Chapter 20 - Our Christmas Eve

Start from the beginning
                                    

I shook my head. "Don't."

He  stood up. He opened the refrigerator and got the . . . color red ball? If I wasn't mistaken, it was a keso de bola. "Want this?" aniya at nilapag sa lamesa iyon.

Kinuha ko iyon at kinilatis. "Hindi pa ako nakakatikim nito. Masarap ba 'to?" tanong ko sa kanya habang nakatitig sa bilog na bagay na hawak ko.

"Yes, kung mahilig ka sa cheese."

I loved cheese!

"Cheese ang loob nito, 'di ba? Anong lasa nitong kulay pula?" Tumingin ako sa kanya.

He smiled and said, "Masarap. Try it."

Tinanggal ang ko ang plastic na nakabalot doon. "May I take a bite?"

"No. Let's slice it." Kumuha siya ng kutsilyo at plato. Inabot niya ang mga iyon sa akin. Hiniwa ko ang keso de bola at lumitaw ang keso na nasa loob nito.

"Ano ba 'tong pula na' to?" sabi ko bago ginagat iyon at nginuya.

Napatingin ako kay Dylan nang makita ko siyang nagpipigil ng tawa at tila tinatawanan niya ako. Napatigil naman ako nang malasahan ko ang nginunguya ko. It tasted like a . . . candle. Mabilis na pumunta ako ng sink at niluwa iyon; at saka uminom ako ng tubig.

Narinig ko ang malakas na pagtawa ni Dylan. "It is a wax," aniya. Sinamaan ko naman siya ng tingin at akmang sasapakin nang mabilis na tumakbo siya palayo sa akin habang patuloy pa rin sa pagtawa.

"Kahit kailan talaga luko-luko ka, Dylan!" inis na sabi ko at muli ko sana siyang lalapitan pero tumakbo muli siya paikot sa lamesa.

Nakasimangot na bumalik lang ako sa upuan ko habang masama pa rin ang tingin sa kanya.

"I'm sorry," tawa-tawang sabi niya.

"No, you're not sorry!"

He just laughed and came near me. I was surprised when he hugged me and kissed me on the cheek. "Ang cute mo talagang maasar," aniya bago lumayo sa akin at bumalik sa upuan niya. Ang inis na nararamdaman ko ay bigla nalang naglaho dahil sa ginawa. Naramdaman ko rin ang pag-iinit ng pisngi ko at pagbilis ng tibok ng puso ko.

Ngumiti lang siya sa akin bago muling bumalik sa pagkain.

***

Nanatili kami sa bahay nina Dylan hanggang gabi. Nanonood lang ako ng movie habang nakahiga sa kama ni Dylan habang siya naman ay nasa tabi ko lang at tutok sa laptop niya. Nang matapos ko ang movie, pinatay ko ang TV at naki-usyoso sa ginagawa niya. Nakita kong kausap niya ang mga fans niya sa Twitter.

"Hindi kaya nila ako aawayin?" sabi ko sa kanya.

"Why would they?" aniya habang tumitipa sa keyboard.

"Kasi girlfriend mo ako. Baka magalit sila, 'tapos ibash nila ako."

"That's okay," aniya.

Napakunot-noo naman ako. "Anong okay ka diyan?"

"You can never escape from this judgemental society. If they are really my fans, they will not hurt the person I love. Real fans just follow and support their idols. It's not their part to interfere their idol's personal life decisions."

"But I don't wanna be hurt by them." There was worry in my voice.

"Don't be anxious. I'm here. They may hurt you with words, but none of their hands can touch you."

Holding on to His PromisesWhere stories live. Discover now