Chapter 25

1K 44 9
                                    


Usual morning.
Pagkagising ko. Cellphone agad ang kinapa ko sa aking kama. Chineck kung may text ako. Hindi ba, tuwing umaga ay may inaabangan tayong text? Yung text na galing sa mga taong inaasahan natin na magpapaganda sa umaga natin. Tama ba? O kaya ay itetext yung taong unang pumasok sa isip natin.

Napangiti ako.

Good morning Mars! I love you. I love you. I love you. Enjoy your day. Magmamalling kami ng mga kaklase ko. Ikaw? Ano lakad mo?
Text from Loisa.

Good Morning beautiful.
Text from Fourth.

Good morning Lois! I love you too! Ingat ikaw! Kakainggit, ako walang lakad. Kulong muna sa bahay. Walang pera. Haha!
Text ko kay Loisa.

Nag good morning din ako kay Fourth.

Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko, may nakaharang sa daanan. Isang malaking puting box na may pink ribbon.

For you.

Nakasulat sa kahon. Binuhat ko ito ng dalawang kamay. Magaan. Inalog ko ito. Parang wala namang laman.

Prank ba ito?

Hinila ko ang ribbon. At binuksan ang kahon.

Lumipad ang isang blue na lobo.

Sa dulo ng tali may nakarolyong papel.

Kinuha ko ang lobo at inalis sa pagkatali ang papel.

Will you go out with me? - Fourth

Fourth!

Dali dali akong bumaba baka nandoon si Fourth.

Nakita ko sya sa dining kasama ni papa.

Nagtatawanan.

"Anak, gising ka na pala." Bati ni papa sa akin.

Ngumiti si Fourth sa akin.

Hala! Di pa ako nakakamumog o nakakasuklay. Tumakbo ako sa may banyo.

Nakita kong sinundan ako ni Fourth ng tingin. Nakakahiya!!

Nakakainis. Nakita ni Fourth yong itsura kong gulo-gulo ang buhok. May muta muta pa. Paano!?

*****

Paglabas ko ng CR lumapit ako kina papa.

"Kain na, 'nak. May dalang empanada si Fourth. Gawa daw nya."

Ngumiti ako kay Fourth."Thank you." Sabi ko sa kanya.

Tumango sya sa akin ng may ngiti.

Umupo ako sa tabi ni Papa at nag-almusal. May future talaga itong si Fourth sa pagluluto. Ang sarap ng empanadang gawa nya.
Nagkukwentuhan sila tungkol sa basketball. Tapos napunta sa boxing tapos kotse. Hindi ako makarelate. Boys!

"Anak, pinagpaalam ka na ni Fourth sa akin." Sabi ni Papa. "pero usapan natin, 6pm dapat nasa bahay na si Maris." Paalala ni Papa kay Fourth.

"Opo tito." Sagot ni Fourth.

*****

Dinala ako ni Fourth sa bahay nila. Magchichill lang naman daw kami. Magkukwentuhan. Magbabarbecue. Jamming. Todo explain si Fourth sa akin habang nasa byahe. Kinakabahan ata sya. Ang cute nya.

Sa labas ng bahay nila may maliit na garden. Nandun si Sir Daniel. Grabe! Ang gwapo!! Inaayos nya ang pang-grill. S'ya din naghanda ng mga pagkain. Sya yata nag-ayos ng lahat.

"Hi maris! Enjoy enjoy!" bati ni Sir Daniel sa akin.

Ngumiti ako sa kanya. At lumakad na ito papalayo. Nilingon ko si Sir Daniel.

Into The BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon