02

1.2K 25 2
                                    

It's been a week since I came home and I haven't tried exploring the country yet. Ewan ko ba. Siguro dahil sa 7 years kong pagtatravel sa iba't-ibang bansa, ngayon naman sobrang pagod na pagod ako. I'm just staying at the condo and sila Tri na lang pinapapunta ko dito whenever they wanna hangout with me. Sila lang nila Rex and Therese ang may alam na andito na ko. Buti nga di nagsasalita tong si Therese kila Maddie eh, Bestfriends pa man din sila.

" Alam mo mauurat na ko dito" reklamo ni Tri. Andito ulit sila ni Rex and were having a few bottle of beers while were playing poker.

" Sino ba kasing nagsabing dito kayo lagi magpunta at tumambay?" tanong ko

" Eh malamang, bagong dating ka. Natural lang na gusto namin nitong si Rex na lagi tayong magkakasama. Napakawakwents naman ng 3 musketeers kung dalawa lang kami diba? Tanga!" ani Tri. Binatukan ko siya gamit ang baraha ko at natawa lang si Rex dahil samin.

" Pero kailan nga ba tayo gagala, Dude? Pati si Therese nagtataka eh. Di ka naman ganyan before." ani Rex.

" People change, man. Also, I've been around the world for 7 years. Now's my only chance to rest and stay indoors. Nakakapagod gumala no." sabi ko

" Kingina mo." ani Tri sabay lapag ng baraha.

" Wala bang pagkain dito? Sinisikmura na ko sa sobrang dami ng beer na iniinom natin. Alam niyo dugo ko, kulay beer na. Bumubula na nga rin ata eh."

" Kung hindi ka mareklamo, gutumin ka." ani Rex

" Eh ganun talaga dude. Uso yun!" sagot naman ni Tri.

" Ivan. Walang laman ref mo?"

" Uh..." tanging nasabi ko.

" Check mo sa cabinet."

He went to check on the cupboards only to get disappointed.

" Tao ka ba? Bakit walang pagkain dito?" ani Rex na nakihanap na rin ng makakain.

" Baka naubos ko na." sabi ko saka sila sinundan sa kitchen.

" Kawawa ka namang hinayupak ka. Buti buhay ka pa?" sabi ni Tri

" Uy!!!" he smiled when he saw an unopened cup noodles lying around the kitchen.

" Dude, you really need to get out of here." ani Rex habang nakatingin kay Tri na excited na nagtitimpla ng noodles

" Next time na lang, we can call for delivery naman diba? Ano bang gusto niyo?" tanong ko sabay kuha sa phone. Suminghap na lang si Rex while Dimitri is still busy preparing his noodles. Since wala namang sumagot kung anong pagkain ang gusto nila ay nagpadeliver na lang ako ng Chinese food.

May Chinese resto kasi sa baba nitong condo tower at masarap yung mga pagkain nila. Nakaramdam na rin kasi ako ng gutom when I smelled the noodles. The food came half an hour later and we all ate in silence.

" Oo nga pala. 7th birthday ni Liam next week. Baka gusto mong pumunta." ani Rex

" Liam?"

" Yeah. Maddie's son. Inaanak mo yun tanga!" aniya. Tumango si Tri saka pa dinuro ang chopsticks sakin.

" 7 years na utang mo gago. Magpakita ka na kasi." ani Tri

" Saan ba?" tanong ko.

" Sa club house ng village nila. Oo nga pala. You have to be in a pilot costume. It's indicated in the invitation. Bibigay ko na lang sayo yung invitation bukas." ani Rex

" Wala akong pilot uniform." kunot-noong sabi ko. Tri plastered an evil smirk and said.

" Never fear, mate! Captain Rex to the rescue!" ngisi ni Tri sabay tingin kay Rex. Suminghap naman ito saka nagkamot ng ulo.

Concealed TruthWhere stories live. Discover now