Chapter 1: Miss Nerd

Start from the beginning
                                        

"Oy hintay naman!"

-------

Rhea POV

"Okay class dismissed" Saad ni sir Mayo habang ang classmate ko ay nag sitayuan, ito na kasi ang last naming subject ay math. Madali Lang tinuro niya kanina kaya hindi na nahirapan pa.

Nagsiuwian na ang mga classmate ko kaya napatayo na lang ako habang yung kaibigan ko ay nagaayos na din. Ako nga pala si Rhea Mea Miyuki, oo half Japanese ako at half Filipino. At Yung kaibigan ko Naman ay si Mia Lay Mendeia. Siya palagi nag tatagol saakin ng mga grupong ng mga bully. Kaya ako laging Target nila pero hindi sila basta-basta malapit dahil sa posisyon ko.

Inayos ko agad Yung gamit ko at napatayo na ako at lumapit kay Mia.

"Tayo na?" Tanong niya saakin habang naka-ngiti saakin. Napatango na Lang ako bilang sagot ko sa kanya.

Tumayo na siya at lumakad na habang nagkwento kami kung ano-ano ng bagay pero bago sana ako magsalita, may nabangga ako sa harap, hindi ko napansin na napahawak ako sa leeg niya.. I mean parang napayakap ako sa kanya dahil matutumba kami at hindi ko pa alam kong sino siya.

"Arghh"

'Aray!.. Ang sakit non.'

Napapikit ako at nong dahan-dahan minulat kong ang mga mata ko ay napatigil ako dahil malapit ko na siyang mahalikan habang nakayakap ako sa kanya!

"Anong ginagawa---" napatigil din siya sa pananalita niya at napansin niya rin niya na malapit ko na siyang halikan. Kasamaang palad ay si Mio ang nabunggo ko ngayong araw na ito.

Namula ako dahil sa kahihiyan pati rin siya namula rin, Ang bilis tumibok ang puso ko nong naka-titig kaming dalawa ni Mio at ilang segundo naka ganito kami at hindi naka-kibo pero buti tinulungan kami ni Mia.

'Hay ...Salamat...'

Nakakahiya talaga non at niyoko na Lang Ang sarili ko na dahil sa kahihiyan na ginawa ko na di ko man Lang Nakita Kong Sino nasa harap ko.

"Salamat." Saad nito ni Mio, sinulyap ko siya ng kaunti pero halatang hindi ito naka-tingin ng diretso dahil sa nangyari kanina at sabay tumakbo na siya para hanapin niya na kanyang kaibigan.

"Awkward non ah Rhea, grabe baka maghalikan pa kayo non. At first time ko siyang narinig na nagpasalamat saatin" Saad nito habang tumawa siya nang unti.

Lalo Naman namula yung mukha ko nong pinaalala niya saakin kanina yun. At may pinto siya, never naming narinig na nagpasalamat yuon saamin si Mio.

"Wag mo nga ipaalala saakin niya, Mia nakakahiya, buti na lang wala na yung classmate natin. At saka ang masama eh si Mio nabunggo ko pero may punto ka, dahil hindi ko din naririnig nagpasalamat sa ibang tao." Saad ko. Trouble maker Kasi si Mio at isa siya Yung kinakatakutan Ng mga classmate namin, kahit babae siya (Hindi lang halata na babae siya).

"Anyway saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Mia para ibahin na yung topic.

"Uuwi, Yun Lang." Saad niya habang napatango ako sa kanya.

Lumakad na kami pauwi medyo malayo-layo Lang nilalakaran namin  hanggang maabutan na yung bahay ni Mia, magkaptbahay lang kami at medyo mas malaki naman sa kanila kaysa saamin. Magkabilaan lang, ako sa kaliwa at siya naman ay kanan.

"Sige punta na ako." Paalam ko sa kanya hanggang dumaan na ako saamin.

Binuksan ng gate namin at pumunta na ako sa pintuan at binuksan ko muli.

"Dito na po ako ma.." Saad ko habang sinara ko na ang pintuan napansin ko naman na si mama ay naka apron Ito habang ngayon ko lang napansin na nakatali pala ang buhok pataas.

'Ngayon ko Lang siya Nakita naka ganyan ah..'

"Oh.. andito ka na pala.. hehe sige punta ka muna sa kwarto." Saad niya at ngumiti ito Ng matamis saakin habang ako naman. Saka na Lang ako kumibo nong tumalikod na siya at diretso na ako umayat papunta sa kwarto ko.

"Hay... Nakaka pagod." Bulong ko sasarili habang tinabi ko na yung bag ko malapit sa higgaan. Kinuha ko naman yung libro ko na babasahin ko na sana kaso.. mas matatandaan ko kanina yung nangyari saamin ni Mio

Third POV

Kakarating ni Mio at diretso siya sa kwarto niya. Papasok sana siya kaso napansin niya yung ate niya nito na lumapit sa kanya at ngumiti ito.

"Kamusta Naman sa school?" Tanong habang napahawak siya sa kanyang ulo.

"Ayus naman kaso may nagbangga saakin eh." Saad nito habang napasimangot si Mio nong nasabi niya sa kanyang ate.

"Aba.. Sino? Si miss prez ba?" Tanong niya na diretso na walang paalinlangan. Namula Naman mukha ni Mio nong nasabi ng kanyang ate sa kanya.

"O-Oo!! Kainis siya! Pero pasalamat siya dahil tinulungan ako Ng kaibigan niya na tayuan niya ako at nagpasalamat ako na tinulungan ako dahil sa sinabi mo kaso di Lang ako lumingon." Paalinlangan niyang Sabi habang umiwas tingin sa ate niya.

"Hehe~ Mukhang magsisimula magkalapit kayong dalawa ah~" asar niya sa kanyang ate habang naka-ngiti ng malapad.

"W-Wag ka nga! H-Hindi mangyayari Yun!" Sigaw niya at sabay pumasok sa kwarto at sinara agad Ang pinto.

Tumawa Lang Yung kapatid niya na panganay habang Yung bunso Naman lumabas sa kwarto at tinanong.

"Ba't ka tumatawa di yan ate Miya?" Tanong nito habang napasandal siya sa pader.

"Wala... Inasar ko lang si Mio." Sabi nito habang napangiti siya sa kanyang bunso. Ngumiti din ito at pumasok na siya muli.

"Sige tulog na ako ate Miya.. Night"

"Night din bunso.."

Sabay na silang pumasok sa kanilag kwarto at sinara muli.

Habang si Mio naman napahiga na Lang siya sa Kama at natatandaan niya yung nangyari sa kanila.

'Takte... Ba't ganito? Ang bilis parin Ng tibok mula dito sa dibdib ko. Tssk... Wala siguro toh'. Baka pagod lang kaya ganito..'

'I hope na magiging okay bukas.' Saad nila sa kabilang sarili.

---------

Sorry for the late update..

My readers -w-

My Tutor Nerd (GxG)Where stories live. Discover now