Chapter 27

84 2 0
                                    

Katatapos lng ng isang performance namin sa isang tv show, gusto ko ng umuwi na sa condo, yung feeling na pagod na pagod ka na at gusto mo lang umuwi at magpahinga at umiwas sa maingay na mundo ng showbiz..

Si macy ang pinakasikat samin kaya ang daming offered na projects sa kanya kumpara sa amin..Deserve naman niya yun kasi pinaghirapan niya..

Si tiffany gustong sumama sakin kaya pumayag na ako,si Macy may praktis daw para sa solo performance niya sa C&C special anniversary concert...

Nakarating kami sa condo ko ng mga alas 4 ng hapon..Papasakay kami ng elevator ng may nakasabayan kaming highschool girl sa elevator siya yung nakita ko na dati pa.. ngumiti kami sa kanya..

Ngumiti din naman siya.. maganda siyang bata.. pero parang familiar siya sakin. hindi siya yung tipong bata ng nagwawala pag nakakita ng mga artistang gaya namin o baka di lang niya kami feel , saklap naman..

Pumasok kami ni tiffany sa condo ng maalala ko wala akong pagkain,.

"Tiff, hintayin mo ako dito ha. kukuha ako sa taas ng pagkain natin haha kay kuya lang Kasi ako kumukuha ng pagkain "..

"ai oh..patingin ng ref mo.." binuksan niya yung ref ko sa kusina.." oo nga sawa na ako sa mga diet food na ito haha..bilisan mo "

Nagelevator ulit ako, pagtingin ko sa pintuan ni bryan , andun yung highschool na nakasabayan namin kanina...

tsk tsk..isa siguro to sa mga fans na patay na patay kay Bryan.. saglit nga ta kakausapin ko tong batang ito...masyado siyang bata para sa ganitong bagay..hindi tama yang ginAgawa niya....aral aral muna...

"uhm hello..." bati ko sa kanya pero hindi siya namansin.. napansin ko yung bitbit niyang isang supot ng dutchmill...

"uhm ...wala ba kayong homework sa school o di ka ba hahanapin ng magulang mo..?masyado kang bata hindi kasi magandang tignan ang isang batang babae na nasa harap ng isang condo ng lalake,"sabi ko sa mala ateng tono at nakangiti pa..

Humarap siya sakin at binaba ang phone niya mula sa taynga.. ."ale, may sinasabi ka po? tsaka ano sa tingin mo po ba sa ginagawa mo po.."

"ah kinakausap lng kita bilang nakakatanda sayo..naiintindihan kita kasi teen ager ka at natural lng sa mga kabataan ngayon ang magkagusto kay Bryan. pero ang sundan siya dito sa bahay niya, hindi yan gusto ng magulang natin..tsaka hindi ako ale..ate ang itawag mo sa kin" nakangiti ko paring sabi sa kanya

"so ale hindi pwede sakin at pwede po sayo?. pano kung boyfriend ko ang mayari ng condong to?"..

"ahahaha boyfriend? hindi yung papatol ng highschool..joker ka din no..tsaka ate ako hindi ALE" ganda ko kaya.. Super star ito teh!

"crush mo siguro si Bryan ale pagkakahalata ka eh..pero sorry ka sakin lng siya ALE at hindi ako papayag na mapunta siya sa iba". papatulan ko na tong batang to..kaasar siya...grr.

"ahahaha ulitin mo nga-" hindi ko natapos yung sasabihin ko kasi hinarang niya ang kamay niya malapir sa bibig ko..

Sinagot niya yung phone niya na may tumatawag.. sarap kagatin yung kamay niya ,sana nanay niya yung tumawag at pauwiin at paluin ang pwet...

Ngumiti siya sakin ng nangiinsulto bago nagsalita sa phone niya..

"Oo honey.. andito na ako sa harap ng pinto mo..ah nasa elevator kana,? sige hintayin kita.."

Napatingin naman ako sa kanya..nagsasabi ba to ng totoo..o prank lang ito..

"tsk tsk.. ale ayan na boyfriend ko oh...kalimutan mo na yang nararamdaman mo sa kanya .. bye bye ale" sarkastikong sabi niya sakin..saka niya ako linampasan..

My kind of guyWhere stories live. Discover now