Chapter Six - Dahil sa pagiging Tsismosa

123 4 0
                                    

Ayan tuloy ang napala tsk tsk!- *author

Candy Chan

Pagkadating na pagka dating sa police station, sumugod agad kami sa loob. Never pa akong nakakapasok sa loob ng isang police station pero feeling ko, alam na alam ko na kung saan dapat pumunta. Tulad lang din ito ng mga pinapanood ko sa TV. 

“Jake? Anong ginagawa mo dito?” tanong ng pulis na nakabantay doon na kung tatantyahin ay forty five years old na, medyo napapanot ang buhok nito at may suot na salamin. Hindi siya tulad ng ibang pulis na nakikilala ko na malaki ang tiyan. At ayon sa kanyang name strip sa uniform, ang pangalan niya ay SP04 Mario Constal. Aba, kamag anak nga ni Jake. 

“Uncle, sila po ang mga school mates ko, sina Candy at Mayel. May dapat kayong malaman tungkol doon sa nangyari sa school. Alam na namin kung sino ang may kagagawan nito.” 

“Umupo muna kayo nang mas lalo tayong magkaintindihan.” yaya ng isa pang pulis na tantya ko ay nasa mid forties na din, matipuno ang pangangatawan at mukhang laging alerto. Nababagabag nga lang ako sa bigote niya. Hay naku, Candy ano ba itong pinag iisip mo? Concentrate ka nga sa present situation! 

Pagkaupo na pag kaupo namin ay sakto namang dumating si Mart at saka dumiretso sa kinaroroonan namin.

“Kasama po namin siya.” pahabol ko kay Police Mario.

“Okay, ano ang natuklasan niyo sa kaso ng school niyo? Sabi niyo ay kilala niyo na ang salarin di ba?” ani Bigote.

“Ganito po kasi yun.” At nag simula na ngang mag kwento si Mayel tungkol sa nangyari mula noong narinig niya si Prof Mike habang nag tatago sa teacher’s table hanggang sa narinig naming pag uusap sa may likod ng chapel habang nag tatago kami sa may loob ng cabinet. Matiyaga namang nakikinig ang Sir Mario sa salaysay namin. 

“Sa katunayan po Tito, may sumunod na nga po sa may bahay kanina at for sure sila ang hinahanap ng tatlong lalakeng mukhang goons kanina.”

“Nasaan ang mga parents mo? Wala ba sila sa bahay?” tanong naman ni Bigote.

“May naiwan po kanina sa bahay, ang kaibigan kong si Rainier. Sabi ko mag tago sila ni Mama doon sa may secret base, yung nasa third floor. Tinawagan ko sila kanina at sabi okay naman sila, walang nasaktan. Nabalaan na din kasi ang mga katulong na mag tago na din. At tama ako dahil ang tanging pakay lang nila ay sina Candy at Mayel.”

“Mabuti naman at nakarating kayo agad dito kung ganoon. So, may kinalaman talaga ‘tong si Prof Mike pati ang mismong director ng school. Kung ganoon dapat ay mag tago na muna kayo hanggang sa di pa sila nahuhuli. It may take three days or more dahil sigurado ay nag tatago na din sila sa ngayon. Makapangyarihan ang pamilya nila kaya kailangan ng matinding pag iingat dahil sa totoo lang hindi biro ang pinasok niyong gulo.”

“Saan po kami mag tatago?” tanong ni Mart.

“Sa isang malayong lugar, sa isang lugar na hindi kayo masusundan. Dahil kung hindi ako nag kakamali, kasali itong si Mike sa White Masters.”

“White Masters? Ang baduy naman! Ano iyon? Gangster?” sabat uli ni Mart. Well, I must admit, baduy nga.

“Baduy na kung baduy pero di biro ang grupong ito. Konti lamang ang miyembro pero malalakas sila at madaming connection. At kung di ako nag kakamali ay meron silang pinag kukunan ng mga weapons nila.” paliwanag ni Sir Mario. 

“Hindi po ba kami uuwi muna para makapag paalam sa parents?” tanong ni Mayel. “Mag aalala po kasi ng husto ang parents ko nito eh.”

“Kami na ang bahala doon pati sa mga gamit niyo. May ipapadala ding mga tao para mag bantay sa pamilya niyo. For the mean time, mag tago na muna kayo.” tugon naman ni Sir Bigote. Nag katinginan na lamang kaming apat, halatang di makapaniwala sa mga narinig. Di ko akalaing aabot sa ganito ang pagiging tsismosa namin ni Mayel. OMG! “Ako na muna ang bahala sa inyo.” dagdag pa nito. 

A Campus StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon