Ikalabing-isang Kabanata

Mulai dari awal
                                    

Bahagyang nanlaki ang mata ko nang makita na typing siya. Napalunok ako at tinitigan lang ang phone ko. Hinintay kong magsend iyong typing message niya.

Vin: Still awake?

Light: 'Di. Zzzzz.


Vin: :((


Vin: Bakit gising ka pa?

Light: 'Di ako makatulog.

Vin: Ay, sorry. Iniisip kasi kita. ;)


Light: Patulugin mo na ako!! :(

Vin: Cute mo.

Light: Adamiel Vincent naman, eh.

Vin: What, Luziel Janaria?


Light: Let me sleep!


Vin: Sleep, then.


Vin: Alam ko na.

Light: Ano?

Vin: Gusto mo bang kantahan kita?

Hindi ako agad nakareply dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Ang likot din ng nararamdaman ko sa tiyan ko at parang may mga paru-parong lumilipad na paikot-ikot sa tiyan ko. Hindi niya ako sinesend-an dati sa hindi ko malamang dahilan pero sa totoong buhay ay kinakantahan niya ako. Napakagat ako sa labi ko at napagulong na naman bago nagtipa ng reply. Bahagya pang nanginginig ang kamay ko.

Light: Sige?

Vin sent a voice message.

[ Listen to the song until chorus ; Nararamdaman - Better Days ]

Agad kong plinay iyon at tinapat iyon sa tenga ko. Napapikit ako sa ganda ng himig ng boses niya at sa lamig nito. Ang sarap sa tenga at totoo ngang inantok ako bigla. Hindi ko alam kung bakit pero hindi naman nakakantok ang boses niya, kung pwede nga lang ay pakinggan ko na 'to habang buhay. Tinapos ko iyon at natulog na nang nakangiti.

--


Kinabukasan, maaga akong nagising. 7 pa lang ay nag-aayos na ako at kumakain na. Kinunutan pa ako ng noo ni ate at tinitignan pa ang bawat banda yata ng katawan ko. Sinimangutan ko na lang siya at tinuloy ang pag-kain. Pagtapos, umakyat ako at humarap sa salamin para mag-ayos. Naisipan kong magtali na lang ng messy bun. Nakaoversized shirt akong white na nakatuck in sa ripped jeans ko, tapos rubber shoes din na white. Maliit lang din iyong earrings kong bilog. Nag-ayos pa ako ng kaunti bago kunin ang bag ko at bumaba na.

Nagpaalam na ako at masayang naglakad palabas ng bahay. Mabilis din akong nakarating sa school kaya naupo muna ako sa bench na nasa labas ng gate. Hihintayin ko muna siguro sina Tracy rito. Tinext ko siya at maya-maya pa ay binaba siya ng isang kotse rito. Kumunot naman ang noo ko dahil ang lapit niya na nga lang dito, nakakotse pa.

"Nakakotse ka pa?" Tanong ko sa kanya at tumayo na. Tinap namin ang id namin para makapasok.

"Si Rene 'yon. Binaba lang ako." Ani niya. Tumango na lang ako. Hatid-sundo pala siya.

The Brightest Shooting Star (Athánati series #2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang