10

1K 22 1
                                    

Cereals. Check. Gummy worms. Check. Chuckie. Double check. I looked at the contents of my grocery cart and was finally satisfied. andito na lahat ng kailangan ko.

“ Dude sure ka bang yan ang kailangan mo sa bahay mo? I mean, where’s your toothpaste? Detergent soap? Any meat for cooking? Beer pare. Asan yung beer?”

“ Ha?” pagtataka ko.

“ Ah. Oo nga.” sabi ko saka naglakad.

“ Ayan eh kung gan-- Putangina bakit yan?!” he asked pointing at the box of zesto that I was holding.

“ Recess ba natin mamaya?”

“ Gago.” sabi ko.

“ Matutulog kasi bukas sa condo si Liam. I want to stock up on food and drinks for him para in case magutom siya may snacks siyang mahahanap.”

“ Tangina seryoso ka dyan?” tanong niya at tinignan lahat ng laman ng cart ko.

“ Zesto… Koko Krunch… Chuckie… Chicken Nuggets… tangina naman dude. Recess nga to!”

“ Wag ka nga makielam sa gusto ko bilin bakit ba ang Epal mo ha?!.” sabi ko saka na tinulak ang cart papunta sa aisle ng mga canned food.

“ Oh ayan. Pumili ka ng kakainin mo.”

“ Bwiset ka sarap mo sapakin mga 100.” sabi niya habang kumukuha ng sisig, corned beef and tuna.

“ Kingina mo. Sabi mo maggogrocery ka! And all along kala ko para sayo!”

“ I’m doing my grocery shopping for Liam kasi. As far as I remember wala akong sinabing para sa akin to. Sino ba nagsabi sayong para sakin ha?” sabi ko sa kanya.

“ Aba eh wala ka naman sinabi. Sabi mo lang kanina samahan kita. And I expect na bibili ka ng mga kailangan ng matatandang gaya mo. Hindi ng bata no.” aniya sabay hablot dun sa isang bote ng Jack Daniels.

“ Kailangan natin to.” ngisi niya. Hindi na lang ako kumibo at hinayaan siyang kumuha ng mga gusto niya. Mamaya ka saking ungas ka kala mo.

Pagdating sa cashier ay inuna kong ilagay ang mga binili ko para kay Liam. Hindi ko pinansin ang mga kinuha ni Tri at nang akmang ilalagay na niya yun sa counter ay pinigil ko siya.

“ Uy ano ba?” aniya

“ Gago, ikaw magbayad niyan. Ikaw may gusto niyan diba?” sabi ko sabay tawa.

“ Tangina mo kahit kailan apaka gago mo talaga.” aniya sabay dukot sa wallet niya.

“ Sige miss, tapusin mo muna yung kanya. Kung pwede pati siya pakilagay na sa box.”

“ Hahahaha. Tarantado.” sabi ko

“ Magkano lahat miss?”

“ 1,342.75 po sir.” sabi ng babae saka pa ngumiti. Inabot ko sa kanya ang credit card ko saka na hinintay na matapos iyon. Tumayo na ako sa may dulo ng cashier para hintayin si Tri na masamang masama ang tingin sa akin. Tinawanan ko lang naman siya at nang matapos siyang magbayad na umabot sa 3,000 ay inakbayan ko siya saka pa tinawanan sa tenga.

“ Tangina mo gago!” aniya

“ Lugi ako sayong ungas ka! Ikaw din naman makikinabang ng mga to sa huli.” aniya sabay pakita sakin ng paper bag niya.

“ Okay lang yan Dude. Ikaw naman may gusto niyan eh.”

“ Gago ka talaga. Mautal ka sanang ungas ka” iiling-iling na sabi niya.

“ Pero dude, jackpot ba kanina?” biglang ngising pagtatanong niya.

“ Jackpot saan?” pagtataka ko.

Concealed TruthWhere stories live. Discover now