Chapter 4

1.8K 47 3
                                    

Graduation day.

Umaga na. pero ramdam ko na hindi ako nakatulog. Ang bigat ng pakiramdam ko. nagflaflashback ang nangyari kagabi. Nakakatamad bumangon.

"Hoy Maris gising!" sabay hampas ng unan saakin ni Loisa.

Pero hindi pa rin ako bumangon. Inagaw ko lang ang unan kay Loisa at pinantakip sa mukha ko.

"Bangon na Maris" habang niyakap ako ni Loisa.

Bumangon na ako. Umupo. At sabay yakap kay Loisa. Nagulat si Loisa. Ang higpit ng yakap ko sa kanya.

"Kaya mo yan, nandito ako para sayo, kaya natin to. Okay?" sambit nito. At niyakap din ako ng mahigpit ni Loisa.

Gumaan yung pakiramdam ko sa pagyakap ni Loisa, para bang nakihati sya sa sakit na nararamdaman ko. Ni hindi ko na kailangan ikwento kung ano nangyari. Alam ni Loisa paano ako icocomfort. Hindi ko alam gagawin ko kung wala si Loisa sa tabi ko.

******

Si Loisa ang nag-ayos sa akin para sa graduation. Ang galing, ni hindi nahalata ang namumugto kong mata. Pati ang pagkaayos sa buhok ko tulad sa magazine na pinakita ni Loisa sa akin. Messy ang pagkabraid nya tapos low bun. Ang cute. Pinaghirapan nya ayusin ang buhok ko. pati make up ang light na parang naggloglow. Ang ganda.

"Naku anak, hindi na kita nakilala ah" biro ni mama. "Ang galing ni ate Loisa mag-ayos" dagdag pa nito.

Parang kinikilig na niyakap ni Loisa si Mama. "Syempre naman po mama" sagot nito.

"Plantsahin ko na buhok mo" tumayo ako at pinaupo si Loisa sa harap ng salamin para sya naman ang aayusan ko. habang pinaplantsa ko ang buhok nya ay nagsisimula na sya magmake up sa sarili nya.

Habang hinihintay namin ang parents ni Loisa sa bahay. Nagjamming session nalang muna kami ni Loisa sa kwarto.

"Paano, yung pinag usapan natin ah" wika ni Loisa. "Walang urungan" ngisi nito.

"Grabe, nakakakaba naman kasi yun. Pero dapat mauna ka!" sagot ko dito

"Bakit ako?"

"Eh kasi... ikaw ate!"

"Okay, okay! Deal!" sagot ni Loisa. Sabay abot ng isang maliit na box ng chocolates saakin.

******

Nakarating na kami sa school. Ang daming tao. Punong puno ng positive vibes ang paligid. Halos lahat ay nagpipicture taking at kanya kanyang pakilala sa mga magulang. Maya maya ay magsisimula na din ang pagmartsa. Palingon lingon si Loisa. Halatang may hinahanap.

"Mommy, Mama. Alis muna kami ni Maris" at hinila na nga ako ni Loisa para mag ikot sa school.

· (inset "Isang Sulyap by 143" here! haha)

Halos ikutin na namin ang buong school ng biglang huminto si Loisa

"Wait lang! wag nalang." Sabi ni Loisa.

"Ha? Sabi mo sa akin walang atrasan"

Napansin ko na may apat na lalaking parating sa amin. Nangunguna dito ang isang lalaking malakas ang dating. Matangkad, may kaputian, gwapo at sobrang lakas talaga ng aura. Ngumiti sila sa amin ng pagdaan nila.

"JOSHUA!" tawag ko sa "leader" ng grupo Huminto sila sa paglalakad at lumingon sa amin.

"Happy graduation" sabay ngiti. Susko po ang kapal ng pagmumukha ko, hindi naman nya ako kilala. Feeling close ako. Ramdam ko ang pagkahiya ni Loisa na nagtatago na sa likod ko at para bang gusto na akong hatakin patakbo.

Into The BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon