Chapter 10

1.5K 53 13
                                    


Nagdala ng pick-up si Inigo para sa roadtrip namin. Sya ang nagdradrive tapos si Fourth sa passenger seat at ako naman ang nasa likod.
Habang biyahe, nagkakantahan kaming tatlo. Nagseselfie sa phone ni Fourth. Nagtatawanan.

Grabe! Ang saya saya!
First time ko maexperience yung ganito. Sayang wala si Loisa. May iba na din kasi syang lakad.

Nakarating kami sa Tagaytay bago mag alas-tres ng hapon.

Ang cool. Deretso kami sa isang picnic area kung saan ipinarada ni Inigo ang sasakyan.

Ang ganda ng view!!! Over-looking sa may Taal Volcano. Ang perfect, parang painting...

Naglatag si Inigo at Fourth ng tela sa likod ng pick up para dun kami tumambay. Madami din dalang groceries si Inigo.

Ang cute! Picnic na picnic ang dating. Puro jamming ang ginawa namin. Madalas pinaggigitara ako ni Inigo. si Fourth naman nagdrudrums kuno, gamit ang dalawang bote ng C2 at si Inigo ang kumakanta.

"Bili lang ako ng makakain natin" paalam ni Fourth sa amin.

"Bro, di ka pa nakuntento sa mga nandito?" bungisngis ni Inigo.

"Sira! Totoong pagkain, hindi chichirya"pagtawa at bato ni Fourth ng bote ng C2 kay Inigo.

*****

(If I Lose Myself by One Republic)

Pagka-alis ni Fourth,nahiga si Inigo at pumikit. Medyo awkward ang biglang pagtahimik. Kaya naggitara na lang ako. Umupo ulit si Inigo at kumuha ng Kitkat sa may plastic bag.

"Gusto mo?" alok nito sa akin ng kalahati ng kitkat na kinuha nya.

Tinanggap ko ito at kinain.

"Wala ka bang itatanong?" wika ni Inigo habang ngumunguya.

Nagulat ako sa tanong nya at dahang-dahang umiling.

"Ang cute mo!" ngiti nito at binigyan ako ng mahinang pisil sa aking kanang pisnge.

Siguro nagtataka sya bakit hindi ako nagtatanong tungkol kay Maui. Eh, hindi naman kasi ako ganoong klase ng tao. Nakakahiyang makitsismis lalo na sa personal na bagay.

"Maris, gusto ko ng sumabog" malungkot ang ngiti ni Inigo.

Hindi ko alam kung ano ang irereact kay Inigo. hindi naman kami close eh. At lalong lalo na hindi ko alam paano icomfort ang isang lalaki.

Siguro ang sakit sakit na talaga ng nararamdaman nya. Para sabihin sa isang taong bagong kilala lang nya ang ganoon.
"Isigaw mo. Baka gumaan pakiramdam mo." Mahina kong binigkas na may maliit na ngiti sa aking labi.

Tumayo si Inigo at tumalon pababa ng pick up. Inabot nya ang kamay nya. Sensyas na niyayaya nya din akong bumaba. Inabot ko ang kamay ko at tinulungan nya akong bumaba ng pick up.
Lumapit kami sa may bangin.

"Aaaaaahhhhhhhhhhhhhhhh" mahinang sigaw ni Inigo. pagkatapos nito sumigaw ay huminga sya ng malalim.

Tumingin sya sa akin, parang nahiya sa ginawa.

Nangungusap ang kanyang mga mata.

"Okay na?" tanong ko sa kanya.

Umiling si Inigo. pinipigilan nyang lumuha.

"Isigaw mo. Walang makikinig sa'yo" tumalikod ako at tinakpan ang aking tenga.

"AAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH"

Sumigaw ulit si Inigo. mas malakas mas matagal.

Nakita ko si Fourth, tumatakbong palapit sa amin. Sinalubong ko sya at hinarang. Tiningnan ang kanyang mga mata. Alam ko mauunawaan nya ang gusto kong ipahiwatig.

"Salamat" sambit ni Inigo.

Nilingon ko sya at nakita kong may ngiti na sa kanyang mga labi.

Tumango ako. Lumapit si Fourth sa kanya at niyakap si Inigo.

"Good! Isigaw pa natin yan!" bungisngis ni Fourth, pagkatapos ay hinila nila ako at inakbayan nilang dalawa at sabay silang sumigaw.

Nagtakip ako ng tenga. Kiniliti nila akong dalawa.

"Sigaw!!" biro ng dalawa.

Sabay sabay kaming sumigaw.

"AAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH"

At kinulong nila akong dalawa sa kanilang mga bisig.
Pagkatapos nila akong yakapin ay nagyaya si Fourth kumain.

Habang naglalakad pabalik sa sasakyan lumabo ang aking pandinig. Wala akong marinig kundi ang matinis na tunog ng metal...tulad noong kausap ko si Sir Daniel noong graduation day. Pinisil ko ang aking mga tenga. Nakikita ko si Fourth na nagsasalita at sumesenyas. Pero hindi ko sya marinig.
Lumapit ito sa akin bigla.
Hinawakan nya ang balikat ko at nagsasalita sya pero hindi ko marinig, ano ba sinasabi ni Fourth?
Nakikita ko ang pag-aalala nya sa kanyang mukha.

"Okay ka lang? Maris? Okay ka lang?" tanong ni Fourth, bumalik na ang aking pandinig.

Lumapit na din si Inigo sa akin.

"Okay ka lang Maris?"

Mabilis akong tumango sa kanilang dalawa.

"Grabe! Nabingi na ata ako sa lakas ng sigaw nyong dalawa." Sabay tawa ko sa kanilang dalawa.

"Loko ka ah!" sabay akbay at pektos ni Inigo sa aking bunbunan.

At nagtawanan kaming bumalik sa kotse.

*****

Isang linggo na ang nakalipas nang nagTagaytay kami nina Fourth. Ang dami ko pa ring katangungan sa isip ko tungkol sa pinagdadaanan ni Inigo. Pero carry lang, di ako nag- uusisa.

"Maris, sunduin kita. May naghahanap sa'yo" text ni Fourth sa akin.

Naghahanap? Sino? Si Inigo? si Maui?

"Okay." Reply ko kay Fourth.

Makalipas ang kalahating oras narinig ko ang busina ng sasakyan. Pagsilip ko ay si Fourth nga.

"Mommy, Lois. Alis lang ako saglit" sabay halik sa mga ito.

Mabilis akong lumabas ng bahay. Sasakay sana ako sa passenger seat ng biglang bumukas ang bintana nito.

"Hi Maris." Bati ng isang lalaki. Natulala ako sa nakita ko. ang ngiting yun. Ang dimples. Ang boses. Juice colored! Gusto kong mahimatay!

"Huy, sakay na!" paggising ni Fourth sa pagkatulala ko.

Susko! Namamanhid ang katawan ko.

"Sir Daniel. Kamusta po?"

Tumango lang ito.

"Sakay na" sabay senyas sa back seat.

At sumakay na ako sa kotse.

*****

Into The BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon