Chapter 2

2K 48 11
                                    

Pumunta ako sa rehearsal ng mga magpeperform para sa graduation. Halos prepared na ang lahat. Nakakatuwa dahil sobrang pinaghahandaan ang graduation.

"Maris, halika dito. Nang makapagstart na tayo magpractice" wika ni Sir Daniel.

Hay grabe ang ngiti nya talaga bakit ganoon? Nakakatulala talaga.

"Uhmm sir Daniel. Ano po kasi. Pwede po ba kitang makausap muna?" Nanginginig kong sinabi kay Sir.

"Dont tell me? Magbaback out ka?" Nawala ang smile ni sir Daniel.

Grabe parang dinudurog din yung puso ko. Napatigil din ang ibang estudyante habang nagpreprepare.

"Uhmmm" napayuko na lang ako "sorry po" sagot ko.

"Sige usap muna tayo. Manolo ikaw muna bahala dito"

"Yes Sir"

Lumabas kami ni Sir Daniel sa auditorium. Grabe yung kaba ko. Tug tug tug tug. Naririnig ko yung tibok ng puso ko. Kinakabahan talaga ako.

Si sir Daniel ang Nagsimula ng aming pag uusap.

"Anong problema maris?"

"Ano po kasi sir...."

Hinihintay ni sir Daniel ang sagot ko.

Ang tahimik sa labas ng auditorium. Ang tanging naririnig ko ay yung tibok ng puso ko. Ang seryoso ng mukha ni sir. Di ko mapinta. Hay.

"Kasi po di ko yata kakayanin." Sagot ko.

"Bakit mo naman naisip yan?"

"Hindi ko pa po natatry na kumanta sa harap ng madaming tao. Baka po mahimatay ako sa nerbyos. Mapahiya. Di ko po alam"

"Maris, trust yourself. And wag puro negative ang naiisip mo" sagot ni sir daniel sa akin "Ito na din yung chance mo na maipakita sa iba yung talent mo."

"Sir, di naman po ako magaling. Si Loisa po mas deserving po na kumanta sa akin sa Graduation. Kayang kaya nya po magsolo" sagot ko kay sir daniel.

"Maris, i hope someday makita mo na yang talent mo dapat ibinabahagi mo sa ibang tao. Na deserve mo din mapakinggan ka kumanta. Na kung si Loisa pwedeng magsolo. si Maris din kayang kaya din. Pag isipan mo mabuti" ngiti ni sir daniel.

"Sir, sorry po talaga" nakatungo lang ako

"Okay i understand. Kakausapin ko nalang si Loisa para sya kumanta sa graduation"

At tumango ako.

Grabe yung feeling na alam mo yun ang tama pero ang bigat sa loob mo. Gnun ang naramdaman ko ng nagbackout ako.. Gusto kong bawiin at sabihin kay sir na ako nalang ulit.

Pero nakausap na ni sir Daniel si Loisa.

At tuwang tuwa si Loisa. Masaya na din ako para sa kanya..

*****

Tatlong araw nalang graduation na. Yung graduation feels grabe talaga. Gusto ko na matapos graduation para kasing torture yung nagbibilang ka ng araw na mahihiwalay ka sa mga kaklase mo.

Nasa rehearsal ako, pero hindi para magrehearse kundi para hintayin si Loisa. Ang galing kumanta ni Loisa. Nakakaelibs sya. Good choice talaga si Loisa na kumanta ng graduation song..

"Dapat ikaw yan eh" biglang sulpot ng isang lalaki sa likod ko.

"Mas magaling ka naman kay Loisa. Dapat ikaw nalang" dagdag pa nito.

"Hindi ah. Ang galing kaya ni Loisa" kontra ko sa opinyon nya.

"Ok sige. Para sa akin mas magaling ka kay Loisa" may pagkindat pa itong nalalaman.

Into The BlueWhere stories live. Discover now