Prologue - First Day Hay!

1.3K 10 0

Candy Chan

                "Unang araw ng pasukan ko sa college. Papasok pa lang ako ng campus, I felt nervous na. Dito sa University of Molino rin ako nag highschool, oh how I miss my high school life. Doon ko naranasan ang mga first times ko like many other people. At ngayong college na ako, for sure mas madaming adventures ang naghihintay or should I say magiiba na ang mga bagay bagay, Well, maybe I should wait and see.Nakita ko ang pagkaway sa akin ni Mayel, ang best friend ko. Nakaupo siya sa catwalk at dali dali ko naman siyang tinungo.

                "Mayel, musta?" bati ko. Si Mayel, ang best friend kong mula first year high school ay muse na namin. Kumabaga, isa siyang beauty queen. Mestisa siya, curly long hair at lahat na ata ng lalake ay crush siya. Ako naman ay opposite niya, morena ako at straight ang mahaba ding buhok ko. At wala naman  nanliligaw sa akin, di pa ako nag kaka- boyfriend. Anyway, sa studies naman ako bumabawi. Di ako valedictorian but I was one of the top students. Magkaganun pa man, pareho pa din kami ng course ni Mayel, we took up the course Business Management, siguro dahil pareho kaming anak ng mga business man. Ang mga magulang ko ang may ari ng ilang branches ng Lyla Cafe, so far business is good kahit di naman nakapag tapos ang Dad ko. Lyla ang pangalan ng Cafe kasi yun ang pangalan ng Mom ko. At balak ko atang sumunod sa mga yapak nila.
                "Sa wakas at dumating ka na! Kanina pa kita hinihintay eh." Nag beso beso kami. "Nakita ko nga pla kanina si Mart. Hinahanap ka niya kanina pa." sabi ni Mayel. Si Mart nga pla ang best buddy ko. Grade 4 pa lang ay magkakilala na kami pero nung grade 6 lang naging close. Matangkad at tanned ang kulay nito, one side ang buhok, at mahaba ang pilik mata ng lolo mo. At kung ngumiti ito ay kitang kita ang maganda nitong ngipin. Si Mart nga pala ang secret crush ko.
                "Ganun ba? Yaan mo makikita ko din ang taong yun."
                "Ano ba course nun?" tanong ni Mayel habang inaayos ang mga dalahin niya.
                "IT" maikli kong sagot, mahilig talaga sa computer si Mart. "Tara pasok na tayo, ano nga ba first subject natin? Accounting 1 db?" Tumango lang si Mayel habang papaakyat na kami ng hagdan, sa fifth floor ang unang klase.


                Anyway, ako nga pla si Candy, Candy Chan. 

Mayel Dominguez

                 Nakita kong pumasok si Jake sa classroom kung saan kami nakaupo ni Candy. "Look who's coming." bulong ni Candy. Napalunok ako sa kinauupuan ko. "Di ko alam na Management din pala ang kukunin nya. Hmm, something fishy! Akala ko ba nursing siya." dagdag pa nito. Di ako nakasagot nang makita kong hinagkan ni Jake si Shaina. OMG! Sila na ba? One month pa lang kaming break ah, ang bilis niya naman makapag move on? Si Jake Constal nga pala ang 23rd kong naging boyfriend, President ng student council naming nung high school pa lang kami, 5’9 ft, mestiso, (in short gwapo). Di naman siya ganun ka- popular dati, pero sa isang iglap, bigla na lang siyang naging popular, I don’t know pero naging crush ko siya dahil di lang siya cute, matalino pa. Sa totoo lang siya ang pinakamatagal kong boyfriend, imagine, three months? Nakipag break ako sa kanya dahil napaka seloso niya at nasasakal na ako. Okay naman sana kaso di pa rin ako nai- inlove ulit. Ang nakakapagtaka ay nahihirapan ako makapag move on na di naman mahirap para sa akin dati. Sabi nga sa akin ni Candy baka daw karma ko na daw to, napaka player ko daw kasi, ayan tuloy, feeling ko nagsisisi na ako. Lalo na nang makita ko na sweet sila ni Shaina, parang gusto kong maiyak sa kinauupuan ko. "Mayel, uy! Okay ka lang? Hindi ka dapat magpahalata, ignore what you saw, you know naman na he's a big jerk. forget him honey." Gusto kong makinig sa sinasabi ni Candy pero hanggang sa matapos ang klase, di na ako nakaimik.

Rainier Lacosta

                Bakit ba ang weird ng mga tao dito sa school na 'to? Nakakainis, gusto ko ng bumalik sa Manila. Wala naman akong kilala dito eh. I don't know why Dad have to leave Mom, at bakit ba nadamay pa ako sa paghihiwalay nila? Dahil naghiwalay sila kailangan ihiwalay din ako sa mga friends ko na nasa Manila, ganun? Ang boring nga dito eh. Wala nga atang bar or something at sa ngayon wala pa akong nakikitang magandang chix. Miss ko na din ang mga tropa ko. I miss all of them. Noon pa naman talaga, gusto ko talagang mag stay na lang sa Mom ko, kaso dahil nga wala naman siyang trabaho at malamang walang ipangpapaaral sa akin, si Dad na ang nag decide. Kaysa naman di ako makapag aral di ba? Tapos malalaman ko na lang na sa Cavite pala kami titira? Asar! I hate everyone, yung guard kanina ayaw akong papasukin dahil daw sa haircut ko, DAMN! Buti na lang may barbershop sa harap ng school na para bang sinadya na doon siya pinatayo ng may ari. At kanina din may nakabunggo pa akong babae na parang na hypnotize sa pagkatitig sa akin. She's beautiful pero di ko type kaya sa halip na tulungan siya sa mga nahulog niyang gamit ay dire-diretso pa din akong naglakad papunta dito sa classroom. Maya maya lang may tumabi sa aking lalake na matangkad at may malalaking muscles. Ehem, may muscles din naman ako at mas may hitsura pa nga ako sa kanya eh, pero bakit ganun, bigla akong na tense. "Tol, 'no pangalan mo? Management ka din?" tanong niya.
                "H-hindi, Marketing ako. Rainier, pare." sagot ko na parang nauutal pa. "Ikaw?"
                "It's Jake." maikli niyang sagot sabay abot ng kamay sa akin na siya naman kinamayan ko.

A Campus StoryBasahin ang storyang ito ng LIBRE!