Wattpad Original
There is 1 more free part

Chapter Eight - Warm Welcome (Trond's POV)

12.7K 309 5
                                    


Strange. Wala pang ilang linggo simula no'ng maghiwalay kami ni Kirsten, ang nobya ko nang limang taon, pero magaan na ang pakiramdam ko. Katunayan, nang makita ko siya kanina kasama ang lalaking pinagpalit niya sa akin, wala na akong naramdamang sama ng loob. Bagkus, parang ipinagpasalamat ko pang wala na kami. Ang ikinatuwa ko na lang, she had the decency to return the ring. Wala na sana sa akin ang singsing na iyon. Kahit hindi niya sana isasauli okay na rin sa akin, pero nagpumilit daw ang bago niyang nobyo. Fine with me. Mas maganda nga. Sayang din iyon. It had cost me a fortune.

Bago ko nilisan ang Bergen, tumingin-tingin ako sa paligid. Parang kailan lang, pinlano ko ang buhay sa lugar na iyon. Naisip ko pa nga na roon na bumuo ng pamilya at doon na rin tumanda. Tama nga sila. Hindi mo talaga hawak ang kinabukasan mo.

"Sorry, sir. This is my seat number," sabi sa akin ng isang mama.

Base sa accent nito ang hula ko'y isa itong Aleman. Sa halip na tumalima agad, dinukot ko muna ang boarding pass sa bulsa at tiningnan ang seat number ko. Tama nga ang mama. Tumayo ako para paraanin siya at humingi na rin ako ng paumanhin sa pagkakamali ko.

"Are you going to propose to your girl?" nakangiting tanong nito sa akin nang maikabit na ang seatbelt. Nakatingin siya sa singsing na nilalaru-laro ko sa palad.

"No," tipid kong sagot sabay iling.

Nang mapasulyap ako sa mama, nakita kong parang kinaawaan niya ako. Inisip siguro na hindi tinanggap ng babae ang marriage proposal ko. Kahit wala akong balak magkuwento, nagpaliwanag ako.

"We broke up. She found a new man, but it's okay. I'm over it now," sagot ko at nginitian na rin siya. "I think it's for the best."

Tumangu-tango ang mama. Hindi na nagsalita pa, pero sa tingin ko hindi naniwala sa mga sinabi ko. Kung sa bagay, lahat ng mga kaibigan ko laung-lalo na sina Olav at Svein ay hindi kumbinsido na okay lang sa akin ang ginawa ni Kirsten. Tingin nila, I was just in denial. Ang hindi nila alam, pakiramdam ko'y parang ginawan pa nga ako ng pabor ng babaeng iyon dahil kahit noon pa man parang hindi buo ang loob ko sa relasyon naming dalawa. Mayroong bumabagabag sa akin na hindi ko maintindihan. O mas tamang sabihin na may ibang babaeng nagpapagulo sa aking isipan.

Pagdating ko sa Oslo airport, halos tinakbo ko na ang parking lot. Nang makuha ang sasakyan, pinasibad ko na ito papunta sa bahay. I can't wait to be home.

Sa garahe pa lang, dinig na dinig ko na ang boses ni Ysay na kumakanta. Naisipan kong gulatin siya, pero ako ang nagulat sa nadatnan. Sino ba naman ang hindi? Hayun siya at halos labas na ang kaluluwa habang gumigiling-giling kasabay ng pag-awit. No'ng una nga'y inisip ko pang nananaginip lang ako, pero ilang beses ko nang kinurap-kurap ang mga mata'y nandoon pa rin siya. Parang tinutukso ako. Napasandal ako sa pintuan at napahalukipkip habang pinagmamasdan siyang bigay na bigay sa pag-awit. Napalunok ako nang ilang beses nang tumambad sa paningin ko ang makinis niyang tiyan na hindi natatakpan nang maikli niyang camisole. May gumapang na init sa aking katawan nang masilayan ko ang nakabakat niyang mga dunggot. Hindi ko namalayan, nabitawan ko ang dalang knapsack. Pati susi ng kotse ay hindi ko naipasok sa bulsa nang maayos. Bumagsak din ito sa sahig. Napamura ako. Napalingon bigla si Ysay.

"Trond! What are you doing here? I thought you were not coming home tonight?"

Mukhang gulat na gulat siya. Ganunpaman, ni hindi man lang tinakpan ang katawan gaya ng nakagawian kung maabutan ko siyang bahagyang nakabihis. Hinayaan ko lang. Nag-e-enjoy pa naman ako sa nakikita.

"Oh. I thought those songs and that get up were meant to give me a warm welcome for coming home," nakangisi kong sagot. At pinagsisihan ko rin iyon dahil na-conscious siya bigla at tinakpan ang sarili. Nagsisisigaw na siya.

MY NORDIC GODWhere stories live. Discover now