Chapter 3

25 1 0
                                    

"Nothing is sweeter than new beginnings. But just when I thought I was sailing the calm waters, it turns out I was heading to a storm."

---

Noong bata pa ako, laging sinasabi sa akin ni mommy na ang mga importanteng bagay raw na nawala sa atin ay kusang babalik sa takdang panahon.

Kailangan ko lang raw maghintay.

Ito ang laging sinasabi niya sa akin sa tuwing hindi ko mahanap ang mga laruan ko.

Ito rin ang sinabi niya sa akin nang iwan kami ni daddy at sumama sa isang babaeng amerikanang katulad niya.

Ngunit Jero, bakit ka pa ba bumalik? Ibig ba nitong sabihin mahalaga ka pa rin ba sa akin?

Ito na ba ang takdang panahon na iyon?

Ito na ba ang kapalit nang pagpaparaya ko sa iyo noon?

Sinundan ko siya nang tingin: mula sa pagkakatayo niya sa pintuan, sa paglakad niya papunta sa likuran, at sa pagtabi niya sa akin nang upuan.

Tumangkad man siya, lumaki man ang katawan niya, humaba man nang konti ang buhok niya, his grace and his welcoming presence did not change.

Siya pa rin si Jero.

Ang Jero na nagligtas sa akin. Ang Jero na naging kauna-unahan kong kaibigan. Ang Jero na ipinaubaya ko kay Ali.

Tumingin siya sa akin at nagsmile.

"Hey Alex! What's up? Long-time-no-see," sabi niya.

Oo nga pala. Nasa English class kami ngayon ni Sir Arvin at bawal magsalita nang ibang lengwahe o dialekto.

I forced myself to return a smile. Hindi pa rin mawala sa isipan ko na ipinagpalit niya ako kay Ali.

Kaya rineorient ko agad ang sarili ko.

Ako si Alexis Faye Martinez.

19 years old.

Single but not available until further notice.

I'm taking BS Bio and I'm going to top this course.

I'm here to study and to top and to free myself from Ali's shadow.

And Jerome Garcia was not part of that list.

"So to avoid unecessary hassle, get acquainted with your seatmate because he/she will be your subject buddy for the whole semester," nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Sir Arvin.

Sa totoo lang Sir, nananadya ka ba?!

"That's all for today," sabi ni Sir saka kinuha ang laptop bag niya at umalis nang walang lingon-lingon.

My God.

Ang galing naman. Kung kailan akala ko new beginning na...

"Hi Alex. Kumusta na? You look..." natigilan siya na parang naghahanap nang tamang word na sasabihin. "You look like you're not happy to see me," pagpapatuloy niya.

Halata ba masyado?

"Hi Jero," bati ko sa kanya, injecting enthusiasm in my voice.

Looks like kailangan ko talagang makisama sa kanya. We'll be subject buddies for a semester for goodness' sake!

"Bakit ka na-late?"

"Naglakad lang kasi ako," sagot niya sa'kin. Oh. Okay.

Tumalikod na ako sa kanya at inayos ang mga gamit ko. Ibinalik ko na ang notebook ko na hindi naman ginamit at kinuha ang atensiyon ni Krys.

Siya lang ang maaasahan kong magliligtas sa akin sa sitwasyong ito.

"Krys gutom na ako. Tara kain muna tayo," sabi ko sa kanya.

"Okay wait lang. Retouch muna ako," at kinuha na niya ang make-up kit niya at nagsimula nang nagretouch.

Habang hinihintay kong matapos magretouch si Krys, kinuha ko ang cell phone ko at nagsend nang text message kay Ali.

Classmate ko si Jero. Punta ka na lang dito kung gusto mo.

"Kakain ba kayo? Sama ko ah. 'Di pa ko nagbebreakfast eh," sabat ni Jero. Ano ba naman yan. Bakit ba ang manhid manhid niya?!

"Hindi pwede may iba pa kaming pupuntahan ni Krys," tugon ko sa kanya at saka ko hinila si Krys palabas nang room.

Nang makalabas na kami ni Krys, sumunod pa rin sa amin si Jero.

"Ano ka ba Jero. Bakla ka ba?" I snapped at him. Nakakairita ang pagkamanhid niya.

Kumunot-noo siya, "Bakit naman?"

"Dikit ka kasi nang dikit sa mga babae!" sabi ko sa kanya.

"Gano'n ba yo'n?" pagtataka niya. Tumalikod na siya at akmang babalik sa classroom.

"Huwag kang susunod ah?" pahabol ko sa kanya at saka ako naglakad papunta sa cafeteria.

"Ano ba 'yon?" tanong ni Krys sa akin. Oo nga pala. Napakaweird siguro nang inakto ko kanina.

"Sorry hindi ko lang siya trip makasama. Kababata ko," inunahan ko na siya nang makita ko ang isinasuggest nang facial expression niya.

Pagdating namin nang cafeteria, nakita kong napakarami nang lalaking nakatambay sa labas. Nakatingin silang lahat sa loob nang cafeteria.

"Ano'ng meron?"

Sinundan ko ang tingin nang mga lalaki. Tama ang kutob ko.

Si Ali.

"Wala. Nakakita lang sila nang magandang chicks," sabi ko kay Krys.

Umorder si Krys nang lasagna habang ako naman ay bumili nang turon. Healthy food. Pero sa totoo lang, ito lang talaga ang kaya nang budget ko.

Magsisimula na sana akonh kumain nang umupo si Jero sa tabi ko, may hawak na isang malakinh tray nang pagkain.

"Ano ba problema mo? Linta ka ba?" bigla kong naitanong sa kanya bunga nang pagkairita.

"Huh?"

"Ubos mo ba yan lahat?" tanong naman ni Krys kay Jero.

"Nope. Hindi ito sa'kin lahat," sagot ni Jero.

Kumunot-noo si Krys. "Kanino?" tanong niya.

Pero mukhang alam ko na. At tama nga ako. Ilang segundo lang, may umupo sa tabi ni Krys.

Ngumiti ang newcomer sa'kin.

"Hi sis! How's the first period?"

AUTHOR'S NOTE:

Another chapter po. Thank you for reading! Share your comments and suggestions! :)

Miss MatchmakerHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin