Chapter 1: Paper roses

46 6 2
                                    

Chapter 1

PAPER ROSES



Pagbaba ni Sydney nang sasakyan mula sa pagbubukas ng unipormadong driver ng pamilya nila ay nakasunod na kaagad nang tingin sa kanya ang mga kababaihan maging ang mga kalalakihan sa kanilang eskuwelahan. Nasa labi niya na ang isang palakaibigan na ngiti. Para siyang anghel sa hitsura. Maputi at makinis ang balat niya na kung titingnan sa bahagi ng likurang palad niya halos makita na ang ugat na tila ba kaynipis lang no'n. May kulay tsokolate siyang buhok na kapares ng mata niyang kulay light brown. Tumatayo siya sa taas na 5'6, slim ang pangangatawan-marami na ngang nagsasabi sa kanya na kung gugustuhin niyang maging 'babae' ang anyo ay hindi na siya mahihirapan dahil ang katawan at hubog niya ay pambabae. Nasabi 'yon sa kanya dahil lalaki lang ang hindi nakakatanggap ng rejection sa kanya pagdating sa confession. At sa kabila ng mala-anghel niyang hitsura, kabaligtaran naman no'n ang mga inner thoughts ng mga nakakakilala sa kanya.

Slut.

Bitch.

Horny.

Ilan lang 'yon sa mga inner thoughts ng mga tao sa kanya. Pero wala siyang pakialam kahit kaunti sa mga sinasabi ng mga 'to.

"Hi, Sydney." Malawak ang ngiti nang lalaking sumalubong kay Sydney sa pasilyo patungo sa unang subject niyang kuwarto.

"Hi, also." Nginitian niya 'to. Isa sa mga 'di pamilyar na lalaking lakas loob na humarap sa kanya.

Tsinito. Maganda ang pangangatawan. Maputi at mukhang mabango naman.

"Brent," lahad nito ng kamay.

Inabot niya ang palad dito at halos habulin nito 'yon nang saglit lang niyang idinikit ang palad dito. Napakamot na lang 'to sa ulo dahil nagmukha 'tong sabik na mapisil ang palad niya.

"Can I invite you?" Nasa ngiti nito ang playboy aura.

"Invite kaagad?" nginitian niya 'to nang ubod tamis.

Napansin ni Sydney ang pagtaas-baba ng adams apple nito na senyales nang kung ilang ulit na paglunok.

"I'll think of it, I need to do my assignment first." Hindi nawawala ang ngiti na aniya rito saka 'to nilagpasan.

"Hi, Sydney-"

"Hi, Laura." Nakangiting bati niya sa kaklase na very friendly, nakasalamin, kulutan at very charming even ang 5'1 na height nito ay bagay rito.

Pumasok siya sa loob ng klase at katulad ng madalas parang mga walang direksiyon ang upuan na inabutan niya.

"Is it Grade 12 or Grade 1?" Pabirong aniya.

Nagtinginan naman sa kanya ang mga kaklase sa ABM.

"Hey, Sydney, babe." Tumayo kaagad si Marc para akbayan siya. "Tingnan mo 'tong bagong scandal nang isa sa tropa natin na very proud." Inagaw ni Marc kay Israel ang cellphone at pinakita sa kanya.

"Oh, animalistic talaga si Lieb." Natatawang aniya ng makita ang scandal nito sa damuhan sa isang uniformed girl na hindi mula sa eskuwelahan nila.

Natawa ang umpukan ng lalaki na nasa walo ang bilang sa komento niya.

Hinarap siya ni Marc dito at ninakawan siya ng halik sa labi.

"Bakit siya lang ang may good morning kiss?" hinila siya ng nakaupo na si Reese kaya napaupo siya sa hita nito.

"Good morning, Reese." Nginitian niya 'to bago dinampian ng halik sa labi. Patayo na sana siya pero hinapit siya nito sa katawan at hinalikan sa leeg, "Can I have you for tonight?" bulong nito.

PAPER CUTS (BxB)Where stories live. Discover now