Ika-sampung Kabanata

Start from the beginning
                                    

"Puñeta naman, oh." Napasabunot ako sa sarili ko. "Mahal kita Vin, eh. Mahal na mahal kita..." Bulong ko. Hindi ko alam kung narinig niya pero may sinabi siya -- na hindi ko kayang tanggapin.

"Tama na, Jana. 'Di naman kita mahal. Naawa lang naman ako sa'yo." Sabi niya bago pumasok sa room niya. Napaupo ako sa sahig at napasabunot sa sarili ko. Mukha akong kinawawang bata. Wala akong pake sa itsura ko pero putangina naman, bakit gano'n? Nakakaawa lang pala ako. Lahat pala ng ginawa niya sa'kin ay dahil lang sa tanginang awa?!

Naluha ako dahil naalala ko ang pangyayaring iyon. Matapos ko siyang iblock sa messenger ay kinompronta ko siya nang sabay kaming lumabas ng classroom para mag cr sana. Napaiyak kasi ako nang makita siya. Hindi kami magkaklase kaya ang labong mag-usap kami. Kapag kasi nilalapitan ko siya ay agad siyang aalis. Hindi ko makalimutan ang sinabi niya no'n at paulit-ulit iyon sa utak ko hanggang sa magtapos kami ng grade 12. Naalala ko uli tuloy. Gusto ko siyang tanggalin sa utak ko dahil wala naman na iyon, 'diba? Nakaraan na 'yun eh. Tapos na 'yun, eh.

Pinunasan ko ang luha ko. Kinuha ko na lang ang cellphone kong nasa bag na nakalapag sa sahig para libangin ang sarili ko. Bago pa ang iilang memorya sa utak ko dahil ngayong taon lang din naman iyon nangyari. Ang bilis pala talaga ng panahon.

Kumunot ang noo ko nang makita ko ang pangalan ni Andrea sa screen na tumatawag. Agad kong sinagot iyon.

"Jana?"

"Bakit?"

"Is Vin with you?"

"Huh? Oo, bakit?"

"Uh.. Tita's asking eh. I know naman na nagpaalam siya kasi I was at your party last night. I don't know why she's asking now.."

"Hala, kailangan niya na bang umuwi? Pauuwiin ko siya.."

"No! I will tell her na lang. Baka she missed something lang."

"Sure ka ba diyan?"

"Yes naman! Take care of Adam, ha. Bye!"

Binaba niya na iyong tawag pero ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko. Kinabahan ako bigla dahil sa mama ni Vin. Alam kong hindi siya strikto pagdating sa mga ganito pero hindi ko alam bakit sumama bigla ang pakiramdam ko. Sinabi naman ni Vin, eh. Tinanong ko siya kagabi. Naalala ko rin namang sabi niya ay basta magpaalam okay lang sa nanay niya. Sana nga, dahil ako ang kinakabahan.

"Jana?" Napalingon ako sa kanya nang tawagin niya ako. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko kaya lumapit ako lalo sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko dahil nagtaka ako bigla sa inaksyon niya.

"Anong oras na?"

"10:30 pa lang." Ani ko nang tignan ang oras sa phone ko.

"Okay." Pumikit uli siya. Kumunot ang noo ko dahil ang random naman. Gusto ko sanang tanungin kung alam ba ng mama niya kung hanggang anong oras siya rito pero mukhang nakatulog na naman siya ulit. Bumuntong hininga ako at inayos ang bimpo sa noo niya. Sana naman ay walang mangyaring masama. Wala naman siguro. Nagooverthink lang na naman ako.

Ngumuso ako at kinuha ang phone ko. Ang hirap dahil isang kamay lang ang gamit ko. Masyadong mahigpit ang hawak ni Vin sa kamay ko at nahihiya akong alisin iyon kaya 'wag na lang siguro. Nagscroll na lang ako sa facebook nang may biglang magnotif sa messenger.

Nanlaki ang mata ko dahil naalala kong may kailangan pa akong tapusin na project. Shit, ang bobo! Chill lang ako rito tapos may kailangan pa pala akong gawin. Matatapos ko naman siguro iyon mamaya, sana. Mamayang 3 ay uuwi na ako para magawa ko iyon.

The Brightest Shooting Star (Athánati series #2)Where stories live. Discover now