Ika-pitong Kabanata

En başından başla
                                    

"Hindi ba unfair? Bakit kailangan gano'n?"

"Tbh, i don't know na. I heard from Mom and Tita na Vin can have one naman but Tita is scared. I don't know, really. I just know na Vin loves you. Bukambibig ka niya sa'kin, eh. Since ako pinakaclose niyang cousin." Natawa siya. Napangiti na lamang ako sa sinabi niya pero bahagyang nasasaktan din. Totoo kaya iyon? Hindi ko alam kung bakit masama ang kutob ko. Baka nagooverthink lang talaga ako.

"Hey, I didn't mean to scare you at first, ah! Naexcite lang ako kanina nu'ng nakita ko kayo ni Vin na magkasama sa canteen. Akala ko kasi ay hindi ka na kakausapin ulit no'n dahil sa hiya. Buti na lang he had the courage noong friday! Hindi ko na alam gagawin ko kung hanggang ngayon ay magpakatorpe pa rin siya sa'yo." Hinawakan niya pa iyong dalawang kamay ko at nagpout. Grabe, ang cute niya pala. Nahiya tuloy ako dahil feeling ko ang pangit ko sa tabi niya.

"Salamat pala. Baka hindi ko rin siya pinansin kundi dahil sa'yo." Sagot ko na lang. Totoo naman, wala nga akong balak pansinin si Vin noong nagsimula ang college at balak ko lang sana siyang tratuhin na hindi kakilala.

"Welcome! Ano pala.. can we be friends? Konti lang din kasi ang friends ko rito tapos parang I want to treat you as my sister! Wala kasi akong little sister eh." Nagpout siya ulit. Kinamot ko ang ilong ko pero ngumiti ako sa kanya.

"Why not naman?" Sabi ko, medyo nahawa na sa conyo niyang pagsasalita. Tumili siya kaya pinagtinginan na naman kami rito at niyakap niya ako.

"Gosh! Aagawin na kita kay Vin!" Ani niya. Natawa na lang ako at ganoon din siya.

"Andeng, are you done?" Biglang sumulpot si Vin sa harapan namin na nakapamulsa. Nagcross arms naman si Andrea at sinamaan suya ng tingin.

"What Andeng?! Kadiri! Andrea na lang or Drea!" Angal niya. Napailing si Vin.

"Sus, ang arte..." Bulong ni Vin. Binato siya bigla ni Andrea ng libro at nasalo 'yon ni Vin agad, nanlalaki pa ang mata.

"I heard that!" Sigaw niya at sinamaan uli ng tingin si Vin. Umirap si Vin at inayos iyong glasses niya.

"Hindi ko na ibabalik sa'yo si Jana!" Pagsusungit ni Andrea at tumayo hinila niya rin ako. Agad akong naguluhan. Ha? Pagmamay-ari ba nila ako? Ano ako, bagay?!

"What?!" Parang frustrated pang sigaw ni Vin. Naglakad si Andrea kasama ako at si Vin ay nakasunod sa amin.

"Drea!" Sigaw ni Vin. Si Andrea ay dere-deretso lang at hindi siya pinapansin. Pinagtitinginan na naman kami ng mga tao.

"My gosh, now she's with the cousins?!"

"Who is she ba? Ang haba ng hair!"

"Bakit siya pinag-aagawan ng magcousin?"

"Sana all!"

Kunot lamang ang noo ko habang hila pa rin ako ni Andrea at sinisigawan siya ni Vin na nasa kabila ko. Hindi naman ako makaalis dahil nahihiya ako kay Andrea.

"Drea!" Sigaw pa uli ni Vin. Huminto sa paglalakad si Andrea nang nasa harap kami ulit ng canteen. Saan niya ba talaga ako balak dalhin? Napapagod na ako, ha!

"What, Adam?" Masungit na tanong nito. Blanko lamang uli ang tingin ni Vin pero para siyang sasabog sa galit. Gusto ko matawa sa itsura niya dahil ang cute niya sa itsura niya, hindi nakakatakot.

"Akin na si Jana." Ani niya. Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay. Biglang nanlambot ang tingin niya nang makita ako.

"No." Sagot ni Andrea. No raw? Edi okay. Gusto ko 'yan, pahirapan natin si Vin.

"Why the fuck?" Nagmura na si Vin pero parang ang lambot ng boses niya. Mariin lamang akong nakatingin sa kanya.

"Kasi ayaw ko."

The Brightest Shooting Star (Athánati series #2)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin