Chapter 49

50 3 0
                                    

Amber's POV

Masaya akong naglalakad sa hallway ng C&C ng mapadaan ako sa malaking TV screen sa lobby..Napahinto ako ng marinig ko ang pangalan ni Bryan dun...

Nagsimulang magreport ang announcer ng naturang showbiz news...

"Kapansinpansin umano ang singsing ng sikat na mangaawit na si MC hyun sa pagawit nito sa isang sikat na programa kagabi.. Hakahakang isa itong engagement ring na bigay ng kanyang nobyo na si Bryan Shin... Wala pang nagbigay ng kumpirmasyon sa dalawa pero baka matuloy nga ito sa masayang kasalan" bumibilis ang tibok ng puso ko at nagiinit ang mga mata ko dahil sa mga nagbabadyang luha...

"ikakasal sila?...." bulong ko sa sarili ko..

Sa oras na iyun napatunayan ko sa sarili ko that  I still love him..sumasakit ang dibdib ko ng maiisip ikakasal nga sila.. Ang pader na binuo ko para matago ang totoong nararamdaman ko ay muli na namang natibag...

Aalis na sana ako ng may bigla na lang umakbay sakin...

"AA, I missed you ..." Masayang sabi sakin ni Macy, magrereact sana ako ng biglang lumapit si Reporter Bon..

"Saglit lang..." Sabi ko at agad tumalikod para kumuha ng tyempo para ayusin ang emosyon ko..Huminga ako ng malalim bago ngumiti at humarap sa dalawa..

"Macy, namiss din kita." Pilit na ngiti ang binigay ko sa kanya....Pinulupot siya sa braso na parang close talaga kami..

"Hindi pala totoo ang tsismis na nagaaway kayo.." Natutuwang sabi naman samin ni Reporter Bon..

"Grabe, magaaway ba naman kami..eh bestfriends kaya kami ni AA" sagot ulit ni Macy...Pinagmasdan ko ang masayang mukha ni Macy at hindi ko mapigilang mainggit sa kanya..

"So ito pala ang tinatawag na showbiz" bulong ng isipan ko..Ngiti na lang ang sagot ko at pagsangayon ng mapansin ni Reporter Bon ang singsing ni Macy at pati ako napatingin dun...

"Pwede bang makunan ng picture? " excited na sabi naman ni reporter Bon samantalang ako grabe ang pagkacurious ko kung anong ibig sabihin ng singsing na iyon...

"Macy, engagement ring ba yan?" Wala sa katinuang tanong ko...ngumiti siya sakin ng pagkatamistamis..

"Hahaha ang cute noh? " sabi niya sakin at tumawa...halatang sinasadya niyang wag ako sagutin..

"Babye!!!" Masayang kaway niya sakin ...Agad namang sumunod si Mr. Bon sa kanya..

Agad akong napahawak sa pader dahil nanghihina ang mga tuhod ko...

'Ito ang hindi ko napaghandaan...ang makitang ikasal si Bryan.."

Natuod ako sa kinatatayuan ko.. Nanghihina ang mga tuhod ko..Bumilis ang tibok ng puso ko pati ang paghinga dahil sa pagpigil ko sa namumuong luha aa mga mata ko...

"Ikakasal sila?...." Nanghihinang umalis ako dun...Ito ang hindi ko napaghandaan..

"Amber? Are you okay?" Tanong sakin ni Luke..Nagulat ako dahil andito pala siya...

"Luke..." Naiiyak na sabi ko...

"Amber, calm down...Let me get you out of here.." Sabi niya at inalalayan ako papalabas ng C&C ng hindi napapansin...

Inlalayan niya kong makapasok sa kotse niya..

"I'll take you home.." Sabi niya tsaka nagdrive..Nanatili akong tahimik...

"Sige lang umiyak ka.." Sabi niya tsaka siya nagpatugtug...

Muli akong Napahagulgul, hanggang ngayon umaasa pa rin ako ansakit malaman na wala na talaga...

My kind of guyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon