Twelve

1.5K 51 1
                                    


Lance's POV

dalawang araw na simula nung nag usap si kurt at justin. sa totoo lang naaawa ako kay kurt pero mas naaawa ako kay justin. may point naman kasi si kurt at feeling ko nga tama sya. impossible naman na bigla nanlang maging mabait kay justin ang parents nya pagkatapos ng lahat? for sure ginagamit lang nila si justin para magpakasal kay christian. at nakakaawa sya dahil sa sobrang kagustuhan nya na maranasan ang pagmamahal ng parents nya nagbubulag hulagan sya sa katotohanan.

"zup mga bregs?" masiglang bati ni kurt samin at nakipag apir pa, hala anyre dun?

nakakagulat na pumasok sya ngayon, dalawang araw na kasi syang di pumapasok simula nung mag usap sila tapos ngayon masigla na sya? nakakapgtaka naman yun,

"sino ka?" sabi ni brix at tsaka tinapik tapik ang pisngi ni kurt

"ano bang problema mo brix?" tanong ni kurt sa kanya

"san mo tinago best friend namin? alien ka ba? kinain ko sya noh?" tanong ulit ni brix sa kanya habang tinatapik tapik pa din ang muka nya

"gago! ok na ko, yun lang yun, may pa alien alien ka pang nalalaman jan" natatawang sabi ni kurt

"weh? sige nga kung ok ka na ikiss mo si justin" pang aasar ni brix, pinandilatan naman namin sya ng mata dahil nagbago ang expression ng muka ni kurt at nakita din namin yung gulat na expression ni justin, binatukan tuloy sya ni liam buti nga, hahahaha.

"justin? sino yun?" pabirong sabi ni kurt at tsaka naupo sa upuan nya

nakita ko naman na parang nasaktan si justin dun, tss kaya ayaw kong mainlove eh, kahit gaano kayo kasaya magkakasakitan lang din kayo,

"swag kings!" nabaling ang atensyon namin kay keiffer na nasa unahan, seryoso yung muka nya, naku lagot mukang alam na nya

"bakit pre?" tanong ni kurt sa kanya

"swag kings, unang una 5 minutes na lang at magkaklse na kaya hindi ko na kayo pwedeng dalhin sa swag quarters para sa isang meeting dahil di tayo pwedeng malate" seryosong sabi nya

"hindi ba makakahintay yan?" tanong ni prince

"hindi na! at sa inyo classmates, wag na sanang makalabas dito ang pag uusapan namin" seryosong sagot nya "nakikita nyo naman siguro tong hawak ko" itinaas nya yung kamay nya kaya nagtawanan kaming lahat bra lang naman ang hawak nya "ngayon swag kings alam nyong mahigpit kong ipinagbabawal ang paguuwi ng babae sa bahay! sino sa inyo ang lumabag sa rules na yon?"

may rules kasi kami sa bahay, kasi nga diba sa iisang bahay lang kami nakatira? rule number 1 bawal mag dala ng babae sa bahay .. well i mean pwede naman basta girlfriend mo or kaibigan pero hindi pwedeng ikama! rule number two bawal ng tamad lahat kami may naka assign na household chores na dapat gawin, ganun talaga kahit may katulong, hindi pwedeng magpaka brat. o yan ha may nalaman na kayo tungkol sa swag kings.

"lance?" tawag sakin ni keiffer, well actually tanong yun kung ako ba ngdal na babae sa bahay kagabe

"kailangan ako agad tanungin mo? bat ganun? pag babe ako agad? unfair" sabi ko

"sagutin mo na lang dami mo pang sinasabi" pambabara sakin ni brix! kahit kailan talaga toh

"maaga akong umakyat sa kwarto diba? kasi sabi ko sa inyo masakit ulo ko?" yown oh diba? hahahaha

"wayne?" bling ni keiffer kay wayne

"muntanga toh, gumawa kaya tayo ng report kagabe kasama si liam, ayos ka lang? anung oras na tayo natulog oh" haha epic tuloy yung muka ni keiffer sa sagot ni wayne hahaha

"ikaw prince?" si charm na ang nagtanong kay prince hahaha selosa talaga

"babe magkaskype tayo kagabe, nakalimutan mo?" sagot ni prince kay charm, wow ha skype talaga? pwede namang phone call na lang, LDR ang peg?

tiningnan ni keiffer si liam pero bago pansya makapagsalita sumagot na si liam

"oh, kasasabi lang ni wayne magkakasama tayong tatlo kagabe" sabi ni liam

"muntanga toh, ikaw ba tataungin ko? kay harry kaya ako nakatingin" pambabara ni keiffer, napatawa naman yung mga kaklase ko

"magkasama kaming nag xbox ni brix kagabe" sagot ni harry kay keiffer

"ikaw kurt di ka ba magsaslita?" baling ni keiffer kay kurt, napatingin naman ako kay justin na para bang naghihintay sa isasagot ni kurt

"oh sige na aamin na, ako nagdala ng babae kagabe" sabi nya na ikinagulat naming lahat

"ANO?!" sabay sabay naming sigaw sa kanya. pano ba naman kasi nangyari yun? eh .. ako naman talaga nagdala ng babae sa bahay kagabe, well hindi ko naman dinala sa bahay, bigla namlang kasing may kumalabog sa veranda ng kwarto ko tapos nung tiningnan ko babae pala tapos yun nangyari na ang nangyari malay ko naman bang maiiwan yung bra nya.

"sorry na, bilang punishment ako na gagawa ng chores mo sa bahay" dugtong pa ni kurt

"pero .. " aangal pa sana ko kaya lang nagsalita na naman sya

"dude, it's part of moving on" ipinagdiinan nya pa yung sentence nya habang nakatingin kay justin.

:p���Fb϶

Swag kingseries: stupid cupidKde žijí příběhy. Začni objevovat