078

32 0 0
                                    


Kang Ara’s

“Malandi ka!” hindi ko na napigilan 'yung sarili kong sugurin si Angel. Sa kalagitnaan ng halikan nila, marahas kong sinabunutan si Angel.

“A-aray! Bitawan m-mo ako!” nauutal na sambit neto habang pinipilit na tanggalin 'yung kamay ko sa pag sabunot sa 'kanya.

“Malandi ka! Wala ka talagang pinagbago, 'no? At talagang hinalikan mo pa talaga si Yunseong sa harap ng girlfriend niya, ano?” hindi ko parin binibitawan 'yung kamay ko sa pag sabunot kay Angel. Wala akong pake kahit makita kami ng mga tao dito.

'Yung pinakaayaw ko sa lahat ay 'yung sinasaktan at ginagago 'yung mga taong malalapit sa 'kin.

Napatingin naman ako sa gawi ni Yunseong na hinahabol si Sabrina na umalis na din habang umiiyak.

“S-sabrina!” sigaw neto.

“Aray, A-ara! Masakit!”

“Pake ko?” hinarap ko 'yung mukha ni Angel sa mukha ko, at binigyan siya ng tatlong magkasunod na sampal. “Hindi ka parin nadadala, ano? Pinipilit mo parin talaga 'yung sarili mo sa taong hindi ka gusto.”

“Noona, anong meron? Bakit— Angel?” parehas kami ni Angel napalingon do'n sa boses na tumawag sa 'kanya. Si Chajun na kasama si Dongpyo. Mabilis na lumapit 'yung dalawa para awatin kami. Si Chajun 'yung pumipigil sa 'kin sa pag sabunot, samantalang si Dongpyo naman 'yung naghawak kay Angel para hindi ito makatakas. “A-anong nangyari? Bakit umiiyak si Ate Sabrina? Bakit mo sinasabunutan si Angel?”

Matalim parin ang tingin ko kay Angel na ngayo'y gulong gulo na ang buhok, at pulang pula na ang pisngi. “Hinalikan niya si Yunseong sa harap mismo ni Sabrina. Ako na 'yung sumugod kasi para bang napako si Sab sa kinatatayuan niya kanina nung makita niya silang naghahalikan.” galit na talagang saad ko, at sinampal nanaman si Angel sa kanang pisngi niya.

“Noona, tama na!” pigil sa 'kin ni Dongpyo.

“Kapag nasira 'yung relasyon ni Sabrina at Yunseong dahil sa kalandian mo, Angel, hindi ko alam kung ano 'yung magagawa ko sa 'yo. Ang saya saya na nila eh. Ang saya saya na ni Yunseong eh. Umepal ka lang talaga.”

“A-alam mo, Angel? Umalis ka na. Baka kung ano pa 'yung magawa sa 'yo ni Ara noona. Alis na!” sigaw ni Dongpyo nang pakawalan niya si Angel sa paghahawak niya. Mabilis namang tumakbo at nawala sa paningin namin si Angel, kaya onti onti na din akong kumalma.

Kamusta na kaya sina Yunseong at Sabrina?





Third Person’s

“Sabrina, pakinggan mo naman ako oh?” pagmamakaawa ni Yunseong nang mahabol na niya si Sabrina.

“Y-you kissed her back.” sagot ni Sabrina habang umiiyak parin. Yunseong sighed, and hugged Sabrina tightly as he let her cry. 'Di nag tagal, ay sinusubukan na nitong patahanin ang kasintahan niya. “H-hinalikan mo siya pabalik. N-nakita ko 'yon, Y-yunseong!”

“Shhh, tahan na.” Yunseong cupped Sabrina's cheeks, and wiped off the tears that keeps on falling down from her eyes. “I know hindi maalis ng sorry 'yung sakit na nakita mo, pero I'm sorry, baby. I really am.” bakas sa tono ng pananalita ni Yunseong ang sinseridad sa pag hihingi ng tawad. “Also what? I didn't kissed her back?”

“Nakita ko 'yon, eh! Hinalikan mo siya pabalik eh!” pagmamaktol ni Sabrina. “D-dapat talaga ako 'yung susugod, 'di si Ara. Kaso n-napako ako sa kinatatayuan ako kanina kaya siya na 'yung sumugod para sa 'kin.”

WAIT | Hwang Yunseong | I.D Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon