Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

Chapter Seven - First Time

72.3K 1.4K 20
                                    

Hanggang sa nakauwi na ako sa bahay para pa rin akong tuliro. Paulit-ulit kong naririnig ang sinabi ng head nurse namin. Hindi na raw mare-renew ang contract ko sa ospital, kaya pinayuhan akong maghanap na ng trabaho habang may panahon pa. May nalalabi pa naman akong anim na buwan sa kontrata ko. Patatapusin daw naman nila ako.

Kung kailan ako namomroblema, saka naman text ng text ang ate ko ng kung anu-ano. Nabuwisit ako sa kanya. Nang hindi ko siya sinagot tumawag pa.

"Hoy, ano ka ba? Nakauwi ka na ba ng bahay?" sunud-sunod na tanong niya nang pinagbigyan ko ang kanyang tawag.

"Oo. Kararating ko lang." Matamlay ang boses ko.

"Wala ka namang kalatuy-latoy na kausap. Kanina pa ako text ng text sa iyo ni isa wala kang sinagot. Masyado ba kayong busy sa ospital? Ang alam ko kanina pa ang off mo."

Napaka-impertenente talaga ng babaeng ito! Naku, kung hindi ko lang ito ate. Nakakagigil.

"Ate, pagod ako. Bukas na lang tayo mag-usap."

Hindi ko pa kayang sabihin sa kanya ang bad news. Baka ora-orada itong maghanap ng mapapangasawa kong Norwegian para lang masigurado ang visa ko.

"Suplada naman nito. Gusto ko lang sabihin sa iyo na baka hindi makakauwi si Trond ngayong gabi at sa susunod pang mga araw. Pumunta raw siya sa Bergen sabi ng Kuya Hans mo. Kaya huwag mo na siyang hintayin. Isara mo na ang bahay."

Hindi makakauwi si Trond tonight? Well and good. Makakapag-emote ako nang bongga. At least, walang sagabal. Iyon lang ang pinakamagandang sinabi ni Ate sa tagal ng pangungulit niya sa text simula pa kanina.

"Kahit naman umuuwi iyan dito, hindi ko naman hinihintay ang kumag na iyan. May sarili naman siyang susi, why do I have to wait for him? O siya, I have to go na. Kailangan ko pang magluto for dinner. Talk to you later," at binaba ko na ang phone.

Nagpakahirap ako sa pagluto, pero kaunti lang din ang nakain ko. Nawalan ako ng gana nang maalala na in six months, I'll be jobless. Ang hirap pa namang maghanap ng magandang trabaho sa Oslo. Perfect na sana ang work ko sa ospital. Isang sakay lang from my place.

Binuksan ko ang ref. Naghanap ng maiinom. Nakita ko roon ang red wine ni Trond. Kalahati na lang ang laman no'n. Kinuha ko iyon at nagsalin sa wineglass. Habang tinutungga ang alak, I made a mental note to buy him a replacement before he comes back.

Halos naubos ko na ang laman ng bote nang kumirot ang ulo ko. Saglit akong pumikit sabay hilot sa sentido ko. Pagdilat ko ng mga mata, pakiramdam ko umiikot ang paligid. Lasing na yata ako. Ganunpaman, nandoon pa rin ang paghihirap ng kalooban ko dahil sa bad news na binigay ng head nurse namin. Inubos ko ang kahuli-hulihang patak ng vino at pumunta na sa banyo para maligo.

Nakatulong ang pagsa-shower. Guminhawa ang pakiramdam ko, pero gusto ko na namang uminom. Nagbihis muna ako. This time, I thought of liberating myself. Nagsuot ako ng white cotton panties at white camisole. Maikli ang sando ko kaya litaw ang halos kalahati ng tiyan ko. Pakendeng-kendeng ako habang naglalakad papunta sa kusina. I've never felt sexier.

Kinuha ko ang dalawang lata ng beer ni Trond. Nang maubos iyon, saka ko lang nakalimutan ang problema. Bigla kong naisipang mag-karaoke. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng mga kapitbahay. E ano kung disoras na ng gabi? I'm so lonely. Kailangan kong aliwin ang sarili.

Ang una kong inawit ay ang It Takes a Man and a Woman. Pakumpas-kumpas pa ako na parang timang habang kumakanta. Nang matapos ko iyon, pinalakpakan ko pa ang sarili nang makakuha ng 90 points. Ang sinunod kong kinanta ay ang You Changed My Life in a Moment. Todo emote ako sa pag-awit, kaya hindi ko napansin ang pagbukas ng pintuan. Napalingon lang ako nang may marinig na kalampag na sinundan ng pagmura sa bandang likuran ko.

MY NORDIC GODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon