027

78 2 3
                                    


Narration
Hwang Yunseong

"Hoy Yunseong, ba't tayo lumabas agad? Di ko pa ubos 'tong fries ko oh?" parang batang reklamo ni Sabrina at sumubo ulit ng fries. Ang cute.

It's only been two weeks simula nung magkakilala kami ni Sabrina, pero sobrang close na kami sa isa't isa. This is our third time to hang out with each other, kasi usually, hanggang sa chat lang kami. Every Saturday and Sunday lang yung day off ko sa coffee shop nila Hyewon at Ara, samantalang busy naman madalas si Sabrina sa pag review para sa board exam niya to be a licensed doctor.

"May nakita akong hindi kaaya aya." inis na saad ko at dumukot na din ng fries mula sa paper bag na hawak ni Sab.

"Hoy pakyu, bili ka sa 'yo!" agad niyang inagaw mula sa pagkahawak ko yung paper bag. Natawa naman ako kasi inirapan niya lang ako at nagpatuloy sa pag kain nung fries.

"Tara, park tayo?" aya ko sa 'kanya. Tumango naman ito, kaya hinila ko siya hanggang sa makarating kami ng park na hindi kalayuan dito sa mcdo.







"Uy, don tayo sa swing!" pagkadating namin sa park, hinila naman ako ni Sabrina patungo sa swing set na nakita niya. "Tulak mo 'ko, dali! Pero wag mo masyadong kalaksan. Pektusan kita kapag natalsik ako, makita mo!"

Ibang iba yung attitude ni Sabrina kay Hyewon. Madaldal si Hyewon, pero iba yung daldal ni Sabrina. Para siyang hindi nawawalan ng mak'kwento--Onti nalang, halos ikwento niya na yung talambuhay ng kapitbahay niya. Habang si Hye naman? Nap'preno naman kahit papano yung kadaldalan niya. Madalas, dadaldal lang siya kapag ka-close niya yung kasama niya. The only thing they have in common is yung kahiligan nila sa pag kain. They both love to eat, pero hindi sila tumataba.

Mahinang tinutulak ko si Sabrina habang busy siya sa pag ubos sa fries na binili niya. Nang maubos niya na yung pagkain, tumigil na muna ako sa pag tulak, at hinayaan siyang itapon yung paper bag.

"Yunseong, curious lang. Ba't ba kayo nag hiwalay ni Hyewon? Ang sabi naman kasi sa 'kin ni Kuya noon, masaya daw kayo as a couple. Perfect kumbaga. Ba't nagkaganon?" biglang tanong ni Sab pagkabalik niya galing sa pag tapon ng basura.

"We were involved in an accident six years ago. Dahil sa aksidenteng yon, we both lost our memories together. At pinaghiwalay pa kami. We only found out about everything when we once again met each other three years after. Kaya kami pinag hiwalay, kasi before the accident, Hyewon and I would usually argue with each other. Kahit yung pinaka maliit na bagay, pinag tatalunan namin. And nakakahiya mang aminin, I used to hurt her not just mentally, but also physically. Pero don't get me wrong, Sabrina. I've changed. Kaya ko nga siya hinihintay kasi I want to make it up to her." pag eexplain at pag dedefend ko sa sarili ko. Baka kasi isipin ni Sabrina na kaya ko siya gustong bawiin, para saktan ulit. No, never. Hindi ko hahayaang gawin ulit yung pagkakamali na ginawa ko anim na taon nang nakalipas.

"You're waiting for her kahit na alam mong ikakasal na siya eight months from now?" napalingon naman ako kay Sabrina dahil I didn't expected na tatanongin niya yon. Her face looked serious while waiting for my answer. Pero bago sumagot, napa buntong hininga muna ako.

"Wala eh. I have already met alot of girls, and have been in a relationship twice after Hyewon, pero none of the two felt like her. The first one, Choi Eunji. She cheated on me sa current boyfriend ni Hyewon nung time na yon. When she became my girlfriend, few days after ko lang nalaman na sila na pala ni Noa--"

"K-kazama?"

"Yeah, you know him?"

"I don't personally know him, pero I really find him cute. Tapos sobrang ganda pa ng boses niya! Anyway, continue.."

"Then the second one was Angel Takata. Our relationship only lasted for two weeks. Kasi on the second week, don ko lang nalaman na she was the person behind our accident. If it wasn't for her, hindi sana nabura yung ala-ala namin ni Hyewon noon." tumingala naman ako when I realized na onti onting tumutulo yung namumuong luha sa mga mata ko.

"Alam mo, Yunseong? A guy like you is really worth to keep. Kasi yung ex ko? Tangina nun eh. Nakipag break sa 'kin without any reason why, tapos bukas makalawa, malalaman ko nalang na may bago na pala siya. Pero I've moved on. What we had was nung second year pa namin nung college."

"Oh? Sino naman yung ex mo?" gulat na tanong ko sa 'kanya. I didn't actually expected na may ex na pala 'tong si Sabrina.

"Han." she answered in a cold manner.

"Han? Han Jisung?" nakita ko naman sa itsura niya yung pag bago ng reaction niya nung malaman niya na kilala ko yung Han na tinutukoy niya.

"Oo. K-kilala mo?" I nodded as a sign of saying yes. Tears started to fall from her eyes, kaya naman agad ko 'tong niyakap, at sinubukang ipatahan. "P-pano?"

"He's my brother's friend. I'm sure you know Hwang Hyunjin. Tropa sila nun."

"It's been years, pero just like you, meron paring kirot everytime I remember the way he left me for another girl. Alam mo ba? Dahil sa ginawa niya, napaisip ako. Saan ba ako nag kulang? Binigay ko naman yung lahat nung kaya ko just for him to stay, pero wala eh. Sadyang tangina lang niya."

Nagpatuloy yung pag uusap namin ni Sabrina, hanggang sa mawala yung araw. After the sun as set, hinatid ko na muna siya sa 'kanila kasi baka mapaano. Tapos dumeretso na ako sa bahay para mag pahinga.

Nang makarating ako sa bahay, I locked myself inside my room at kinuha yung cellphone ko para tignan yung social media accounts ko. And as usual, puro si Wonjin sa Facebook, halo halong photos sa Instagram, tapos si Ara naman sa Twitter.





"Magiging worth it ba yung lahat kapag hinintay pa kita, or oras na talaga para mag move on at mag hanap ng ibang magbibigay ng saya sa buhay ko just like how you did to mine years ago?"




WAIT | Hwang Yunseong | I.D Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon