----
"Hoy gising kana Mio!!" Narinig ko na sigaw saakin ni Mik (Mika Ela). Kahit kailan talaga istorbo ito eh.
"Ano?" Tanong ko sa kanya habang kinamut ko ang ulo ko dahil sa inis.
"Uwian na!" Sigaw niya muli saakin. Kaya nagayos na ako sa sarili. At pagkatapos non tumayo ako at kinuha ko na yung bag ko. Napansin ko na kami ni Mik lang natira o hindi.. dahil andito rin si Nerd pati rin ang kanyang kaibigan niya, nagaayos na at kinuha niya na ang kanyang bag.
Lumabas na ako kaso napatigil naman Yung tokmol Kong kaibigan, kaya napatigil ako unti pero may bumangga sa likod ko Kaya nadapa kaming dalawa. Kainis.. Sino itong Tao toh?!
"Anong ginagawa---" napatigil ako sa pagsasalita nong napansin ko na 1 inch na pala kami ni Nerd, at malapit na niya akong halikan kapag isang galaw lang ito mawawala na yung first kiss ko!. Namula din ang mga mukha namin dahil sa accidenteng yuon. Kumabog yung dibdib ko. At lalong bumilis ng tibok ng puso ko.
'Takte ano itong nararamdaman ko?'
Buti tinulungan kami ng kaibigan ni Nerd na patayuhin kami, kung hindi baka napaka-awkward ito na mangyayari saamin pag ganito ng posisyon naming dalawa. Imagen mo na nakahiga ako at siya ay nasa itaas siya at naka hawak pa siya sa leeg ko na dalawa niyang braso?
'Kainis ito ay! Malalagot itong tokmol na ito!'
Pagkatapos nong tinulungan nila ako. Hindi ako nakatingin ng diretso kay Nerd pero nagpasalamat na ako sa kaibigan niya pero hindi ko siya tinapon ng tingin.
"Salamat" Saad ko habang diretso na ako na hanapin yung kaibigan ko. Tinakbuhan niya ako bago nadapa kanina ay!
'Anak ng tinapa! Asan na yung tokmol na Yun?!'
Hinahanap ko siya at lumabas na ako sa school pero Hindi ko parin siya nahanap hanggang sa naisip ko na hanapin siya sa puno dahil Alam ko na mahilig itong magtago at umakyat sa puno eh.
"Asan na ito..." Bulong ko habang hinanap ko na siya sa itaas ng puno. Napansin ko na may gumalaw Kaya dahan-dahan ako lumapit duon at hinablot ko na Ang kanyang likod.
'Huli ka!'
"Aray!!!Masakit!!" Reklamo niya at balak niyang pumiglas pero nagawa ko pang hawakan siya ng mabuti na suot niya sa likod ang bag niya.
"Bumaba na tayo! Lang hiya ka eh noh?" Saad ko habang hinila ko na siya pababa hanggang sa muntik na kaming nahulog dahil mataas ito inakyat naming dalawa.
Buti kaya ko pang lumanding na Ganon Lang habang siya naman sinalo ko kaagad siya. Hindi Naman siya mabigat eh.
Bago iyon pinatayo ko na siya at binatukan ko ng mahina.
"Aray! Para saan Yun?!" Reklamo niya habang napahawak siya sa ulo nito.
Ang hina binatukan ko eh..
"Sa ginawa mo kanina. Nadapa kaming dalawa ni Nerd. Kung hindi ka sana tumigil baka hindi mangyari yun!" Totoo naman eh!
"Sorry naman." Saad nito habang nag puppy eyes ang putik ..
"Wag mo nga akong tignan ng ganyan, Mik. Baka mabatukan kita muli."
"Sige na nga." Saad niya habang 'paout' na yung tuta. Hahahaha
"Sige tayo na..." Yaya ko sa kanyang at lumakad na ako.
YOU ARE READING
My Tutor Nerd (GxG)
FanfictionHey I'm Mio Mahilig akong matulog sa klase. Hindi din ako mahilig gumawa ng mga activities pero maliban sa sports, arts at higit sa lahat music pero hindi ako kumakanta ayaw ko kasi ...basta.... Yuon lang hilig ko ginagawa pag free time at isa pa mi...
Chapter 1: Miss Nerd
Start from the beginning
