Chapter 6

1.6K 40 11
                                    

Ang cool kausap ni Fourth, feeling ko parang si Sir Daniel lang kausap ko. hindi naman sila pareho ni Sir Daniel, pero basta ang gaan ng feeling ko. Parang ang tagal ko na syang kakilala. Medyo hindi ko namalayan na matagal na pala kaming nagkukwentuhan sa cafeteria. Naalala ko bigla si Loisa at tiningnan ko ang phone ko.

"Naku! Kailangan ko ng bumalik" nagmamadali akong tumayo.

"Hatid na kita." Offer ni Fourth sa akin.

"Fourth" tawag ng isang lalaki sa kanya habang papalapit sa table namin.

"Hindi na. okay lang! salamat ulit. Pasensya na." at dali dali akong umalis ng cafeteria.

********

Tumakbo ako papunta may park kung saan alam ko naghihintay sa akin si Loisa. Nakita ko agad ang nakabusangot na mukha ni Loisa.

"Loisa, Sorry! Sorry!"

"Saan ka ba nagpunta Maris? Bilin ko dito mo ko hintayin after class mo" mataas ang tono ng boses ni Loisa

"Nagtext ako sayo, sabi ko ..." naantala ang pagsasalita ko dahil sa pagsingit ni Loisa.

"Ang tagal mo naman sa cafeteria. Di mo man lang ako hinintay."

"Niyaya lang naman ako ni... "

"Ngayon may kasama ka pa? Ano ba naman yan Maris" naiirita nitong sinabi. "Sino yang kasama mo? Kilala mo ba yan? Kilala ko ba yan?" sunod sunod nitong tanong.

"Lois, chill lang. si Fourth yun, pinsan ni Sir Daniel. Yung kausap nya nung graduation"

"Kilala mo ba sya Maris? Anong proof nya na pinsan sya ni Sir Daniel? Sinabi lang sayo?"

Hindi na ako nakasagot dahil tama naman sya. Wala akong proof na pinsan sya ni Sir Daniel.

"Ang init naman ng ulo nito." Sabay yakap ko kay Loisa. "Sorry na Loisa. Please?" dagdag ko pa.

"Ewan ko sayo Maris"

Mainit pa rin ang ulo ni Loisa pero ramdam ko na kumakalma na sya.

"Hindi na mauulit. Sorry na ha?" sabay pagpapakita ng puppy eyes para sa paglalambing ko kay Loisa. Inalis ni Loisa ang pagkayakap ko sa kanya.

"Wag mo na uulitin ha? Promise?" sabi ni Loisa sa kalmadong boses.

"Promise!" sabay taas ng kanang kamay para manumpa. Niyakap ako ni Loisa.

"Good, ayaw ko maulit sayo yung nagyari sa atin dati" Nung una ay hindi ko naintindihan ang ibig sabihin ni Loisa.

"Lois, hindi ako yun.. si Lor.." napahinto ako.." tsaka matagal na yun. Okay?" sagot ko kay Loisa.

******

*Insert Safe and Sound Chorus here http://youtu.be/5K4PGpXsOAI?t=43s

Malalim na ang gabi ng biglang tumabi sa akin si Loisa sa kama at niyakap ako ng mahigpit. Nagising ako sa pagkayakap ni Loisa. Niyakap ko sya pabalik at hinimas ang likod nya.

"Nandito lang ako Lois" sambit ko kay Loisa. Ramdam ko ang mahinang pagiyak ni Loisa. At mas humigpit pa ang yakap nito saakin

"Loren, dito ka lang. wag kang aalis sa tabi ni ate" mahina nitong sinabi. Tumulo ang luha ko. Napanaginipan na naman ni Loisa ang kapatid nyang si Loren.

"Shhh. Nandito lang ako"

** ** **

Maaga akong nagising. At hinayaan ko munang matulog si Loisa sa kama ko. pagkababa ko nakita ko si mommy na nagluluto ng agahan.

Into The BlueWhere stories live. Discover now