Chapter 37

82 5 0
                                    

Chapter 37: Memory Fluid

Potchy's POV

"ANO PO? Kayo si Tito Drake?"

"Yeah. Dracula Craysen... Drake." Mabilis niyang naisagot. "Oo nga pala, alam mo bang ikaw ang nasa painting?"

"Ako?" Turo ko sa aking sarili.

Marahan siyang napatango. Muli kong itinuon ang tingin sa painting na kanyang sinasabi.

"Ibig niyo pong sabihin, si...?"

"Uh huh, tama ang iniisip mo, ang Mommy mo rin 'yang may hawak sa 'yo. Ganyan na ganyan ko siya nakita, ganyan na ganyan din ako na-inlove sa kanya. She really went mad dahil siguro sa sobra sobrang katalinuhan, but I truly love her. That is also why I have Hyuna, my daughter-"

"Ate? Ikaw 'yan?"

Mabilis kaming nagkatinginan ni Tito Drake, saka lumingon.

Hyuna?

Hindi ko alam exactly kung paano ako magre-react.

"Ate, ikaw nga 'yan?"

Hindi na ako nagsalita, tumakbo ako nang napakabilis saka niyakap nang napakahigpit si Hyuna.

"I-I missed y-you, b-baby boo." Halos pabulong ko na lang na wika sapagkat nabubulol na ako, at parang tutulo na ang napakaraming luha mula sa aking mata.

"I missed you too, Ate Pot." Napaka-inosente niyang pagkakasabi ngunit ramdam ko ang sincerity sa tono niya.

"Ehem ehem. Tsk tsk!" Naputol ang madramang tagpo nang biglang umeksena si Sandro. "Dadrama ng mga 'to oh!"

"Hoy Sandro, kunin mo na si Hyuna, ako na ang bahala rito."

Kinuha na nga ni Sandro si Hyuna sa akin nang walang pag-aalinlangan. Samantalang si Tito Drake ay masuyo akong iginiya papunta sa kanyang silid-tanggapan.

MALAKI ANG opisina ni Tito, for a man like him na sa tingin ko ay isang artist and at the same time art collector, masyadong napakalaki nito. Napakalaki ng tinted glass dito sa bandang likod ng kanyang mansion o 'di kaya'y museum, tanaw sa labas ang malaking carpeted garden na may fish pond sa gilid. Mayroon pang kung ano anong bulaklak sa paligid, iba't iba ang kulay pati na rin ang mga kakaibang batong nakadisensyo.

Ito na 'yon? Ang mansion de flor?

Bigla kong naalala ang larawang ipinakita sa akin ni Investigator Ruiz Salome.

"Masyado ka yatang nalibang sa nakikita mo." Pagbasag ni Tito Drake sa katahimikan. Inilapag naman noong ginang kanina ang dalawang kape na nakalagay sa tray sa mesa.

Humigop naman ako ng kape.

"So, handa ka na bang malaman ang nangyari?"

Tumango na lamang ako bilang tugon.

"Tandang tanda ko pa kung ano ang eksaktong nangyari noong araw na iyon..."

MALAKAS ANG hampas ng alon sa dagat. Masiglang naglalakad si Drake sa gilid ng pampang nang biglang makarinig siya ng sunod sunod na putok ng baril.

dummiesDove le storie prendono vita. Scoprilo ora