Chapter 43: Surprises

Magsimula sa umpisa
                                    

Kinuha ko naman na yung bag ko at saka binuhat ang natutulog pa ring anak ko. Paglabas ko ng office ay nagpaalam sa akin si Jenna. Habang papunta naman sa elevator ay binabati ako ng ibang mga empleyado at napapatingin ngayon sa anak kong natutulog.

Nang makarating naman ako sa may elevator ay nakita ko si ate Valerie na hinihintay rin ang pagtaas ng elevator. Napataas kilay naman siya nang tumingin sa akin at kay Kaylee pero di na nagsalita pa.

Pumasok naman kaming pareho sa elevator at may dalawa ring empleyado na sumabay sa amin. Sobrang tahimik naming dalawa ni ate Valerie kaya rinig na rinig namin ang pinag-uusapan ng dalawang kasabay namin kahit nagbubulungan sila.

“Sino yung batang buhat ni ma’am Violet? Anak niya?”

 

“Oo, di mo pa ba alam?”

 

“Talaga? Grabe. Di naman kasi halatang may anak si ma’am. Ang sexy kaya niya.”

 

“Di ba?”

 

“Pero sinong ama naman nung bata? May asawa ba si ma’am Violet?”

 

“Oo. Yung kilalang billionaire businessman at may-ari ng DL Group of Companies.”

 

“What? Si Kyle Dale Anderson? Yung kapatid ni sir Kevin?”

 

“Oo.”

 

“Talaga? Nakita ko na siya minsan sa isang magazine. Grabe, ang gwapo-gwapo niya. Ang swerte naman ni ma’am Violet. Siya pala ang asawa nung hot guy na yun? Infairness, bagay sila ha.”

 

“Oo nga e.”

 

“You two, would you shut up? Wag kayo dito mag chismisan.”, biglang sita naman ni ate Valerie dun sa dalawa kaya naman natahimik sila

Napangiti naman ako dahil sa sinabi nung dalawa kanina. Napatingin naman ako kay ate Valerie at inirapan niya lang ako. Di ko na lang pinatulan pa. Pagbaba namin sa ground floor ay agad akong dumiretso sa kotseng naghihintay sa akin.

Habang bumabyahe naman ay tinawagan ko si Kyle.

(“Hey baby.”), bungad naman niya agad sa akin

“Hey. I’m on my home. Kaylee’s with me and she’s asleep. Susunod na lang ako mamaya sa bar.”, sabi ko naman sa kanya

It’s Celine’s birthday toay at gaganapin yun sa isang club.

(“Okay, I’ll just see you there then. Kiss my princess for me. I love you.”)

 

The Billionaire's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon