Vandals

88 3 0
                                    

-Vandals-

May Summer Enrichment Program ako ngayon sa Ateneo. SEP for short. Nagenroll ako ng Physics. Nagaccelerate kase ako. College na ko this coming school year kaso di ko pa natetake up ung physics kase Bio, Chem, Geom at Trigo palang ang tinuro sakin ngayong 2nd year hs ako.

Meron akong crush.

Dami kaseng gwapo sa Ateneo eh:> kaya kung naghahanap kayo ng gwapo, sa Ateneo kayo magenroll! Mwahahaha.

Yung crush ko, group mate ko siya. Tapos group leader ako. Hahaha. May physics bee kame bukas, kaya pinagmeeting muna kame ng teacher namin. Review daw.

Di ako tumatayo sa upuan ko. Pupunta naman sila dito eh! Hahaha. Like a boss\m/. And Im right! They're right in front of me na:)) 7 kame sa group, 6 silang lalaki. Ako, minsan lalaki, minsan babae. Lol. Di ako tomboy, medyo boyish lang:)

Huminto si Sandro (yung crush ko) sa harap mismo ng desk ko. Nakaopen ung notes ko tapos nakapatong dun ung ballpen ko. Bigla nya yung kinuha. Tapos nagsulat siya sa notebook ko.

#Sandro<3

Hinayaan ko lang siya. Nagsulat pa siya ng nagsulat. Hanggang sa may sinulat siyang di ko maintindihan.

"Ano yan?" Tanong ko.

"Initials ko."

"Ha?"

"Pirma ko."

"Ah. Sino nagsabing kailangan ko ng autograph mo?"

Sorry. Ganyan talaga ko sa crush ko. Para di mahalata, nasusungitan ko! Hahahaha.

--

Dismissal.

Naglalakad ako sa hallway. Makakasalubong ko siya. Natanaw ko. Syempre alam ko matalas din paningin mo pagdating sa crush mo! Hahaha.

Di ko siya pinansin. Naglakad lang ako ng diretso. Paglagpas ko sa kanya, hinampas nya paakyat ung bag ko. Alam nyo un? Ung iaangat tapos biglang ibabagsak? Edi napalingon ako.

Paglingon ko, tinuro nya yung kaibigan nya. Inirapan ko naman siya, sabay sabi ng "Bully." Natawa lang siya.

"Read your notes ah? May physics bee tomorrow!"

Tinanguan ko nalang siya tapos umuwi na ko.

--

Physics bee.

"Catherine! Did you read your notes?" Tanong sakin ni Sandro. Pinagsama-sama na kase yung magkakagrupo.

"No. Sino bang nagrereview? Wala right?"

"Bat di mo binasaaa?"

"Nakinig naman ako eh. Okay na un."

Nagstart na yung physics bee. After 45 minutes, nagbell. Meaning, break time na. Ayoko lumabas. Gagastos lang ako. Ang mamahal pa naman ng mga pagkain dyan. Kala mo may halong ginto eh.

Kinuha ko nalang yung notebook ko. Irereview ko nalang ung ibang formulas. Mahirap na, baka makalimutan ko. Nakakahiya naman pag mali naisagot ko mamaya.

Nagsimula na kong magreview. Habang nagbabasa ko, napadapo yung mata ko sa sulat ni Sandro.

#Sandro<3Catherine

Nanlaki yung mata ko. Diba #Sandro<3 lang yun? Pano nagkaron ng Catherine sa tabi ng heart?

"Nakita mo rin."

Napaangat naman ako bigla ng tingin nung biglang may magsalita sa harapan ko.

"Ahh.." Yun lang yung lumabas sa bibig ko.

"Di ko naman kasi sinabing magreview ka. Sabi ko, 'read your notes'. Tsk tsk"

"Hehe. Sorry."

"So, ano na?"

"Anong ano na?"

"What? Do you like me too or not?"

Kinuha ko yung sticky note pad sa bag ko. Nagsulat ako tapos dinikit ko un sa noo nya. Pagka dikit ko, biglang nagbell. Sign na tapos na ung break. 15 minutes lang kasi yun. Kaya ayun, napilitan siyang bumalik sa upuan nya.

Kala ko naman, mamaya nya pa ko kakausapin. Pero mali pala ako. Bigla kase siyang sumigaw.

"Wooh! She's 100N attracted towards me, too!"

Nilingon ko siya saka pinandilatan ng mata. Binigyan nya lang ako ng ngiti. Abot tenga.

:>

*****

This is half-half! Hahaha medyo totoo pero yung iba hindi lol.

-C

~One Shot Stories~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon