wag mo kong iseen zone

Wala na talaga akong balak pansinin yung messages niya pero nagchat ulit siya.

-Maganda yan. Kumakanta boyfriend mo.

Napangiti ako. Mukhang makakatulong tong boses niya para gumaan yung loob ko.

 

Behind the ScenesWhere stories live. Discover now