"Tayong dalawa lang sana. Kung okay lang sa'yo?" tanong ni Fourth.

Tumango ako.Nahihiya ako kasi dalawa lang kami. Pero okay lang naman talaga.

Umupo ako sa nakalatag na tela sa damuhan. Malapit sa maliit na puno. Ang puno ang nagsilbing harang sa tirik ng araw. Maaliwalas naman ang panahon at hindi kainitan...Sariwa ang hangin... At maraming bulaklak sa garden nina Fourth.

Aligaga si Fourth sa pag-aayos. Ngayon ko lang sya nakitang tensed.

"Coke, juice, Chuckie?" alok ni Fourth na hawak ang mga choices. Napabungisngis ako kay Fourth.

"Chuckie." Sagot ko. Binigay nya sa akin ang chuckie. At ibinalik sa maliit na cooler ang coke at zesto.

Pinagmamasdan ko si Fourth. Aligaga sya sa mga ginagawa nya.

"Anong gusto mo? Hotdog? Barbecue? Isaw?" tanong nito habang namimili ng mga iihawin.

"Kahit ano." Sagot ko.

Abala si Fourth sa pag-iihaw. Nilapitan ko sya.

"Tulungan kita." Sabi ko sa kanya.

"Hindi hindi. Umupo ka lang. ako bahala dito." Tinutulak nya ako pabalik sa may pwesto ko kanina.

Pinilit nya ako umupo

"Relax ka lang dyan" sabi ni Fourth na may ngiti sa kanyang labi.

Bago sya umalis sa tabi ko hinila ko ang kamay nya.

"Ikaw din. Relax ka lang."

napatitig kami sa isa't isa. Deretso sa mata ni Fourth. Napukaw nito ang atensyon ko. Parang balon, ang lalim. May lungkot sa mga mata nya. May kwentong di ko alam. Bakit ngayon ko lang ito napansin?

Bumalik ako sa ulirat ko at binitawan ang kamay nya.

"sorry."

Ngumiti sya sa akin.

Bumalik sya sa may grill station at nagsimulang mag-ihaw. Pinagmamasdan ko sya sa kanyang ginagawa. Passion nya talaga ang pagluluto. Masaya sya sa ginagawa nya. Parang ako lang kapag naggigitara at kapag kumakanta. Masaya. Kinuha ko ang gitara nya sa may damuhan. Kumanta ako habang hinihintay syang matapos. Nakikita ko na sumisilip sya sa akin. Minsan nagkakasabay pa kaming magtinginan. Nakakahiya nahuhuli nya akong tumitingin din sa kanya.

Pagkatapos nyang mag-ihaw lumapit agad sya sa akin at nilapag ang mga inihaw nya. Kumuha kami ng tig-isang barbecue. Habang kumakain nagkukwentuhan kami. Infairness. Okay yung ganitong bonding. Mas nakikilala ko sya.

Kumakain pa ako ng kinuha ni Fourth ang gitara sa akin. Nagstrums sya sa gitara. Ngumiti sya sa akin. Siguro nag-iisip ng pwedeng kantahin.
Nakarinig ulit ako ng matinis na tunog ng metal. Ang sakit sa ulo. Wala akong marinig ulit. Nakita ko si Fourth na kumakanta.

"Fourth. Wala akong marinig. Hindi kita marinig" sinabi ko sa kanya. Nangingiyak ako panigurado.

Napatigil sya. Binaba nya ang gitara. At lumapit sya sa akin. Nagpapanic sya.
Patayo sya ng hinila ko ang kamay nya. Umiling ako. Siguro isusugod nya ako sa ospital.

"Ok lang ako. Ok lang. please. Wag ka magpanic. Please."

Umupo sya ulit. Kinakausap nya ako. hindi ko naman sya marinig. Lumipat sya ng pwesto. Pumunta sya sa likod ko para yakapin ako. Ramdam ko ang simpatya nya sa pinagdadaanan ko.

"Kanta ka na ulit" Sabi ko sa kanya. Ang ironic na pinapakanta ko sya kahit hindi ko naman maririnig

"Please gusto ko kumanta ka."

Bumalik sya sa pwesto nya. Nakita ko na malungkot ang mata nya. Kinuha nya ang gitara at nagsimulang magstrum . Tumingin sya sa akin na malungkot ang mukha . Ngumiti ako sa kanya. Pinilit nyang ngumiti pabalik sa akin.

Kinuha nya ang kaliwang kamay ko at inilagay nya sa katawan ng gitara. Nagstrum ulit sya. Naramdaman ko ang timbre ng pagstrum nya. Tiningnan nya ako na parang may tanong sa kanyang mukha. Ngumiti ako sa kanya. Nakakatuwa kasi naramdam ko ang timbre ng pagstrum nya. Hindi ko narinig pero naramdaman ko.

Alam ko na may malaking ngiti sa aking labi. Tumango ako sa kanya senyales na ipagpatuloy nya. Nakita ko na kumakanta sya at nararamdaman ko sa timbre ng gitara. Pumikit ako. nakakatuwa.

Para akong nakikinig ng musika sa ibang paraan.

Ramdam ko na kinakantahan ako ni Fourth.

Bawat vibrate ng gitara na nararamdaman ko sa kamay ko ay para bang dumadaloy sa mga ugat ko papunta sa iba't ibang bahagi ng katawan ko. Na para bang ang musika ay nanalaytay sa buong sistema ko.

Doon ko narealize na kahit hindi ko naririnig ay kumukonekta pa rin ang musika sa akin.

I'll never go far away from you
Even the sky will tell you
That I need you so
For this is all I know
I'll never go far away from you.

Naririnig ko na si Fourth. Dahan dahan kong dinilat ang aking mata.

Ngumiti ako sa kanya at napatigil sya sa pagkanta.

"Naririnig mo na ako?"

Tumango ako .

******

Into The BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon