Nothing More, Nothing Less (One Shot)

188 9 5
                                    

(Mia's POV)

"MOKS!"

"Oh, bakit tsongs?"

Nandito na pala si Dan. Psh, ano na naman kayang kailangan nito ngayon?

"Moks, patulong namang manligaw kay Lalaine oh." Hay, naku. Sabi na nga ba may kailangan eh. Syempre, naalala nya kasi ako kaya for sure, may kailangan yan.

"Ayoko nga." Bakit naman kita ipamimigay?

"Sige na moks. Please?" Wag ka magpacute! Effective! Asar ka.

"Dali na! Uyyyy papayag na yan! Sige na kasi." Pangungulit nya pa habang sinusundot-sundot yung braso ko.

"OO NA! Ang kulit mo!"

"Papayag din naman pala, pakipot pa."

"ah, ayaw mo? Okay. Madali lang naman akong kausap eh."

"Hindi ah! Uy, wala akong sinasabing ganyan ah!"

"Ay, ewan ko sayo! Ano ba kasi un?"

"Suggest ka naman ng gagawin ko sa valentines oh.."

"hmm, wait, di ako makapag-isip eh. Kailangan ko ng memory booster. Chocolate chip cream.." haha parinig na yan! Atleast makabawi manlang ako kahit starbucks no!

"Parinig pa eh. Sige na! Oo na! Minsan nagtataka tuloy ako kung bestfriend ba talaga kita." hindi kasi bestfriend tingin ko sayo ehhh.

"Yey! Ano? Tara na!"

Masaya to! Pampatanggal stress:))

So ayun nagpunta na kami sa mall na walking distance lang mula sa campus.

"Oy venti ha^^."

"Oo na."

Tapos umorder na sya at pagkakuha namin nung order namin. Umupo kami sa isa sa mga table doon.

"oh ano na? May naisip ka na ba?"

"Eh kung personalized na fireworks?"

"Ang mahal naman nun!"

"Ay, oo nga pala. Kuripot ka."

"May sinasabi ka ba, Moks?"

"Wala! Sabi ko, ang pogi ko."

"Eh. Seryoso na kasi Mia."

"Oo na. Nagbibiro lang eh. Pero di nga, pogi ako diba?"

"Pogi ka dyan! Tibo ka ba?"

"ako? Tibo? Hindi ah!"

"di nga?"

"Oo nga. Bahala ka nga dyan mag-isip mag-isa. hmp!"

"Oy hindi na! Dali na kasi!"

"Oo na. Maglagay ka ng arrows sa hallway papuntang rooftop."

"tapos?"

"magset ka ng surprise sa rooftop."

"like what?"

"A big bear holding a banner with 'Can I court you?' sign"

"nice."

"ano okay na?"

"hindi! Tutulungan mo kong i-prepare yun syempre!!!"

"Oy kulang tong chocolate chip cream!!!"

"oo na! Ano pa bang gusto mo?"

"Ikaw.."

"ha?"

"Sabi ko hikaw!"

"hikaw? Wag yung mahal ah!"

"oo na! Kuripot."

"So ano na? Pwede ka ba sa thursday?"

"Oo. Sige."

"Great. Thanks alot Moks! Bestfriend talaga kita." psh, Bestfriend.

"okay."

--------

*THURSDAY*

"Uy moks! Ano tara na?"

"tara."

"Anyare sayo?"

"Wala."

"Eh bakit ganyan ka?"

"Ewan ko."

"Moks umayos ka nga!"

"Maayos naman ako ah."

"Ayusin mo ung pagsagot mo."

"Okay."

"Moks, may problema ka ba?"

"Wala."

"Wala? Eh bakit nagkakaganyan ka? Kung wala talaga bakit ang co--"

"Gusto mo ba talagang malaman ha?!"

"oo naman."

"Problema ko kung paano ko pipigilan ung nararamdaman ko sayo!"

"What?"

"Di lang kasi bestfriend ang tingin ko sayo eh. Sorry, di ko sinasadya. Nahulog ako."

"You know what you are in my life, right?"

"Oo! I know! Kaya nga pinipigilan ko ung feelings ko eh! Cant you understand?! Mas higit pa sa bestfriend ang tingin ko sayo! Mahal kita eh! Kaso pakshet lang! May iba kang mahal!"

"I'm sorry, Mia. But, I only love you as my bestfriend.

Nothing more, nothing less..."

</3

~One Shot Stories~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon