PROLOGUE

87 5 3
                                    

DATE STARTED: DECEMBER 8, 2019

Thinking I should write this at 3:00 AM 



Prologue

Maganda kung titingnan,

Mabango kung lalapitan,

Perpekto kung pagmamasdan,

Pero peke kung mahahawakan.

Walang mabangong amoy,

Walang tunay na kulay,

Salamat sa mga rosas na 'di tunay.

Rosas na papel nga ang totoo kong taglay.

Tumalikod ka na,

Kalimutan mo na,

Tigilan mo na...

Dahil kahit ang papel kaya ka ring sugatan na.

-Sydney

"Kulang sa budget para bumili ng tunay na rosas. Parang 'di rin naman tama na gawa sa plastik. Kung bibigyan ko nang effort, mapapansin mo kaya?

Ito lang ang kaya kong gawin. Ito lang din ang budget friendly, glue stick, glue gun, makukulay na papel, ruler, stick at buong puso't ingat kong paggawa. Ayokong magkaro'n nang mali, ayokong sumobra kahit ang glue, ayokong may maling gupit at ikot, kung dapat sukatin kahit ang pinakamaliit, gagawin ko dahil espesyal ka sa 'kin.

Pinagpupuyatan ko tuwing libreng oras ang paggawa nang unang regalo ko at ang nalalapit kong unang pagpapakilala sa 'yo. Hindi madali ang mag-aral at mag trabaho sa gabi. Pero wala naman 'yon sa 'kin, nasanay na 'ko, at itong ginagawa ko kahit pa sabihin na halos idlip na lang ang gawin ko sa buong linggo, ayos lang, basta maganda ang resulta ng ginawa ko at masaya 'ko sa bawat pirasong nabubuo ko na pasado sa tingin ko ay perpektong anyo ng bawat isa nito.

Nagustuhan kita dahil sa isang kanta.

Isang kantang paborito ko mula sa musika na hindi tipo nang iba.

Iyong kanta ay 'Cancer' ng bandang 'My Chemical Romance' isa lang iyon sa bibihirang pagkakataon na inalis ko ang headphone ko at saktong narinig ko ang boses mo sa ere nang pang-eskuwelahang radyo. Nanindig ang balahibo ko, parang may anghel na umaawit, anghel na may sakit na pinagdaraanan, para bang iyong kanta, at lungkot sa boses mo, sapat para pagbasain ang mga mata ko?

Hindi pa kita kilala no'n.

Kahit kilalang-kilala ka na pala sa eskuwelahan. Late receiver yata ako.

Hindi ako nadismaya nang malaman ko na ang boses ng anghel, at pangalang Sydney ay pag-aari pala nang isang lalaki ring 'tulad ko.

Hindi nawala ang kabog nang dibdib ko nang itanong ko sa kaklase ko kung sino si 'Sydney' at nang ituro ka niya, Sydney, nakita ko ang ngiti mo kausap ang iba, akala ko simpleng paghanga lang 'to pero pakiramdam ko, sa bawat araw na sinasabi ko sa sarili ko na sapat lang na makita kita sa malayo dahil wala naman akong maipagmamalaki pa sa 'yo lalo at mataas pala ang estado nang pamumuhay mo, wala rin akong aasahang budget pang-date sa 'yo dahil ang pera ko, kapos pa sa pag-aaral ko. Hindi rin naman ikaw 'yong tipo na puwede sa kanto, kaya naman tiniis ko na lang, umasa sa right time at right moment na 'yan. Pero sa bawat araw na nakikita kitang may kasamang iba—sa isang linggo, hindi lang isa, kung minsan tatlo pa, gusto kitang puntahan at sabihin sa 'yo na kung magiging sa 'kin ka, hindi ko hahayaan na kumalas ka. Pero nakakainis, nakakainis 'yong pakiramdam na sa isip ko napakarami kong gustong sabihin sa 'yo pero alam ko sa sarili ko na mapipipi ako kung tunay nang harap-harapan tayo.

Pero iba na 'yong kabog...

Iba na 'yong dating...

Parang anumang oras sasabog...

Bahala na, kailangan ko nang iabot sa 'yo ang regalo ko. Hindi na para sabihin sa 'yo na gusto ko ang boses mo at hinahangaan kita, dumating na kasi sa punto na bago ko iabot 'to, alam ko na sa sarili ko na MAHAL KITA at GUSTO KONG SUMUBOK, BAHALA NA.

Doon tayo nagsimula sa rosas na gawa sa mga piraso ng papel na lakas loob kong iniabot sa 'yo."

Lumunok ako kahit ang mga linyang sinabi ko ay hindi handa. Hindi ko rin alam kung ano ang spoken poetry na sinabakan ko sa araw na 'to, gusto ko lahat nang gawin mo, kahit ang simpleng pagsulat mo lang ng pangalan mo gamit ang ballpen mo sa likuran ng palad ko, pero masakit pala kapag ang ginawa mo ay tulang magpapasira nang ulo ko. Alam ko sablay ang spoken poetry na sinabi ko, baka nga natatawa ka pa dahil kung may tulang sintunado, ako na ang tatanggap ng tropeyo.

Pero mahal na mahal kita. Pinapasok mo 'ko sa buhay mo, tapos sasabihin mong ayaw mo na? Kasasabi mo lang sa 'kin na hindi ka makakahanap nang 'tulad ko, tang-ina, halos 'di ako makatulog dahil sa sinabi mo, ang sarap ulit-ulitin sana nga nairekord ko.

Pero kinabukasan, nag-iba ang ihip nang hangin sa 'yo, gusto mong tapusin natin 'to dahil para sa 'kin 'yon? Paanong para sa 'kin? Ikaw at Ako. Iyon ang gusto ko. Paanong para sa 'kin 'yong wala nang ikaw, ako na lang?

Nakatitig ka ngayon sa 'kin. Katulad dati, hindi kita mabasa. Napakagaling mong magtago nang damdamin. Pero may balita ako sa 'yo, kilala kita, hindi mo kailangang matakot, o magtago, hindi naman kita minahal dahil sa hitsura mo. Minahal kita bilang ikaw, kaya nga pilit kitang kinilala. Hindi naman parang stalker, pinag-aralan ko lang ang bawat kilos mo, ang bawat salita mo inaral ko, kung kailan ka nagtatampo at nangangailangan ng kausap o kasandalan. Kung kailan ko dapat ibuka ang bibig ko, at kung kailangan na dapat lang tahimik ako.

Hindi kita kayang gamutin. Sarili mo ang gagamot sa 'yo. Pero puwede naman kitang samahang palitan o damputin ang mga piraso mo hanggang mabuo ka uli. Puwede ba? Isang tiyansa pa?

"Mahal kita. Kahit pa hindi mo 'ko trip kausapin kung minsan. Mahal kita, kahit inaaway mo 'ko madalas at makikipagbati sa 'kin na parang hindi mo 'ko nasigawan. Mahal na mahal kita, kahit hindi mo 'yon nasabi sa 'kin kahit minsan..." 

PAPER CUTS (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon