Chapter Twenty - Movie Marathon

126 1 0

We long for escape

Let this memory take shape

For the heroes we often see

I don't know if it's me

Or the movies we've seen

I don't remember

As well as I should- Movie by Sponge Cola

Candy Chan

"Tuloy, tuloy kayo sa bahay namin!" masayang salubong sa amin ni Rainier. Araw ng Sabado at undas, kasama ko si Mart dahil balak mag movie marathon ng tropa. "Kayo na lang ang hinihintay eh."

"Sorry kung late kami ah. May dinaanan pa kasi eh."

"O ano, tapos na ba kayo mag enroll?" tanong niya uli sa amin. Pagkapasok namin sa loob ay nakita kong nakaupo ang buong tropa pwera lang kay Mayel. "Wala si Mayel, di makakapunta. May lakad daw sila ng pamilya niya. Pero dumaan siya dito kanina at nagiwan ng cake, pang food trip natin mamaya." ani Rainier na para bang masyadong obvious na na hinahanap ko nga si Mayel na ikinatango ko lang. Sem break na at hindi pa rin kami naguusap. Sometimes, iniisip ko nga bakit nga ba hindi ko siya kausapin? Kaya lang siguro hindi pa ito ang tamang panahon, kung ako kasi ang tatanungin, ay hindi ko pa kayang makipag ayos sa kanya, only time can tell.

"Nag enroll na kami kahapon, sabay kami Mart." sagot ko naman. 

"Dito na tayo Hon!" ani Mart na pumuwesto sa may carpeted na sahig dahil wala na ding bakanteng mauupuan. Tumabi nga ako kay Mart. Napansin kong magkatabi si Jake at Mia na hindi man lang natinag sa pagdating namin dahil kanina pa naghaharutan ang dalawa. Hmmm, I can smell something fishy here. At si Rainier at Kyle naman ay magkatabi sa may sofa at ngumangata ng popcorn. 

"Umpisahan na natin please nang tumigil na ang katabi ko dito." ani Mia.

Sinet up ni Rio ang ang CD player at saka nag roll ang palabas.

"Horror muna tayo ngayon ah! Halloween naman eh." aniya na mukha ding masaya kahit ba hindi na natuloy ang panliligaw niya kay Mia na mukhang kiinikilig kay Jake.

"Sure, no prob!" tugon naman ni Kyle. "Basta mamaya anime tayo ah!"

"Lahat ata ng category ay mapapanood natin ngayon." sabi naman ni Rio. "Just sit back and relax." Nakasarado ang mga kurtina at tama lang ang ventilation sa sala. Feel na feel ko ang theatre mood sa lugar na ito. Wow, exciting!

At dahil nga horror ang unang pinanood, panay ang yakap ko kay Mart habang siya ay hawak hawak ang dalawa kong namamawis na kamay.

Mayel Domiguez

Hindi na ako sumama sa movie marathon ng tropa. Bukod kasi sa nandoon si Candy ay may lakad kami ni Mama papuntang puntod ni Lola and afterwards ay may date kami ni Gene. Yup, I'm dating Gene now, ilang araw pa lang naman actually. And he's really a great guy, grabe, kasabay ko siyang kumain sa lunch at sabay na din kaming umuuwi pagkatapos ng klase. I can't believe I'm so over Jake and it takes a long time for me to realize it. Ngayon talaga ay masasabi kong I love what I'm in right now. Kahit ba hindi pa din kaming naguusap ni Candy. Dumaan na nga lang ako kanina sa bahay nina Rainier para iabot ang cake, nakakahiya din naman kasi sa tropa. 

Dalawang linggo lang ang sembreak at kung hindi ako nagbabasa ng mga pocket books ay ka text ko naman si Gene. "Ano ba yan anak, bukambibig mo naman palagi si Gene." puna ni Mama na nakakahalata na pala. "Nakakairita na, sa totoo lang. Mag seryoso ka naman. Magsindi ka na nga lang ng kandila diyan." At yun nga ang ginagawa ko. "Ba't di mo kaya sagutin yang Gene na yan? Gusto mo naman siya di ba?"

A Campus StoryBasahin ang storyang ito ng LIBRE!