053

41 1 0
                                    


Hwang Yunseong's

“Sabi ko naman kasi sa 'yo, 'di ba? Wag kang mag pupuyat. 'Yan tuloy, sabog ka!” saad ko kay Sabrina habang tinutulungan ko siyang mag ayos ng gamit niya.

She's been studying hard lately para sa upcoming board exams niya para makuha na din sa wakas 'yong pinapangarap niyang lisensya para maging isang ganap na doktor.

“Gugustuhin ko 'man mag pahinga, 'di din pwede. Alam mo naman kung gaano ko kagustong maging doktor 'di ba?” she replied, and pouted after. Cute.

Three months passed since I've started courting Sabrina. We've become closer as ever because of that. As we date, dun namin mas nakikilala 'yong isa't isa. And everytime we eat out for lunch together, palagi niyang binabanggit kung gaano niya kagustong maging doktor.

According to her, being a doctor has been her dream eversince she was a kid. Lalo na't nung magka-sakit 'yong lola niya't naging rason nung pag panaw niya, she was more determined maging isang doktor para magamot 'yong mga taong may sakit. Kasi sa paraang 'yon daw, nakabawi siya kahit papano sa lola niya. Ayon din daw kasi 'yong pinapangarap ng lola niya para sa 'kanya when she was still alive, so she'll continue it.

I cupped her face with my hands while looking at her beautiful face. She may look tired and stressed, but she's still very beautiful.

“You know what you need?” I asked giving her a confused look. “You need to enjoy. Tara, may pupuntahan tayo.”

“T-teka lang, Hwang. 'Yong gam—” hindi niya na natapos 'yong dapat niyang sasabihin dahil hinila ko kaagad siya palabas ng cafe.











Sabrina Lim's

“Saan ba tayo pupunta, ha?” I asked Hwang who's busy driving. Gamit niya 'yong kaliwang kamay niya para kontrolin 'yong manibela, habang ang kanan naman ay nasa kamay ko. Eversince we started dating, it's been his habit to hold my hand whenever he's driving. And I'm not even complaining about it. I find it cute actually. “Baka mamaya kidnapin mo 'ko ha? Nako Hwang, babatukan talaga kita.”

“Muka ba akong kawatan, ha?” he jokingly asked me while still focusing on the road.

Oo. You stole my heart, gago.”

“Talaga?” nanlaki 'yong mga mata ko kasi 'di ko napansing nasabi ko pala out loud 'yong dapat nasa isip ko lang.

And let our response be ‘Sabrina bobo.’

“W-wala yon. Mag d-drive ka na nga!” I could feel that my face is red dahil don sa sinabi ko. Tangina, ba't ba kasi ang bobo ko, 'di ba?

“You're blushing, Sab. Hahahaha!” pang asar niya sa akin. I removed my hand from his hand making him looked surprised. “Bakit mo tinaggaaaal? I need your handddd.”

“Manibela 'yong hinahawakan, Hwang. 'Di kamay ko!”

“Pero gusto ko hawakan 'yang kamay mo eh!” pag mamaktol niya na parang bata. Buti nalang at naka stop ngayon kaya nagawa niyang lumingon sa 'kin. “Sabrinaaaa, 'yong kamay mo kasiiii!”

I looked at my hand para asarin siya lalo, “What about it, Hwang? Miss mo na?” I asked him. Nakasimangot parin siya. Ang cute HAHAHAHAHAHA.

“Oo!” maiksing sagot niya, sabay kuha 'yong kamay ko at bumalik sa pag drive. “Pag binitawan mo 'yan, hahalikan kita. Gusto mo 'yon?”

“Sabi ko nga, 'di ko na bibitawan!” I answered back and pouted like a kid.

“Cute mo talaga, Sab hahahaha! Sarap mong asarin.”

“Tuwa ka na niyan, Hwang?”

“Oo naman! You look like a baby when you're pissed. But my baby tho.”

Tangina Hwang, enebe.

“Oh, namumula ka nanaman. Hahaha! Galing ko talaga bumanat!” pabiro akong napairap dahil don sa sinabi niya.

“Ewan sa 'yo! Mag drive ka nalang nga diyan, Hwang.”








WAIT | Hwang Yunseong | I.D Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon