Chapter 2: Indirect

53 5 0
                                    


Chapter 2

"Sydney, hindi ka ba mag-aalmusal?"

Pababa na si Sydney nang hagdanan ng marinig ang mommy niya. Katulad nang madalas, maraming nakahain sa umagahan nila.

Nangisi siya nang makita kung gaano kaganda ang family set-up nila. Ang mommy niya ay nasa kabila katapat ng daddy niya, may bakante sa tabi ng mommy niya na para sa kanya. Sa tabi ng daddy niya naro'n ang babae nito na halos sampung taon lang ang tanda sa kanya.

"I'm still full, bye mom, bye dad..." Nakangiting nagpaalam siya sa dalawa.

"Sydney." Narinig niya pa ang habol na pagtawag ng mommy niya.

"Hindi mo man lang ba sasaluhan ang mommy at daddy mo? Kararating lang ng daddy—"

Binalingan niya sa Aling Thessa, ang nag-alaga sa kanya mula pagkasilang. Kasambahay na 'to ng mommy niya noon pa.

"Nay Thessa, mamaya pag-uwi ko nariyan pa naman si Daddy. Hindi naman siguro sila mag roundtrip around the world agad-agad." Nilapitan niya 'to at hinalikan sa pisngi. "Bye, Nay."

Nang makarating siya sa sasakyan ay kaagad siyang pinagbuksan ng driver nila.

"Nasobrahan na naman ako sa inom," ipinikit niya ang mga mata para umidlip. Madaling araw na siya nakauwi. Wala na siyang balak umuwi kaso naalala niyang uuwi ang daddy niya.

"Late ka na naman umuwi, sana tinawagan mo 'ko para nasundo kita kung nasaan ka. Sa panahon ngayon—"

"Tay, anong oras na 'yon. Hindi na kayo nakakatulog ng maayos dahil sa edad ninyo, gigisingin ko pa kayo. Inaalagaan ko naman ang sarili ko," putol niya rito.

Kagaya ni Aling Thessa, si Mang Robert naman ay driver naman ng papa niya mula nang magbinata 'to.

Karaniwan niya nang tinatawag na nanay at tatay ang dalawa dahil lumaki siyang kasama ang mga 'to kapag oras na nang magulang niya para magtalo.

"Mabuti na lang at hindi ka hinanap ng daddy mo nang makarating siya, malalim na rin kasi ang gabi."

"Pagod sa biyahe 'yon kaya hindi niya 'ko hahanapin. Umaga na sana ako uuwi, kaso naisip ko na pagtatalunan na naman nila kung sino ang magaling na magulang." Nawala na ang antok niya. Gano'n naman palagi ang mga 'to. Magtatalo nang magtatalo na parang parehong santo sa pagiging tamang magulang.

Iniwasan niya nang tingin si Mang Robert, hindi niya gusto ang awa sa kahit na sino.

"Sydney, alam ko naman na lalaki ang tipo mo, ilang beses ko nang nakita. Pero puwede bang humanap ka nang minamahal ka talaga?"

Natigilan siya sa naging pangungusap ni Mang Robert.

"Wala man ako sa katayuan, pero para sa 'kin, apo na kita. At ayokong ang apo ko ay pinaglalaruan at sinasamantala lang ng ibang tao."

Hindi siya nakaimik.

May sumeseryoso naman sa kanya. Ilang beses na. Pero hindi niya magawa ang magseryoso nang husto. Mabilis nawawala ang pagkakagusto niya. Hindi niya gusto ang pakiramdam na dinidiktahan at pinagbabawalan.

Pero dahil mahalaga sa kanya ang matanda, magpapahinga muna siya at uuwi nang naaayon sa oras. Mukha rin magtatagal ang daddy niya at ang kerida nitong mas matapang pa sa mommy niya.

**

"Sydney..."

"Good morning, Sydney..."

"Good day, Sydney..."

Sa sakit nang ulo niya, nginitian niya lang ang mga nakakasalubong.

"May choir practice, attend ka naman—"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 26, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PAPER CUTS (BxB)Where stories live. Discover now