Ikatlong Kabanata

15 3 0
                                    

Before 2019 ends,I want to greet you  ADVANCE HAPPY NEW YEAR!!!I hope God will pour a lot of blessings in your life in 2020.Makahanap naren sana kayo ng jowa tas hanapan niyo narin ako.HAHAHAHHAHAHAH!Bago na pala bookcover ko sana magustuhan niyo.

-Ms.Infinityqueen





Ikatlong Kabanata:The Start

12-31-2019

Nagising ako sa isang madilim na kwarto.Medyo malabo pa yung paningin ko pero may nakikita akong liwanag sa harapan ko.I adjusted my vission.Unti-unting lumilinaw yung paningin ko at agad kong inikot ang aking paningin.

Nandito ako sa isang kwarto.May kasama akong dalawang babae na naka school uniform rin.Mukhang wala pa silang malay.Tiningnan ko kung saan nagmumula ang liwanag at nakita kong nanggaling pala iyon sa pinto ng kwarto.

Akma ko sana itong bubuksan ngunit may katawan na agad humarang sa pinto.Nilingon ko siya.


The lion


I looked at him confusingly.Agad niya hinawakan ng marahan ang pulsohan ko.I tried to remove his hand on my wrist,pero masyado siyang malakas at magdududa siya kung susubukan ko siyang labanan gamit ang buo kong pwersa.


"Alam ko kung sino ka at ano ang pakay mo pero hindi kita isusumbong dahil mukhang ikaw ang magbibigay kulay sa lugar na ito."bulong niya sa tenga ko


Gusto ko sana siyang tanungin ngunit biglang may itinurok siya sa akin.Unti-unting lumalabo ang paningin ko at nahimatay ako.



Nagising ako sa isang kwarto.Malabo pa yung paningin ko pero parang uhaw na uhaw ako.Gusto ko sanang kumuha ng tubig ngunit may lumapit sa akin na babae at ibinigay ang tubig.

Ininom ko iyon na para bang ilang taon na akong hindi nakatikim ng tubig.Matapos kong ubusin ang tubig ay agad kong nilingon ang babae sa harapan ko.


"Ok ka na ba?"Tanong niya


Nakasuot siya ng simpleng white shirt at pajama.Ang kinis-kinis ng balat niya.Hindi siya gaano maputi pero bagay na bagay sakanya.Ngumiti siya sa akin.


"S-sino k-ka?"Nabubulol kong tanong


"Ako?Di ko rin kilala ang sarili ko."Sagot niya habang tinitingnan ako gamit ang malulungkot niyang mga mata.

"H-huh?"confused kong sabi


"Nandito ka sa.Redlust Academy.Matagal na ako dito ngunit hanggang ngayon ay wala parin akong maalala.Nagising nalang akong uhaw na uhaw at walang maalala sa nangyari sa akin.Pero pwede mo akong tawagin na Red Hood.Yan ang codename ko dito."paliwanag niya


Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.Wala siyang maalala?Inalala ko kung anong nangyari at paano ako napunta dito ngunit katulad niya ay wala rin akong maalala.



Agad may pumasok na lalaki sa pintuan.Ang kwarto kung nasaan ako ay may dalawang double-deck na higaan.Nandito ako sa right side na higaan sa baba.


"Ok na ba siya?"Tanong nung lalaki na bagong pasok


Nakasuot siya ng isang black hoodie at white pants.Para sa akin,ay cute na cute siyang tingnan.Halos parehong-pareho ang mukha niya ni Red.



"Ok na siya Kuya.Mukhang inaadjust pa niya yung sarili niya sa paligid."sabi ni Red

Ngumiti yung lalaki sa akin.


"Ako nga pala si Blood.Hindi ko na tatanungin ang pangalan mo dahil alam kong wala kang naalala."sabi niya at inilahad ang mga kamay saakin

Tinanggap ko iyon at bahagyang ngumiti.


"Nako!Mukhang gutom ka na.Ipaghahanda na kita ng pagkain."sabi ni Red



"S-salamat"sabi ko


"Kuya,ikaw muna bahala sakanya.Pupunta muna ako sa kusina."sabi ni Red



Tumango lang si Blood.





Umalis na si Red.Tiningnan ako ni Blood.



"Ngayon,sabihin mo sa akin kung may naalala ka o wala."sabi ni Blood



"Anong ibig mong sabihin?"Nakakunot-noong sambit ko



"Hayy!Desperado na talaga ako makaalis dito.Kada may bagong pasok dito ay umaasa akong secret agent o pulis para iligtas kami rito."Ani niya



"Ano bang meron dito?"Tanong ko



"Hindi lang basta-bastang paaralan kundi isa itong laro na kung saan papatay ka ng tao."paliwanag niya



Ewan ko ba kung bakit ngunit parang napangiti ako sa sinabi niya.Wala akong mahanap na takot sa katawan ko.Para bang ito talaga ang sadya ko dito sa paaralang ito.




"May ranking dito every month sa paaralang ito.Kung sino ang napatay mo ay ikaw ang papalit sa pwesto niya.At ang nasa mababang pwesto naman ay pinapatay ng mga malalakas dito para sa mas lalong tumaas ang pwesto nila."paliwanag niya



"So papatay lang ganon?"Tanong ko na para bang sabik na sabik ako sa gyera



"Papatay LANG?Buhay ang pinag-uusapan dito.Hindi biro ang buhay dahil hindi na ito maibabalik pa.Nagdudusa kami dito dahil napipilitan kaming pumatay ng inosente dahil takot kaming mas unahan nila kami at patayan ng mas nakakataas sa amin."Blood


"Anong rank mo?"Bigla kong pagtanong


"TOP 5.Parte ako ng 5 inner circle.Habang si Red naman ay TOP 8."sagot niya


"Inner circle?"naguguluhang tanong ko


"Lima kami na kung saan kami ang nagtatatag ng batas at nagtatarabaho ng inuutos ng kataas-taasan."sagot niya


"Kung hirap na hirap na kayo bakit hindi niyo sinubukang labanan ang nasa kataas-taasan?"tanong ko




"Sinubukan na iyon ng last batch ng inner circle noon ngunit di parin nila kaya sapagkat kahit katiting ay wala silang alam kung sino ang myembro at saan sila makikita."sabat ni Red


Di ko namalayan na nakapasok na pala siya.At mukhang tapos na siyang magluto dahil dala-dala niya ang isang tray na may laman na noodles.



"Kumain ka muna at magpahinga.Bukas na natin pag-usapan ang iba."sabi niya at sinenyasan si Blood na kailangan na nilang umalis.



Pansin ko na may dala-dalang isang dagger sa kamay si Red.Mukhang papatay sila ngayon.Hmm...



Umalis na sila.Sinimulan kong kainin ang noodles.Habang kumakain ay napaisip ako kung bakit parang ang dali-daling maintindihan yung sinabi ni Blood.Napansin ko rin na parang mahilig akong mag-obserba ng kahit ano.Malakas rin ang pakiramdam ko pero bakit hindi ko naramdaman kanina si Red?Mukhang sanay na sanay talaga sila.Sabagay TOP 8 yun eh!



Pansin ko rin na parang may pagdududa sila sa kilos ko.Kahit hindi nila ipinapahalata sa akin ay batid kong nagdududa sila dahil parang wala lang sa akin ang sinasabi nila.Normally,dapat ang irereact ng isang tao sa ganitong sitwasyon ang magpapanic ngunit mas naging interesado ako sa lugar na ito.




Nung natapos ako sa aking pagkain ay lumabas ako sa kwarto.Nalaman kong isa pala itong condo ang tinitirhan namin.Pumunta ako sa kusina para maghugas ng pinagkainan ko.Matapos kong gawin iyon ay bigla na lamang sumakit ang ulo ko.Para bang pinupokpok ito ng martilyo.



"Ahh!"hindi ko mapigilang mapasigaw sa sakit.



Biglang may mga larawan akong nakikita sa aking isipan.Nakita ko ang sarili kong umiiyak habang kaharap ang isang lalaki na kamukhang-kamukha ko.Medyo may kunot-kunot na ito sa mukha dala ng katandaan.Ngunit ang mas nakakgulat ay ang mga kamay niyang puno ng dugo.Nakatingin siya sa akin na walang mga emosyon sa kaniyang mga mata.Napaiyak ako.



"P-papa...."sambit ko bago nawalan ng malay.

I Love You In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon