Chapter Twelve - Everything at its Right Place

Start from the beginning
                                    

“Grabe Mayel, ang swerte mo naman!” salubong sa akin ni Mia nang alalayan akong bumaba na sa stage. 

“Akalain mo yun, Mia? Para kaming destiny!” 

“Ang daya mo!” aniya sabay kiliti sa tagiliran ko. “Teka anong sabi niya sayo bago ka bumaba? Parang may inabot siya sayo ah?” Bigla kong naalala na may piece of paper nga na binigay sa akin si Kirby na nilagay ko sa bulsa ko. Kinuha ko ito at binasa kung ano ang nakasulat. Number niya ang nakalagay dito. Hmm, interesting! “Gosh, number niya?”

“Shhh, secret lang ‘to okay?” sabi ko sa kanya. “Walang problema, you can count on me.” We grabbed some hotdogs at umupo sa tabi. “Nasaan nga pala si Rio?” tanong ko sa kanya.

“Kausap si Jamelle.” tugon niya sa akin.

“Is there something going on between the two of you?” tanong ko ulit.

“Di ko alam. Kung meron man, di pa ako ready. Masaya na ako na magkaibigan kami.” Tumango ako. “Eh ikaw, paano na kayo ni Jake? Mukhang napapadalas ang pagsasama niyo ah.”

“Alam mo sabihin mo mang gaya gaya ako pero magkaibigan lang din kami at ine- enjoy ko pa yan. Sa ngayon, ayoko pa. Gusto ko munang mag focus sa studies ko at sa mga kaibigan ko, kayo.”

“Hmm, talaga? Kahit si Kirby pa mismo ang manligaw sayo?”

“Well, ibang usapan na yan. Tingnan natin. Pero di naman kaya sakit lang siya ng ulo?”

“Up to you.”

“Siguro hindi na din, sabi ko nga focus di ba?” Kinuha ko ang number ni Kirby at binigay kay Mia. “Ikaw na bahala diyan.”

“Sure ka? As in? Parang kanina lang para kayong mag boyfriend sa stage ah?”

“Mia, para lang. Tsaka sabi nila mahirap daw magmahal ng musikero, marami kang kaagaw.” Maya maya lang ay umakyat sa stage si Jake para ipakilala ang susunod na tutugtog.  Napatingin ako sa kanya. And then I smiled secretly sa kaloob looban ng puso ko, I knew he’s still there ilang beses ko man sabihin na wala na.

Rainier dela Costa

Mag isa akong nakaupo habang pinapapanood ang ilang banda na tumutugtog sa stage. Nakakaaliw tingnan ang mga tao na para bang walang ibang inaalala kundi ang present moment. Nagsimula ang sem na ito na nalilito ako. Guess what? Sa kasarian ko. Di ko alam kung lalake ba talaga ako tulad ng nakasanayan ko at dapat bigyan ng pagkakataon ‘tong kakaibang nararandaman ko sa pagkatao ko? Bakit nga ba dapat ko ‘tong problemahin sa gitna ng isang concert for a cause. Bakit di ko na lang i- enjoy ang present moment tulad nila? Tama, kailangan ko siyang i- enjoy kahit ang pagkalito ko sa sexuality ko. Minsan lang ito nangaasar sa isang tao at sa totoo lang hindi lahat ng tao nakakaranas ng ganito. Tama. Tama. Ang galing mo talaga Rainier. Baliw kasi yang Jake na yan eh, inakit ako. Gusto ko mag thank you sa kanya dahil siya ang naging ilaw ko para mas malito pa ako.

“Uy, nagiisa ka diyan!” Si Mia. Hay naku, kitang nage- emote eh.

“Musta girl?”

“Okay lang ako girl!” tugon niya naman.

“Uy, wag ka maingay. Ligawan kita diyan eh! Di mo ata alam kung ilan na ang naging girlfriend ko no?”
“Hahaha.” nangaasar niyang tawa. “As if naman maiinggit ako sa mga babaeng yun no. Wag kang magalala, secret lang natin yun.”

“Subukan mo lang sabihin at sasabunutan kita.”

“Para naman may masasabunot ka sa maikli kong buhok no? Macho macho mo, mananabunot ka!”

A Campus StoryWhere stories live. Discover now